XIV

925 28 2
                                    

Wala na ang Dad. That's the truth. Pero hours before that, I felt dreadful than I already am. Masakit pa rin  ang pagkawala ni Dad pero katanggap-tanggap na iyon ngayon kasi I got the chance to talk to him for the last time. Mas maluwag sa pakiramdam.

When Liane let go of my hand, I know that was my signal to go inside the room. Hindi ako madalas matakot, not in this lifetime pero pamilyar ang pakiramdam na ito na parang naramdaman ko na ito dati.

Dad is sitting on his bed. Alam kong ako na lang ang hinihintay niya. He looks so tired at gusto nang magpahinga pero hindi niya magawa dahil may gusto pa siyang sabihin sa akin.

Kumawala na ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at naupo sa tabi niya.

Dad smiled at me genuinely. I hold his hand at idinikit ko 'yun sa pisngi ko because I wanna feel his warmth and I want him to know that I am there beside him as he wanted me to.

"Dad." Tanging nasambit ko.

"Anak, wag kang umiyak. Pag nawala ako, madami kayong mamanahin ng kapatid mo. You can live like a prince if you want to." biro pa niya.

"Dad, you know that I don't want that kind of life. All I want now is for you to be healthy."

"Anak, matalino ka more than anyone I know. We both know that, in this world my time is already up."

"Don't say that."

"But that's the truth, boy. That's why I wanna talk to you. I have a few things to say. Of course, you can say no if you want to." kahit nanghihina ay bakas pa rin sa tinig ang nya pagka may awtoridad na tono.

"Yes. Anything you ask is yes." biglang tugon ko. Totoo naman, kahit anong hilingin ng ama ko ay susundin ko. Kahit maging gaano pa kahirap ang mga yun.

"First. Tell your sister how sorry I am. I wanna be the father that she deserves pero hindi ko nagawa. She always has this wall with her na miske ako na sariling ama niya ay nakakaramdam ng intimidation kapag kasama siya. Palagi siyang distant, ni hindi ko alam kung anong nangyayari sa buhay niya sa labas ng negosyo. You can see how tough she is on the outside, but on the inside she is nothing but a fragile glass. Lahat iyon pakitang tao lang. And most of all, keep her heart safe. Gusto kong gabayan mo ang kapatid mo sa kahit ano mang paraang nalalaman mo. She needs you anak, as her brother. Ikaw lang ang kilala kong kayang tumawid sa wall na iyon.

Flademian Monarchy 1: Drive Myself Crazy Be (Completed) [Unedited] R-13Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt