XVIII

875 21 0
                                    

Kinaumagahan, mukhang hindi din pinatulog ng pagkakataon ang kapatid ko nang dahil sa nangyari kahapon. Tila kay aga-aga pero agad siyang nagpunta dito sa apartment ko.

"I just wanna apologize for what happened yesterday." Bungad agad sa akin ni Jessica pagkabukas ko palang ng pintuan. Ni hindi man lang  siyang nagabalang pumasok. Manang-mana talaga siya kay Dad. She's very straight to the point.

"Come in." I said. I wanna talk to her.

"No. I need to go to to the offi—"

"I said come in. I wanna have breakfast with you today. Was that too much?" Wala siyang nagawa kung hindi sumunod sa akin sa kusina.

"Good morning Jessica." Bati sa kanya ni Mason na siyang nagluluto ng almusal.

"Owens please, don't start." Sagot naman kapatid ko.

"Ano bang ginawa ko? Binati lang naman kita ah." Sabat pa ni Mason habang ipinagsasalin niya ng kape si Jessica. Ibinigay niya iyon sa kapatid ko.

"Thank you." Sabi ni Jess. Nanlaki naman ang mata ng damuho na tila hindi makapaniwala sa mga narinig.

"You're welcome Madame Horecois." Sabi pa ng damuho. Napangiti siya. Gayun din ang kapatid ko sa kanya pero nagiwas ito ng tingin para hindi makita ni Mason.

Tumikhim ako para lang maging aware sila na hindi lang silang dalawa ang naririto. Jessica composed herself. Si Mason naman ay pumanik sa itaas. Batid niya kasing gusto kong makausap ang kapatid ko ng sarilinan.

"Kuya, I'm sorry. I shouldn't talked to you that way. Naging bastos ako. Kagabi, na-realize ko ang pagkakamali ko. Nang dahil sa gusto kong igiit ang gusto ko, nasagot tuloy kita." Nakayuko pa siya na parang pinapagalitang bata. I can't help myself but to be amused. She may be a terror to others, but she's still the loving sister I know. I thought I lost my baby girl. Hinawakan ko ang kamay niya dahilan para napatingin siya sa akin.

"Si kuya nga ang dapat mag-sorry sa iyo. I should've controlled myself but clearly I lost it. Sorry ah. Siguro na pressure lang ako dahil sa biglaang pagkawala ni Dad. Ayokong gumawa ka ng disesyon base sa negosyo. You know I can't let you ruin your own life. Ikaw na lang ang meron ako."

"I know Wil. And I understand. At ayoko din na nagaaway tayo. That's I why want you to understand as well.." Napakunot ang noo ko.

"Understand what?" I asked.

"I will proceed with the wedding.  Looks like Ethan already decided. I can't refuse him and this is not about business anymore." Sabi ng kapatid ko. Mukhang desisdido na talaga siya. Hindi ko alam kung tama bang magsalita pa ako. Ayokong magkaaway nanaman kaming magkapatid.

"He loves me." Sabi pa niya.

"Clearly, kaya nga sinapak niya ako di'ba?"

"He's sorry for that, too. In the middle of next week, he said he'll talk to you. Sa tingin ko mamanhikan na sila."

"Mahal mo ba siya?"

"To be honest, I don't know what it feels like to love another person in a romantic way. But if that means that you dearly care for them that much, yes, I think I'm in love with him." Tumango ako. I wanna understand where she's coming from.

Baka katulad ko lang kapatid ko noon na naguguluhan sa tunay niyang nararamdaman. As much as I want her to figure things out on her own, parang nanaig kasi sa loob kong protektahan siya sa lahat ng bagay hangga't maari.

Marriage is a lifetime commitment and I just don't want her to make a wrong decision about it. Kung maari lang na sa lahat ng oras ay nasa tabi ako ng kapatid ko masiguro ko lang na hindi siya mapapaano ay gagawin ko.

Flademian Monarchy 1: Drive Myself Crazy Be (Completed) [Unedited] R-13Where stories live. Discover now