XX

1K 29 0
                                    

"Saan ka ba kasi nagpupupunta? Kung kailan kailangan kita tsaka ka naman wala!" Bungad ko sa damuhong si Mason. Ilang araw na kasi siyang hindi umuuwi sa apartment ko. Kung dati nga ay ako pa mismo ang nagtataboy sa kanya dahil naaalibadbaran ako sa mukha niya kapag tengga kami at walang misyon. Nang mga nakalipas na araw, halos hindi ko napagkikita ang impaktong ito.

"Ngayon kailangan mo ako? Edi wow." Nilagpasan lang niya at dimeretso sa sala para humilata sa couch.

"Wil, kape nga. Hindi pa ako nagko-coffee eh."

"Ulol. Kung gusto mo ikaw ang kumuha. Uutusan mo pa talaga ako ah!" Nayayamot na sabi ko.

"Pag ikaw, ipinagluluto kita ah!" Reklamo niya pa. Mukhang sobrang pagod ang damuho kung saan man siya galing at hindi makagulapay. Ipinagkuha ko na siya ng kape. Baka kasi may masabi pa siya.

"Thank you Wilson ko." Nilandian niya ang pagkakasabi.

"Kadiri. Parang hindi nanaman ako makakapag-lunch nito. Nakakasuya." Maduwal-duwal kong sabi.

"Ang arte mo! Pag ako naging earl..." Banta niya pa.

"Paki ko! Alam mo ba kung ilang earldoms at baronies ang nakapangalan sa akin?" Pagyayabang ko.

"Oo nga no? Nakalimutan ko. Feeling ko kasi si Gagory ang kausap ko. Penge ngang isang earldom para hindi ko na kailangang antayin pang mamatay ang tito ko." Nabubugnot niyang sabi. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. I've been doing a lot of things, especially lately at hindi ko pa nasisimulan ang pagasikaso sa mga lupang minana ko mula kay Dad.

I have a total of fourteen titles under my name now at ni isa sa kanila ay masasabi kong hindi ko pa kayang pagtuunan ng pansin ng buong-buo dahil sa dami ng ginagawa ko. Tutal naman ay walang ginagawa ang isang ito sa buhay niya, his idea wasn't actually bad at all.

I texted Mia, my secretary to put three of the titles under Mason's name. Wala pa sigurong labing limang minuto ay nag-reply siya sa akin at sinabing tapos na ang pinapagawa ko.

"It's done!" I said to Mason. Natatakhang tinignan lang niya ako.

"Ano?" Tanong niya.

"It's done. Congratulations Mr. Owens. Your now an official earl now. Lord Bradleystones and two other baronies." Nanlaki pa ang mata niya sa sinabi ko.

"Weh, di nga?" Tanong niya pa. Ipinakita ko sa kanya ang text ng sekretarya ko. Akala ko ay mananahimik na sa siya pagkat nakuha na niya ang gusto niya pero nagkamali ako. Pagkat nagtata-talon siya na parang isang baliw at nagsisisigaw pa. Tuwang-tuwa ang tukmol.

"Whooo!!! Gagory is my bitch!! Wala nang pwedeng umapi sa akin!!" Sigaw pa niya. Mukhang nagkamali ako sa pagbibigay sa kanya ng nais. Lalong nasiraan yata ang ugok.

"Wag kang matuwa. May kaakibat na responsibilidad ang lahat ng iyan. You have to go at least twice a week in to the Bradlestone Manor. Just to make sure that the tenants are doing great. Hindi ko naman na kayang asikasuhin ang lahat ng mga iyan kung ako lang." Paliwanag ko. Tango lang siya ang tango sa lahat ng mga sinabi ko na parang alagang aso. I can see that he's excited.

"As for the baronies... You have give a report in the House of Lords at least once month."

"Yes! Yes! Yes! Oo, kahit ano. Basta ikaw, nanginginig pa!" Sabi niya.

"Baliw. Pag hindi ka sumeryoso, babawiin ko iyan at ibigay ko sa Gregory." Banta ko.

"Sersyoso ako!" Sigaw pa niya. Napailing na lang ako. I just pray that he doesn't screw this one up.

"Maiba lang, bakit biglang gusto mong magkaroon ng kabuluhan iyang buhay mong patapon?" Tudyo ko.

"Isa ka pa! Ang sakit mong magsalita! Parehas—" hindi na niya itunuloy kung ano man ang sasabihin niya.

Flademian Monarchy 1: Drive Myself Crazy Be (Completed) [Unedited] R-13Where stories live. Discover now