XIX

849 21 1
                                    

I'm still holding her hand nang dinala namin siya sa ospital. Ayokong bitawan ang kamay niya pagkat sa ano mang sandali ay maari siyang mawala sa amin.

"Mama.." Ang tanging salitang kaya kong sambitin sa mga sandaling iyon. Ipinasok namin siya sa ER at doon ay hinarang kaming ng ilang tauhan ng ospital pagkat hindi raw kami maaring pumasok dahil kritikal daw ang kalagayan ni Mama.

Napahagulgol lang ako sa bisig ni Wil. Walang ano mang salita ang nagmula sa kanya subalit inakap lang niya ako ng mahigpit at ipinaramdam sa akin na hindi ako nagiisa.

"Wil.. Ang Mama..." Umiiyak na sabi ko.

"She's going to be alright, okay?" Hinimas-himas niya pa ako sa buhok. Ano na lang ang gagawin ko kung wala siya dito.

Si Papa ay hindi naman mapakali at palakad-lakad sa pintuan ng ER. Lahat kami ay nagaantay ng balita sa kung ano na ang kalagayan ng Mama ko. Maya-maya pa ay lumabas na ang doktor at agad naman siyang nilapitan ni Papa.

"Doc, what happened to my wife? Is she alright now?" Tumango ang doktor at nakahinga na kaming lahat ng maluwag.

"Her majesty is stable now. Maaring nabigla lang siya sa mga ilang pangyayaring nasaksihan niya. May nangyari ba?" Nagkatingin lang kaming lahat pero walang sino man ang sumagot.

"..anyway, normal lang iyon sa mga taong nagkaka-edad na kapag nabibigla. She'll have to be confined for further observations. Mga ilang iraw lang naman. Sa ngayon ay kailangan munang magpahinga ng pasyente." Tumango si Papa at nagpasalamat bago umalis ang doktor. Galit na hinarap ni Ethan si Gerard at kinwelyuhan.

"This is your fault!" Sabi ni Ethan kay Gerard pero mukhang wala itong pakialam sa kahit ano man sabihin niya bagkos kinabig lang nito ang kamay niya.

"How is this my fault? Your rudeness brought us all here. Kung hindi ka lang sana naging bastos, her majesty, your mother wouldn't follow us. Hindi sana niya maririnig ang katotohanan. She wouldn't know that I am your brother." Binigyang diin niya pa ang salitang kapatid. Bumitiw ako kay Wil at mabilis tinungo si Gerard para sampalin. Lahat ay nagulat sa ginawa ko pero wala akong pakialam.

"I don't care if all the things that you said is true, pero anong ginawa sa'yo ng Mama ko para madamay siya sa galit mo sa mundo? She was nothing but nice to you!" Sumabog na ang kanina ko pang tinitimping galit. Hindi ko na napigilan pa.

"Actually meron. Siya ang may kasalanan kung bakit ako, kami ng kapatid ko na lumaki na walang kinikilalang ama. But I chose not to blame her on that. Dahil alam kong ang walang kwenta kong ama ang may kasalanan ng lahat." Tiim na bagang na sabi niya at bumaling pa sa direksyon ni Papa.

Ethan was about to punch him pero mabilis na umiwas si Gerard. Ethan is the one who's facing the wall now habang pinipilipit ni Gerard ang kamay niya sa likod.

"Try not to do that again. You might regret it later on, brother." Binitiwan niya ang kapatid ko sabay naglakad paalis. He's about to be followed by my father pero hinawakan siya ni Ethan at bumaling siya sa aming magkapatid.

"Liane, let me explain." Sambit pa niya. Hindi ako tumugon pagkat ayokong may masabing maaaring pagsisihan ko.

"Please do, father. Why is that bastard claiming that you are his father? Is it even true?" Tanong ni Ethan.

"Ethan, not today. Mama just went on a critical condition-." Saway ko.

"No ate. He has to explain. Dati, kapag hindi niya nagustuhan ang sinabi ko, grabe ang parusang ginagawa niya sa akin. To the think that I'm think the only heir he has. Pero ngayon, ilang beses ko nang nakitang binastos siya ng lalaking iyon but he just let him go. Why? Does his majesty lost his balls?!" Nagulat kami ng biglang bumulagta si Ethan sa sahig nag suntukin siya niya Sir Bernards.

Flademian Monarchy 1: Drive Myself Crazy Be (Completed) [Unedited] R-13Where stories live. Discover now