XXIII

971 28 0
                                    

"Anong pinagkakaabalahan mo at hindi kita mahagilap nitong mga nakaraan?" Bungad ko kay Mason. Napagusapan namin na magkita pagkat ngayon umaga lang ako may libreng oras para makausap siya. Aminin ko man sa hindi ay na-miss ko talagang kasama ang damuhong ito, iyon lang kapag tinatawagan ko siya ay palagi siyang wala o kaya naman abala sa kung ano man ang ginagawa.

"Wala. May sinusundan lang ang. Hindi ko mahuli-huli. Naging paranoia ko na nga yata iyon. Halos hindi na ako makatulog kakaisip na baka may mangyaring masama." Sabi niya. Napakunot ang noo ko. Napansin ko ngang mugto ang mga mata niya, halatang madalang matulog. Nangangayayat din ang pangangatawan niya.

"Sinong sinusundan mo? May nangyari ba?" Tanong ko pero umiling lang siya. Kung ayaw niyang sabihin sa akin ay wala akong magagawa. Kahit na madalas ay siraulo ang isang ito, I respect his private life at ayokong panghimasukan iyon.

"Nothing important. I think I can get over this, just give me a few months. This infatuation will end soon." Makabuluhang sabi pa niya. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya pero this is so not him. Hindi ko pa nakitang ganito kaaligaga ang isang ito para pagkaabalahan at pagtuonan ng pansin ang isang bagay. Whatever that thing is, that must really important to him.

We were just taking our morning jog pero kulang isang dosenang body guards ang nakasunod sa amin. Hindi pa rin ako masanay-sanay sa ganitong sitwasyon at sa totoo lang ay nakakaasiwa na palaging may nakasunod sa akin kahit saan ako magpunta.

"Does these men always following you around?" Tanong ni Mason. Tumango lang ako.

"Kahit sa CR?" Tanong ulit niya. Tumango lang muli ako. Nanlaki ang mga mata ng damuho.

"Siraulo. Siyempre doon lang sila sa labas. Nakakainis na nga minsan eh. Palagi na lang may nakabuntot sa amin kahit saan kami magpunta. Minsan pakiramdam ko, para kaming mga presong binabantayan nila. But what can I do? Protocol daw sabi ni Mr. Berns." Paliwanag ko pa.

"Oo nga pala, kamusta na si Mr. Berns? Sabihin mo miss ko na siya." Natawa naman ako sa sinabi ng loko. Kapag narinig nanaman siya ni Mr. Berns ay paniguradong lagot nanaman siya.

"Hayun, medyo busy sa Prime. Bibihira na ngang lumabas iyon eh. Madami kasing ginagawa."

"Sayang, mukhang siya na lang ang hindi nakakaalam ng balitang earl na ako." Nanghihinayang pa talaga ang ekspresyon ng mukha niya. Naalala ko tuloy ang banta ng damuho sa lahat ng taong 'nang-api' daw sa kanya noon. I'm sure na gusto lang niyang ipagyabang ang bagong posisyon na ibinigay ko sa kanya nung nakaraan. Kahit kailan talaga ay puro kalokohan lang talaga ang nasa isip niya. I doubt kung kaya niya pang magbago.

"Speaking of which, balita ko madalas nang dumadalaw diyan sa Prime si boy kano ah. Ano, nagkaayos na ba iyong magama." Tanong niya. Napatingin tuloy ako sa kanya.

"Akala ko ba busy ka?" Tanong ko.

"Busy lang ako, hindi ako bingi. Mabilis pang kumalat ang balita tungkol sa pamilya ng hari kaysa sa internet mo sa bahay 'no."

"Doon ka pa rin tumutuloy?" Patukoy ko sa apartment ko. Ilang araw na rin ng huli akong pumunta doon pagkat sa Prime na ako nanunuluyan kasama ang asawa ko.

"Oo. Ang layo naman kasi ng Bradleystones. Sa dulo pa ng kabihasnan. Hindi naman pwedeng doon ako umuwi dito madami akong ginagawa dito sa city." May katwirang ang damuho.

"Sige, ikaw na lang ang bahala sa apartment ko ah. Mukhang madalang na akong makakapunta doon." Ngising-ngisi naman ang loko. Mukhang may kalokohan nanamang naiisip.

Nag-ring ang ang cellphone ko. Huminto muna ako para sagutin iyon. Napansin din naman iyon ni Mason dahilan para huminto rin siya.

"Wil?" Sabi niya sa kabilang linya.

Flademian Monarchy 1: Drive Myself Crazy Be (Completed) [Unedited] R-13Where stories live. Discover now