VIII

1.1K 24 1
                                    

"Mason, ano ba?!" Kanina pa kasi walang humpay na palakad-lakad ang damuhong si Mason sa harap ko na parang may kalokohan nanaman siyang ginawa at hindi siya mapakali.

Napahilot pa ako sa aking sintido para kahit papaano maibsan ang nararamdaman kong pagkahilo. Mukha namang ikinagulat pa ng mokong ang biglaang pagsigaw ko kaya napaupo sya sa couch sa harapan ko.

"Wilson ko, bakit ka ba naninigaw?" Tanong niya habang nahawak sa dibdib. Kung iba lang ang sitwasyon, tatawanan ko ang itsura nya. Muka kasi siyang batang nini-nerbyos.

"Eh bakit kasi hindi ka mapakali? Nahihilo akong tignan ka!"

"Hindi naman por que gwapo, obligado ka nang tignan. Minsan Wil, isip din" giit niya.

Sa panggi-gigil ko, binato ko siya ng unan sa mukha ng malakas. Lagi na lang akong pinagmumukhang engot ng siraulo na 'to.

"Umamin ka na Mase, anong ginawa mo? Alam kong may kalokohan ka nanamang ginawa. Umiling lang isya bagkos, walang humpay niyang ipinagdidikit ang mga dulo ng hintuturo niya. Mukhang mabigat ang kalokohang ginawa ng isang 'to ngayon. Sinubukan kong tignan sya sa mata pero he avoids my eye contact.

Tumayo ako at inilang habang ko siya, hinawakan sa kwelyo at itinaas sa ere. Hindi ko na inalintana ang bigat ng damuho. Napipikon na talaga ako sa kaniya.

"Ah, eh kasi..." Ganyan yan kapag guilty sya sa ginawa nya.

"Ano? Sagot!" Sigaw ko.

"I've said things to the princess last time when she was here!" Pag-amin niya.

Namilog ang mata ko. She was here? Pero kelan? Ilang araw ko nang iniiwasan ang prinsesa para ayusin ang sarili ko at ang kung ano man ang nangyayari sa akin pero ngayon lang sa akin sinabi ng damuhong ito na nanggaling siya dito?!

"What did you say to her. Tell me!?" Seryosong tanong ko. Ibinalya ko ko sya sa couch at muling hinarap.

"I said to her na, iwasan ka niya. Na-hindi na kasi sya nagiging-healthy para sayo. You see Wil, five days ago, iniuwi kita dito na sobrang lunod sa alak and that was because of her. Hindi ka naman umiinom dati." paliwanag niya.

Huminga ako ng malalim at nagpunta sa kwarto para kunin ang susi ng kotse ko. Kailangan ko siyang puntahan at makausap. Tsaka ko na haharapin ang hinayupak na si Mason. Dinaig pa niya ang nanay ko sa pangingialam ng buhay ko.

Mabilis akong nakarating sa Prime Palace at ngayon ay nakaparada ang sasakyan ko sa di kalayuan ng kinaroroonan ni ng prinsesa.

Nasa garden sya at nakangiti habang dinidiligan ang mga orchids doon na tila ba ay parang kinakausap ang mga ito. Tumikhim ako dahilan upang magulat sya at mabitawan ang pandilig na hawak nya.

"Wil! Ikaw lang pala." Napahawak pa sya sa dibdib nya. Mukhang nagulat siya sa pagdating ko.

"Your Highness, I didn't mean to scare you. I just wanna talk" paliwanag ko.

"What about?" Huminga ako ng malalim. Hindi ko rin alam kung ilang beses kong ginawa yun pero sa totoo lang hindi ko alam kung paano sisimulan ang confession ko sa kanya at paghingi ng paumnhin dahil sa ginawa ni Mason.

Nang dahil sa ginawa ni Mase, sa tingin ko kailangan ko ng sabihin sa kaniya ang lahat. Pati na rin kung bakit I acted indifferent towards her the past days.

Yes, confession. Confession of love to be exact. Sa ilang araw na pag-iwas ko sa kaniya, pinag-aralan kung ano ba talagang nararamdman ko sa prinsesa. I actually conclude other things pero wala na talagang ibang paliwanag dito kung hindi in-love ako sa kanya.

Nagtanong pa nga ako sa mga kasamahan ko sa opisina, maging sa bureau pero iisa lang ang sagot nila sa mga kongklusyon ko.

Hindi ko rin alam, kung kailan nagsimula pero kung infatuation lang ito or simpleng fondess lang, hindi ko sana mai-imagine ang future na kasama siya.

Flademian Monarchy 1: Drive Myself Crazy Be (Completed) [Unedited] R-13Where stories live. Discover now