IX

1K 36 0
                                    

Hanggang ngayon, sa maka-ilang beses kong binaliktad ang maliit na notebook para tingnan pero wala akong idea sa kung ano man ang nakasulat doon. Puro numero pero hindi ko maintindihan kung ano ang nakalagay doon. I've to convert sa binary code pero puro irrelevant results naman ang lumalabas.

There's this certain 'Dead eye' na pangalan na nakalagay, meron ding nakadikit na mga numero dito na ang sa tingin ko ay contact number niya.

Hindi ko sya kinotact, I don't know. I just don't want to be reckless when it comes to this kind of things. Hindi maganda ang pakiramadam ko sa taong nasa likod ng alyas na iyon.
I have to investigate more futher. At hindi dapat magpadalos-dalos lang at kailangan mag-ingat.

Ngayon ay iniisip ko ang kalagayan ni Mia, asawa ng secretary of defence na pinuntahan ko ilang araw na ang nakakalipas. She was so scared, the first time I met her. Nawalan pa nga siya ng malay nang makita niya ako pero nang mahimasmasan siya ay halos magsumamo siya sa akin na iligtas ko raw sila.

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya doon pero nagsimula siyang magkwento. Nang malaman ko ang ginawa ni Daryl Monde sa kanya.

Sinabi niya sa akin ang lahat-lahat. Simula sa kung paano sila nagkakilala hanggang sa tumindi ang obsession sa kanya ng sarili niyang asawa.

Mangiyak-ngiyak siya at halos magwala habang sinasariwa ang sinapit niya mula sa kanyang sariling asawa.

She told me when she was courted by the secretary ay mabait naman daw ito nung umpisa pero when she refuses his marriage proposal, he has done things. Evil things.

She was molested and blackmailed by Daryl para mapilitan itong magpakasal sa kaniya. Hindi lang iyon, pinatay din ni Daryl ang buong pamilya ni Mia maliban sa dalawa. Siya at ang tiyuhin niya na ngayon ay naninilbihag bilang butler sa mansyon ng mga Monde.

Binuhay nga ni Daryl ang tyuhin nito pero pinutulan naman ng dila para di makapagsumbong sa kahit kanino. Napakasama nya.

Ang sabi ni Mia walang ano mang ebidensya na hawak sya laban kay Daryl kaya wala siyang magawa.

Kahit na biktima siya ni Daryl, I can't fully trust her. Hindi ko sinabi sa kaniya ang tunay na sadya ko sa secretray at kung bakit ako nagpunta sa bahay nila.

Kung ano man ang ginawang krimen ni Daryl, napakilinis nito at walang ebidensya. Nagbanta rin itong papatayin niya ang tiyuhin ni Mia kapag nagtangka siyang magsumbong or tumakas.

Hindi niya alam habang sinasabi niya sa akin ang mga bagay na iyon ay pakiramdam ko, kung naroroon lang ang secretary nang mga oras na iyon ay baka ako pa mismo ang pumatay sa lalaking 'yon. Kumukulo ang dugo ko tuwing naalala ko ang kwento niya.

Buti na lang that night hindi ako nagpadala sa galit ko. Sa totoo lang, kapag naalala ko ang kwento ni Mia parang may kung anong matinding poot ang nati-trigger sa loob ko.

That night when I left the Monde mansion napagpasyahan kong puntahan ang prinsesa.

Halos magmakaawang muli si Mia na wag akong umalis dahil natatakot siya pero I promised her na next time that we see each other, I've already delivered the justice that her family deserves.

Mabilis ako umalis at nagmaneho papuntang Prime Palace. Buti na lang may access ako sa security dito. Thanks to Mr. Berns.

There was a time na tinanong ko siya kung bakit niya ako binigyan ng access card. Ang sabi niya utos ng hari. Iyon lang sinabi ni Mr. Berns. Knowing him, alam kong ayaw na ayaw niya talaga ang pagi-explain ng mga bagay-bagay.

Mabilis akong nakarating at ipinarada ang kotse ko malapit sa east gate. I saw her sitting. Staring at the nothingness of the moonlight.Marahil ay hindi sya makatulog kaya nagpapahangin sya doon. When I saw her, when I saw my princess in the balcony of her room, all the agonies that I'm feeling, gone. Just like that.

Flademian Monarchy 1: Drive Myself Crazy Be (Completed) [Unedited] R-13Where stories live. Discover now