III✔

1.9K 50 1
                                    

Kakauwi lang namin ni Mason sa bahay ko at magkatabi kami ngayon sa kwarto. Sabi niya takot daw siya sa dilim kaya ayaw niyang magisa.

Nung tinanong ko naman siya kung bakit hindi nalang siya umuwi sa kanila, ayaw daw niyang istorbohin ang tito niya at mag-uumaga na rin nang makauwi kami. Basta ang dami niyang excuses.

Kanina pa ako nakitingin sa kisame pero hindi parin ako dinadapuan ng antok. Iniisip ko kasi kanina yung nangyari sa bar, I was having a good time. I was talking to a girl and we're a having a moment nang biglang dumating itong si Mason para sirain ang lahat.

Napag-alaman kong nasa bar din pala kanina si Mr.Berns at pinapasabing lubayan ko si Liane. Nung tinanong ko kay Mason kung bakit, ibunulong lang niya sakin ang mga salitang ikinagulat ko nang lubos. Buti nalang hindi na iyon napansin ni Liane.

Nagtatakhang tinignan lang niya ko nang bigla akong nagpaalam pero hindi ko na hinintay ang magiging reaksyon nya dahil hinatak ko na agad si Mason paalis. Siya pala ang prinsesang matagal ng hindi umuuwi ng bansa. I know her, or should I say I used to know her.

When I was younger, palagi ko siyang nakikita sa Transvech Palace. Yung ancestral mansion nila. Her parents are good friends with Dad kaya madalas kaming magkita noon.

I was older than her by four years kaya alangan akong makipaglapit noon sa kanila, sila Prince Ethan and Princess Liane ang palaging kalaro ng kapatid kong si Jessica habang ako nagbababad maghapong nakatambay sa library nila.

"Psst, psst. Bessy bakit gising ka pa?" Medyo nagulat pa ko nang magsalita si Mason at tumagilid pa siya ng higa para harapin ako. Kung hindi ko lang talaga siya kilala, baka isipin kong binabae siya. Pero imposible iyon pagkat napakalandi talaga niyang lalaki.

"Wala." Maikling sagot ko.

"Tssk, wala daw. Iniisip mo si yung babae kanina 'no? What was her name again? Yung prinsesa?"

"Liane."

"Yeah, that's right. So bakit mo parin siya iniisip? Crush mo no? I've never seen you like this before. Akala ko nga may phobia ka sa tao eh." Pang-aasar nya pa.

"Just shut the hell up, matulog ka na diyan. Kung anu-ano yang pinagsasasabi mo."

"Wil seryoso, kung gusto mo siya bakit 'di mo ligawan? Kung gusto mo tutulungan pa kita."

To be honest, naguguluhan parin ako sa kung anong gusto kong mangyari. That girl intrigued the hell out of me. But she's no ordinary girl. She's a princess and one thing is for sure. I wanna see her again.

~•~•~•

Maka-ilang beses na kong na akong bumalikwas sa aking pagkakahiga ngunit hanggang ngayon nayayamot parin ako dahil sa nangyari kanina.

Gustung-gusto ko talagang sapakin sa mukha yung Mason na iyon dahil sa paninira niya ng moment ko kanina. Nakakainis talaga siya!

Pinagsusu-suntok ko ang mga nananahimik na unan sa tabi ko upang kahit papaano mailabas ko ang frustrations ko.

Anong kayang sinabi niya kay Wilson at para magmadali itong umalis agad? All I know is, Wil and I were having a good time and I was beginning to the like to guy and then boom! he was gone. Na turn-off kaya siya sa akin or am I not pretty enough or doesn't he at least find me attractive for him to stay? Ano? Hindi ko na talaga alam kung anong iisipin ko.

Dahil hindi narin lang ako makatulog, nagtungo nalang ako sa kitchen para kumuha ng gatas na iinumin para ma-relax man lang ako kahit papaano. Sobrang pagod ko ngayon dahil wala pa akong pahinga pero hindi ako makatulog dahil sa pagkainis.

Flademian Monarchy 1: Drive Myself Crazy Be (Completed) [Unedited] R-13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon