IV✔

1.8K 48 0
                                    

"Pare, i-spot mo nga ako" hirap na hirap na sabi ni Mason. Dinadagdagan kasi nya nang dinadagdagan ang weight ng bench press pagkat hindi pa siya nakukuntento sa bigat nito. Depress kasi siya dahil suspendido siya ni Mr.Berns.

Tatlong misyon siyang hindi makakasama sa amin at sa mga weights niya binubunton ang frustrations niya. Sa inis ko ay hindi ko agad siya tinulungan at pinagmasdan lang siya.

"Wil naman eh" .Reklamo ng damuho. Hindi ko na natiis at tinulungan ko na rin ko siyang buhatin ang barbell. Sa pagkakabuhat ko nito masasabi kong napakabigat nga ito.

Agad kong ibinato sa kanya ang medicine ball na nakita ko pero nakaiwas naman siya agad. Hindi ko naman talagang gustong sumama sa kanya dito. Sumama lang naman ako sa kanya para ma-divert ang atensyon ko sa ibang bagay.

Hindi ko na mabilang ang araw kung kelan ako nagsimula pero nang mga nakaraang araw, wala na akong ginawa kung hindi tingnan na lang ang babaeng iyon mula sa malayo at padalan siya ng mga kung anu-ano. Ni hindi ako makalapit sa kanya o kung lalapit man ako ay ano naman ang sasabihin ko?

Nakilala kaya niya ako? But I doubt that. I was still wearing when she lost her consciousness.

"Huyy!! Anong nanaman yang iniisip mo?" Sigaw ni Mason sa tenga ko at hinampas pa ako sa likod. Sinamaan ko lang siya ng tingin at lumakad paalis. Baliw talaga.

"Huy Wil. Bakit ba ang sungit mo ngayon, reron ka ba?" Patuloy ko parin siyang hindi pinapansin pero patuloy parin niya akong sinusundan at kinukulit.

Naupo ako sya bench dahil medyo napagod ako sa pagtakbo sa treadmill pero iisang tao lang ang kanina pang tumtakbo sa isipan ko. Nababaliw na yata ako.

"Ano dude, siya pa rin ba? Pusang gala naman! Eh halos daigin mo pa ang mga stalker kakasunod sa kanya eh. Kung anu-ano na nga yang ibinibigay mo sa kanya." Reklamong muli ni Mason sa akin. Hindi ako nakaimik pero tama siya. This madness has to stop.

"I want to talk to her. I need to see her. Now!" Biglang sabi ko. Mukang nagulat pa siya pero nginisian lang niya ako na parang nawawala na sa katinuan. Umiling-iling pa siya. He knows who I'm talking about

"Kaya mo bang gawan ng paraan, ha Mase?"

"Sus, para 'yun lang, anything for you my bestfriend. But you need to do something for me first." Sinabi ko na nga ba, lahat nalang sa lalaking ito'y may kapalit. Hindi din naman nagtagal napapayag nanaman niya ako.

"Fine, what's the catch?" Ngumisi lang muli siya subalit hindi naman niya sinagot ang tanong ko. Napabuntong hininga na lang. What did I get myself into this time. Parang mali yatang pagkatiwalaan ko ang damuhong ito sa kahit ano.

----

"No! My decision is final. Kaya namimihasa yang si Owens na 'yan dahil kinukunsinti mo!" Said Mr. Berns. I'm trying my best to convince him to lift Mason's suspension. Mason said he'll only help me talk to the princess once I convinced Mr. Berns.

"Pero Mr. Berns, I need Mase. It looks like I found a lead why the palace been intruded a couple weeks ago. I can't do this on my own. Sir please, trust me on this one." I said, almost begging. Sumeryoso lang ang mukha ni Mr. Berns at pinakatitigan ang nagpa-puppy dog eyes na si Mason sa gilid.

Totoo naman, kahit panay akong nakatanaw sa isang partikyular na tao sa malayo hindi ibig sabihin no'n ay papabayaan ko na ang trabaho ko.

Naniniwala kasi akong may mas malalim pang dahilan kung bakit nalooban ang palasyo bukod sa pera. Someone is trying to get rid of His Majesty, and maybe together with his family but I'm not gonna let any of that happen. That's why we're here. They have to get through us first.

Flademian Monarchy 1: Drive Myself Crazy Be (Completed) [Unedited] R-13Where stories live. Discover now