XIII

916 26 1
                                    

I love you! At akin ka na. And there's no backing out my princess. You're mine as I am yours!

Paulit-ulit na ang mga salitang iyon lamang ang tumatakbo sa isipan ko. Magana tuloy ako ngayon sa trabaho ko bilang assistant ni Mama dito sa foundation niya.

Para akong timang, di ko naman kasi ma-deny na nakakakilig talaga ang mga sinabi sa akin ni Wilson noong dinalaw niya ako nang umagang iyon. How can he be so sweet? Kung alam lang niya kung paano niya ako pinakikilig ngayon.

"Anak, why are you smiling like that?" Nakangiting bati sa akin ni Mama.

"Wala po Ma. Masaya lang po ako." sabi ko. Totoo naman, masaya ako. Katunayan sobrang saya ko at pakiramdam ko ako ang may pinakamahabang buhok sa buong Flademia.

Oh Wilson. Why he has to be so perfect? As in wala talagang mali sa kanya. Hindi ko alam na may nage-exist pa lang katulad niya. Sabi nila, nobody is perfect. Well, I can prove them wrong dahil sa Wilson ko.

My Wilson. Ang sarap pakinggan. Pero tulad nga ng sabi niya, he is mine as I am his. Ang sarap ulit-ulitin sa isipan kung paano niya sinabi ang mga salitang iyon. Lalong lumawak ang ngiti ko.

"Anak, kilala ko ba?" Biglang tanong ni Mama na hindi maalis ang pagkakatangin sa akin parang may ginawa akong mabigat na kasalanan. Nawala ang pagkakangiti ko.

"Ano po 'yun Ma?" Tanong ko.

"Ang sabi ko, kilala ko ba yang nagpapangiti sa'yo?"
Ulit niya pa sa tanong.

Nagyuko ako ng ulo dahil nahihiya ako. Hindi dahil kay Wilson kundi dahil mukha akong teenager na kuntodo kilig dito at hindi ko na kayang itago 'yun.

Tumango ako. Wala naman akong nakikitang masama kung sasabihin ko sa kaniya 'yun at isa pa, our families have been friends for years now.

"Si Diplomat Horecois ba? Mitchell's boy?" Tanong muli ni Mama.

What's point of denying? Wilson is the best man any girl could ask for. Pero ayokong pangunahan ang lahat, nasa getting-to-know-each- other stage pa lang kami

"Yes Mama, sabi niya he'll ask Papa for permission to court me kapag nagkita sila."

"Good choice hija. He's quite a good catch. Bukod sa magandang pamilya siya nanggaling, achiever din ang batang iyon. Ang balak nga ng Papa mo i-promote siya in to an Ambassador position next year dahil sa mga nagawa na niya para sa bansa." napasimangot ako sa sinabi ng ina ko.

"Ma, sabihin mo kay Papa wag nang i-promote si Wil. Magiging palagi siyang busy at pupunta sa ibang bansa kapag naging ambassador na siya. Ayokong mangyari yun!" Maktol ko pa na parang isang bata.

Just the thought that Wilson and I will be apart is dreadful already. Ayoko ng long distance relationship. Wala pa man din...

"Anak, wala pa naman. Plano pa lang ng Papa mo." natatawang sabi ni Mama.

"Give him a peerage title instead. Give him a manor! Yung malapit sa Prime Palace para palagi ko siyang makikita!" Suhestyon ko.

"Anak, I don't appreciate that you're raising your voice at me young lady. I'm still the Queen of this country. Baka akalain nila sinisigaw-sigawan lang ako ng isang bratenelang prinsesa." tudyo ni pa Mama.

"I am not a brat!" Reklamo ko pa.

"Yes you are at kung hindi mo baguhin 'yan ay baka magsawa si Wilson diyan sa ugali mo. Ikaw din.."

"No, he won't. He said he loves me." pagmamalaking sabi ko.
Nakita kong nanlaki ang mata ni Mama.

"Talaga anak? Sinabi nya iyon?" Bigla ay napuno ng kuryosidad ang tinig ni Mama.

Flademian Monarchy 1: Drive Myself Crazy Be (Completed) [Unedited] R-13Where stories live. Discover now