XVI

932 23 0
                                    

Agad akong nagpunta sa Prime Palace kinaumagahan. Hindi kasi mawala sa isipan ko ang mga sinabi ni Mason sa akin. Oo nga't nagpaalam sa akin ang kapatid ko na magkikita sila ng prinsipe over dinner. Pero pwede din namang simpleng hapunan lang iyon at walang ibig sabihin. They technically grew up all together at ako lang naman ang outcast sa kanila.

Noong libing ni Dad napansin kong hindi maganda ang tingin na ibinibigay ng prinsipe sa damuhong si Mason. Alam ko na ang dahilan. Mason accidentally kissed Jessica in the club at nakita iyon ng prinsipe. Of course, sino man ang makita ng hinahalikan ng ibang lalaki ang potential girlfriend mo sagiradong magagalit.

Pero mukhang nagiging seryoso na ang kung ano man ang namamagitan sa kapatid ko at sa prinsipe. Usually, Jessica would go out with guys for business purposes but that's it. Hindi na iyon nangyayari nang pangalawang ulit.

I'm just gonna talk to his highness. Man to man. Gusto kong malaman kung ano ang balak niya sa kapatid ko. Hindi ako papayag na paglaruan niya lang ang kapatid ko katulad ng mga ginawa niya sa mga babaeng naka-fling niya noon. He has a reputation. Noong una hindi ako naniwala sa mga sabi-sabi bagkos ayokong mangialam sa buhay ng iba. But this time it's different. Kapatid ko na ang pinaguusapan namin dito. Agad naman akong pinapasok at tumuloy sa opisina umano ng prinsipe.

"Diplo- No, I think it's inappropriate to call you that. I should call you Lord Horecois. Now that to you own several states though I don't know which title you prefer the most." Nakangiting bati sa akin ng prinsipe.

"You can call me Wilson your highness."

"Okay Wilson. Anong atin. Bakit ka napadalaw?" Naging seryoso ang itsura niya. Tumikhim ako at ayoko nang magpaligoy-ligoy pa.

"Your Highness if you don't mind me asking, I wanna know your intentions towards my sister." He met my gaze and smiled. But I can sense bitterness on his reaction.

"I intented to marry her Wilson." maikli ang sagot niya pero masasabi kong ikinabigla ko iyon nang lubos. They just started dating, right? Kasal agad?

Mukhang pansin ng prinsipe ang naging reaksyon ko at nagpunta siya sa lamesa at naghanda ng maiinom. He offered me the glass of scotch pero tumanggi ako. Nitong mga nakaraan ang araw ay pawang napakabilis ng mga pangyayari that I can't seem to keep up. Para bang napagiiwanan ako ng mga tao sa paligid ko.

"Do you love her?" I dared to ask.

"I loved her. But now... It's purely business." Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa na naging matapat ang sagot sa akin ng prinsipe o dapat magalit ako sa kanya sa kaalamang maaring pinaglalaruan lang niya ang kapatid ko. But he said he going to marry her.

"Why? Bakit mo siya pakakasalan kung hindi mo naman siya mahal?"

"She's the perfect girl for the job. At isa pa, mahirap humanap nang taong kahit kailan hindi magkakainteres sa kung ano man ang meron ako. Maaaring ikaw at ang pamilya mo Wilson ang pinakamayan sa kahariang ito pero nasa pamilya ko parin ang kapangyarihan. I can't see how that can be a mismatched."

"Does she know? I mean this? Does she know na ito ang plano mo?" I asked. Kanina ko pa pinipigilan ang sarili kong sapakin ang prinsipe. Naisip kong nagiging totoo lang siya sa akin kaya niya sinasabi ang mga bagay na iyon.

"She's a smart woman. She's pretty much aware of it." Tugon ng prinsipe sa akin.

"If you don't love her, why are you gonna marry her?" I asked again.

"Life doesn't go that way Wilson. When you give everything you have on that God forsaken word called 'Love' either which way you'll lose. Wala kang panalo. Kahit ibigay mo pa ang lahat-lahat ng kung ano man ang meron ka. You just have to play your game right, that way you'll be safe from a bigger pain and maybe, you'll have the chance to live your life, contented and peaceful." lumabas siya ng opisina at agad kong sinundan.

Flademian Monarchy 1: Drive Myself Crazy Be (Completed) [Unedited] R-13Where stories live. Discover now