Hate

1.3K 14 0
                                    

"Pinagalitan ka na naman ng Papa mo?" malumanay ang boses ni Shara. Tumingin lang ako sa kanya saka tumango. Napakagat labi ako para pigilin ang luhang gustong kumawala sa aking mata.


"Roni.."lumapit si Shara at pinatong ang isang braso sa aking balikat dahilan para lalong bumigat ang aking kalooban. Gusto ko na talaga sumigaw, umiyak o kaya ay tumakbo na lang para maiwasan at matakasan ang sakit


"Kahit ano na siguro ang gawin ko hindi ako magiging mahalaga para kay Papa. Kahit anong pilit ko, di ako magiging kasing galing ni Kuya." Saad ko sa gitna ng paghikbi. Parang gustong sumabog ng aking dibdib sa sama ng loob. "Gusto kong lumabas Shara. Gusto kong kalimutan ang lahat ng sakit."


"Pero Roni-" Nag-aalangan na saad ni Shara. May pag-aalala sa kaniyang mukha pero buo ang aking desisyon. Gusto ko na lumabas kahit ngayon lang at ibaling sa ibang bagay ang sama ng loob na aking nararamdaman. 

"Please Shara..."


Tumahimik siya pero tumango rin pagkakipas ng sandali. "Alam ko na, may party ngayon sa bahay ni Ted, ung boyfriend ni Angelie. Pupunta tayo dun!"

Hindi ako sanay sa mga party dahil ginugol ko ang dalawampu't dalawang taon ng aking buhay para pumaris kay kuya at nang maging proud din sa akin si Papa. Hindi ako kasinganda ng Mama ko, o kasinggaling ng kuya ko. Iyon ang dahilan kaya lahat ng gawin ko ay puros kapalpakan para kay papa. Hindi ko masisisi si Papa kung ganoon siya. Marahil nasanay lamang siya sa kay Kuya at ito ang naging standard ng kaniyang expectation sa akin. 


"I gave you one week to work on that design pero hanggang ngayon di mo pa tapos? Ano ba kasi ang mga pinanggagawa mo? You know we can't waste the company money for an inefficient employee like you," nagkalat ang mga papel sa harap ko nang ihagis ni papa ang isang folder pagpasok niya pa lang. Iyon ang project design na binigay ko sa kaniya kagabi para sa project na sa akin niya binigay.

"Sorry po-" Kinakabahan na lang na saad ko. Bukod naman kasi sa project na iyon ay implementation na nang naunang project ng team ko.

"Hindi masosolosyunan ng sorry ang kabobohan mo Roni. Now if you are this insignificant forever, you better leave and find a place for you!" Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang gigil ni papa sa akin. Hindi naman talaga masyadong palpak ang mga gawa ko, marami din naman akong achievement. Nagkataon lang na hindi ko na-beat ang kaniyang deadline dahil nagpatong-patong na aking responsibilidad. Hindi ko maintindihan kung big deal ba talaga ang mali ko o kaya naman hinahanapan niya lang ako ng dahilan para ipakita ang pangigigil niya.

Muli kong tinungga ang laman ng baso. Kanina pa ako pinipigilan ni Shara pero gusto ko talagang maglasing at baka mawala lahat ng sama ng loob sa dibdib ko. Nakikisabay na rin ako sa tugtog nang tuluyan nang tangayin ng alak ang aking katinuan. Ito ang unang pagkakataong maglalasing ako kaya itotodo ko na ito. Gusto kong lunukin lahat ng alak dahil umaasa akong ito ang makakapagwala ng nararamdaman kong pait. 

Napansin kong umalis kanina si Shara nang hilain ito ng kanyang boyfriend palabas ng main door. Nanatili na lamang ako sa puwesto ko at nagpatuloy sa pag-inom. Hindi ko kilala ang mga tao sa party na ito dahil si Shara lang ang nakakakilala sa kanila at malamang hindi rin naman nila ako kilala. Kaya malaya akong gawin ang gusto ko na hindi inaalala ang iniisip ng mga taong mga ito. Dahil sa mahigit dalawampung taon kong nabubuhay sa mundong ito, ngayon ko lang hindi inalala kung ano ang iniisip tungkol sa akin ng ibang tao.

Nakita ko ang pagdami ng tao sa dance floor at kung gaano kasaya ang mga ito. Nakita ko kung gaano sila kalayang gawin ang nais nilang gawin, kung gaano sila kalaya. Kaya naman naisipan kong tumayo at lumapit sa dance floor. Umindak din ako kagaya ng mga naroon. Sinabayan ko ang tugtog. Nang may isang pares ng kamay ang naramdaman ko sa aking beywang pero tinuloy ko pa rin ang pagsayaw. Isang lalaki ang nakita kong sumabay sa aking mga hakbang. Naglakbay sa aking katawan ang kaniyang mga kamay kaya sinabayan ko na rin ang indak nito. Hinila niya ako palapit sa kaniyang katawan kaya gumiling ako sa kaniya. Naramdaman ko ang senswal na paghaplos ng kaniyang kamay at aminado ako na na apektado ako doon. 

Nagpatuloy lang ako sa pagsayaw hanggang sa mapagod ako kaya kumalas ako sa hawak ng lalaki at bumalik sa mesa kung saan ako nakaupo kanina. Muli akong uminom habang natatawa na lamang sa aking pinanggagawa. Nakaramdam ako ng pagkahilo at gusto ko nang umihi at sumuka. Kaya umakyat ako ng hagdan para maghanap ng banyo na maaaring gamitin.


"You can use my bathroom," boses iyon ng lasing na lalaking nakasayaw ko kanina. Nakasunod pala ito sa akin at ngayon ay nakasandal sa isang pintuan. Mapungay ang mga mata nito pero matino naman tingnan kaya lumapit ako dito at pumasok sa kuwarto nang pagbuksan niya ako ng pinto. 


Sumunod ako sa kanya nang pumasok siya sa kaniyang kuwarto. Itinuro nito ang banyo at ilang minuto rin ang ginugol ko sa loob ng banyo para ilabas ang alak na nainom ko kanina. Naghilamos ako at pinagmasdan ang aking sarili sa salamin. Mukha akong ewan dahil gulong-gulo ang aking buhok. Namumula ang aking maputlang mukha pero hindi ko iyon ikinaganda. Napasimangot ako kung bakit kasi hindi ko pa namana ang kagandahan ng aking ina. 

Namana ko naman ang kulay abo niyang mata, bakit hindi ang kaniyang kabuuang ganda. Siguro kapag kasingganda ako ni mama, baka malapitin din ako sa mga fashion designers, sa mga kilalang tao sa mundo ng fashion. Pero hindi kasi eh, lumaki akong plain and simple. Naging busy din kasi si Mama sa negosyo nito kaya hindi niya ako nagabayan na maging kagaya niya.

"Ayos ka na?" Napapitlag ako nang biglang magsalita ang lalaki sa aking likuran.


"Aha.." Sagot ko sa gitna ng kalasingan habang nakatingin sa aking repleksyon sa salamin. Sinalubong ko ang mga titig ng lalaki sa salamin. 


"Ang gwapo mo pala," ewan ko kung saan nanggaling ang salitang iyon pero napahighik pa ako pagkatapos. Ngumiti sya tsaka lumapit sa akin. Ekspertong ipinasok ng lalaki ang kaniyang kamay sa loob ng suot kong blouse. Napaungol ako nang umakyat iyon sa aking dibdib at pumisil, dumama. 


"Might want to remove your clothes.." Bulong ng lalaki sa aking tainga habang inuulan ng maliliit na mga halik ang aking leeg. 


Uminit bigla ang aking pakiramdam. Umungol ako dahil gusto ko ang kaniyang ginagawa. Gusto ng katawan ko ang kaniyang pagdama, at ang kaniyang mga halik ay nagdudulot ng kakaibang sensasyon sa aking sistema. Marahan niyang tinanggal ang suot kong blouse, sunod ang aking skirt. Humarap ako sa kaniya at sinalubong ang kaniyang mga halik. Ito ang unang pagkakataong nakahalik ako ng isang lalaki at kakaiba ang pakiramdam. Parang may mga paru-paru sa aking tiyan o baka naman ay ang alak na nainom ko iyon. Hinayaan ko siyang tanggalin ang suot kong bra. Nakakalunod ang mga halik ng lalaki kaya naman wala na akong ibang inisip kundi ang mag-enjoy sa bagong pakiramdam na ipinapadama niya.

*******

A Mother's LoveWhere stories live. Discover now