Consequenses

736 9 0
                                    

Nagising ako nang may maramdamang gumalaw sa tabi ko. Umiikot ang paligid at napakasakit ng ulo at katawan ko pero nagulat ako nang makita ang lalaki sa tabi ko. Bigla akong napaupo at tiningnan ang lalaking mahimbing na natutulog sa ilalim ng puting kumot na nakatakip sa aming kahubaran. Napasinghap ako nang maalala ang nangyari kagabi. Ipinaubaya ko ang aking aking katawan sa isang lalaking hindi ko man lang kilala kung ano ang pangalan. 

Isa isang nag-unahan sa pagpatak ang aking mga luha habang nagbibihis. Kailangan kong makaalis sa lugar na ito bago pa magising ang lalaking ito. Ang lalaking di ko naman kakilala pero pinag-alayan ng aking sarili. Ang lalaking unang humalik sa akin. Pero pinapangako ko na ito ang huli naming pagkikita sapagkat wala na akong mukhang maihaharap sa kanya.

 
Patuloy sa pagpatak ang aking luha habang naglalakad palayo sa bahay na iyon. Wala na sirang- sira na ang aking pagkatao. Nahihiya akong magpakita pati kay papa. Pero wala akong magagawa, wala akong alam na pwede kong puntahan. Inaamin kong sobrang mahina ang aking loob kaya ganoon na lamang ang nais ko na mapalapit sa aking papa dahil alam kong siya lang ang aking lakas. Sa pagnanais kong mapatunayan ang aking sarili sa aking ama, naging sobra akong dependent dito. Hindi ko natutunang magtayo ng sarili kong poder na sasandalan. 


"Hinihintay ka ni papa sa baba," nakatayo sa may pinto si kuya. Inayos ko ang kumot at tumalikod kay kuya. Ayaw ko munang umalis sa aking higaan. Tinatamad ako ng sobra.


"Roni..." Muling tawag ni Kuya. Malumanay ang boses nito pero lalo akong nakaramdam ng inis.


Nagtalukbong ako sa sobrang inis. Ayaw kong may kumausap sa akin ngayon. Ayoko ng abala. Gusto kong mapag-isa.


"Roni ano ba. Halika na. Tatlong araw ka nang nagkukulong. Ano bang problema mo." Medyo tumaas na ang boses ni Kuya. Kahit papaano, mabait sa akin ang aking kuya. Apat na taon siyang mas matanda sa akin kaya itinuring niya akong prinsesa. Tinitingala ko rin siya dahil kung gaano kalamig ang pakikitungo sa akin  ni papa, andiyan si kuya para iparamdam na may nagmamahal sa akin at may handa akong protektahan.


"Leave me alone, kuya." Tanging nasabi ko na lamang. 


Hindi sumagot si kuya. Alam kong umalis na siya nang marinig ko ang pagsara ng pinto. Muli na namang bumuhos ang aking mga luha. Tatlong araw na ang lumipas pero di ko pa rin alam kung paano ibangon ang aking puri.
* * * * *


"Oh my gosh, Roni. Sorry hindi ko alam. Balak ko naman talaga na balikan ka doon eh pero sabi ni Angie di ka raw niya makita sa party kaya di na ako pumunta," malungkot ang boses no Shara.

Dalawang linggo na akong nagkukulong at sumasakit na ang ulo ko kaya naisip kong tawagan si Shara nang makalabas naman ako. O di naman kaya ay may makausap. 

"Okey lang iyon Shara. Alam ko naman na magiging maayos din an lahat. Ang hindi ko lang alam ay kung paano ay kelan." Malungkot na sagot ko na lamang dahil hindi ko talaga alam kung ano na ang sunod na mangyayari sa akin. Ilang beses ko nang inisip ang posibilidad na mabuntis ako. At iniisip pa lamang iyon ay natatakot na ako. 


"Hindi ba nagagalit ang papa mo ngayon na di ka pumapasok ng trabaho?"


"Ewan ko. Wala akong pakialam. Papasok na ako sa Lunes. Bahala na kung ano ang sasabihin ni Papa." Mula kasi nang gabing iyon, hindi ko na inisip ang sasabihin sa akin ng papa ko. Mas inaalala ko ang aking puri na hindi ko na maipagmamalaki dahil sa aking padalos-dalos na pagdedesisyon.


"Correct girl. Be brave kahit anong mangyari. Time will come eh maaappreciate ka din nila." Sagot naman ni Shara. Hinawakan niya ang aking kamay at napangiti ako sa kaniya. Buti na lang talaga andito si Shara para may mapaghingaan ako ng problema ko. Hindi naman kasi kami close ni mama kaya hindi ko nasasabi sa kaniya ang hinaing ng aking puso. 


At gaya ng sinabi ko, pumasok nga ako nang Lunes na ibang pananaw sa buhay. Ngayon, magiging matapang na ako. Nawala na lahat ng takot ko kay Papa. Ngayon, wala na akong dapat patunayan. Magtatrabaho na ako para magamit ko ang aking pinag-aralan at para may gawin naman ako. Pero hindi ko na kailangang maging magaling kagaya ni Kuya. 

 
"Buti naman naisip mo pang pumasok," si papa iyon na nakapasok pala sa aking opisina nang di ko namamalayan. Yumuko lamang ako at hindi sumagot dahil hindi ko alam kung ano ang tamang sasabihin. 


"Fix yourself and do your work professionally, Veronica," iyon lamang at tumalikod na si papa.


Napailing lang ako at tiningnan ang mga papeles na nasa harap ko. Head supervisor ako ng treasury department kaya marami akong ginagawa araw-araw. Nagtatrabaho ako sa pinakamalaking companyang pag-aari ni papa. Pero wala akong pinagkaiba sa iba. Para kay papa, isa lang din akong ordinaryong empleyado. Kaya naman bago ako ginawang head ng department na ito ay nagsimula muna ako bilang isang staff. Nung mga panahong iyon, kagaya ng mga bago sa isang organisasyon ay naging errand girl nila ako. Ako ang tagabili ng kanilang mga kape sa umaga at taga-order ng kanilang mga pagkain sa gabi. Kapag kailangan ng tatapos sa isang gawain ay ako palagi ang tinatambakan nila. Kaya madalas akong mag-overtime noon. Dalawang taon ang lumipas bago nagdesisyon si Papa na ilagay ako bilang head ng department. Noon nalaman ng mga kasama ko sa trabaho na anak ako ng may-ari ng kompanya. 

Pero iba ang motibo ni Papa nung gawin akong department head. Para sa kaniya ay challenge iyon sa akin. Challenge para makita niya kung ano pa ang aking kayang gawin. Hanggang sa isang araw ay sinabi kong gusto kong mainvolve sa projects nila kagaya ni kuya. Gusto ko ring maranasang magkaroon ng sarili kong proyekto at pumayag naman si papa. Sa una, akala niya ay gusto ko lang pumaris kay kuya, pero sa akin ay gusto ko lang talagang ibahagi ang aking ideya para sa kompanya. 


A Mother's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon