Babangon din Ako

575 11 0
                                    

Roni

"Hey.." Lumingon ako nang marinig ang tawag ni Shara. Kauuwi lang niya galing trabaho.
"Hai. Hows work?" Tanong ko sa tinatamad na boses.
"Okey lang. Ikaw. Kumusta ang pagkikita ninyo ni Four? Nag-usap na ba kayo?"
Tumango ako. Nanlaki ang mga mata niya at napangiti na rin siya tsaka umupo sa tabi ko.
"Talaga? Oh ano na ang sabi niya? Payag na ba siya?"
Umiling ako kaya biglang nawala ang kanyang mga ngiti.
"Hindi na ako magpapakababa ulit sa harap niya. Ginawa niya akong mukhang pera at paliparing babae. Hindi pa rin siya naniniwalang anak niya ito. Akala niya ginagamit ko ang batang ito para makalapit sa kayamanan niya.."
Napasinghap si Shara.
"Oh my.. Sorry Roni kung kailangang umabot pa sa ganun.."
"No Shara. Okey lang iyon. At least ngayon alam ko ang pagkatao ng ama ng magiging anak ko. At kung ganoon pala siya, mas mabuting wala siyang ama kesa magkaroon ng ama eh napakasama naman.."
"Ano na ngayon ang gagawin mo?"
"Aalis. Pupunta na ako sa probinsiya para hindi na ako makita ni Papa."
Nanahimik si Shara.
"Sige. Tatawag ako sa amin para maghanda ng pwede mong matuluyan."
"Salamat Shara. Alam ko namang kaya ko ring buhayin ng maayos ang batang ito. Medyo malaki pa naman ang pera ko at magtatrabaho na rin muna ako doon habang kaya ko pa."
"Basta mag-ingat ka, Roni. Kayo ng baby mo."
Ngumiti ako. Ito ang gustong gusto ko kay Shara eh. Nararamdaman kong may taong nag-aalala din para sa akin.
Nabungaran ko kinaumagahan sina Ada at Shella na nag-uusap sa may kusina.
"Pilitin mo na lang makaaga ng uwi para makapag grocery ka. Ubos na talaga ang supply natin eh. Kailangan ko pang mag overtime ngayon," saad ni Ada na may hawak na listahan ng kailangang bilhin.
"Sige ate-"
"Ano yan? Iwan niyo na lang para ako ang mag grocery.." pagboboluntaryo ko. Nagkatinginan sila.
"Naku wag na po ate Roni. Kaya ko naman na po eh. Tsaka baka abutin kayo ng isang taon doon.." Nakangiting saad ni Shella.
"Di naman siguro. Sige na. Para naman may magawa ako at di na lang ako nagkukulong dito."
Nagdalawang isip si Shella pero sa huli ay pumayag din. Kaya ako nandito ngayon sa sumpermarket. Tama si Shella, baka abutin ako ng di lang taon kundi dekada dito. Napakalawak ng supermarket at di ko pa alam kung saan ang pagbibilhan ng mga nakalistang papamilihin. May mga katulong kasi kami na siyang bahala sa pamimili sa bahay kaya hindi ako nakapunta sa isang ganito ni minsan. Huminga ako ng malalim tsaka umakyat sa ikalawang palapag.
"Saan naman kaya makakabili ng mga sabon.. Iikot na lang ako baka meron na rin dito..." Kaunti na lang ang hindi ko nabili kaya nakangiti ako habang hinahanap ang pinaglalagyan ng mga sabon. Pagliko ko nagulat ako sa nakasalubong ko.
"Four.."
May kasama siyang isang babae. Maganda ang babae at halatang mayaman din. Sopistikada ito at parang may pattern lahat ng galaw. Nagkatinginan kami ni Four. Nakangiti siya sa una pero bigla iyong napalitan ng galit at pag-aalala nang makita ako. Pero wala na akong pakialam sa kanya. Tinulak ko ang cart at nilampasan sila na para bang hindi ko kilala ang lalaking iyon.
"Kaya naman pala di niya ako mapanagutan kasi may obligasyon na. Tssk. Pero sabi ni Shara wala siyang girlfriend? Well.. Baka hindi alam ni Shara.."
Napailing ako at tinuloy ang aking ginagawa.
"Pero in fairness ha. Maganda siya at halatang may breeding.."
"Gaga. Maganda ka din naman ah at may breeding. Baka nakakalimutan mong isa kang Monteverde," matapang na hamon naman ng aking isip.
"Oo nga naman. Isa akong Monteverde. The family of fame, beauty and wealth.. Kaya wala akong dapat kainggitan.."
Napangiti ako sa aking sarili.
"Actually meron.." Pero kumuntra ang aking puso. "Kasama ng babaeng iyon ang ama ng ipinagbubuntis mo.."
Napalitan ng galit at pagkamuhi ang aking nararamdaman. Di bale, babangon din ako at sisiguraduhin kong luluhod siya papunta sa akin.

A Mother's LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang