Si Lola Espe

554 10 0
                                    

"Kumusta naman ang tulog mo, hija?" Tanong sa akin ni Lola Espe pagbaba ko ng hagdan kinaumagahan.
"Maayos naman po. Ang ganda po doon sa kuwarto," nakangiting sagot ko.
"Mabuti naman at nagustuhan mo," nasisiyahan ding saad ni Lola.
Nagpatuloy ang kwentuhan habang kumakain.
"Gisel, Nakahanda na ang mga baon ninyo sa kusina," anunsiyo ni Aling Tina ang katiwala ng pamilya.
"Saan kayo pupunta?" Tanong ko kay Gisel.
"Sa trabaho. Nagtatrabaho kasi ako sa munisipyo sa bayan. Ako ang municipal treasurer," sagot naman ni Gisel habang kumakain.
"Ako naman ay clerk. Doon din," segunda naman ng isa pa nilang pinsan.
"Baka naman may pwede akong mapasukan sa opisina ninyo. Kahit ano. Balak ko kasing magtrabaho muna habang kaya ko pa.."
Napatingin sa akin sina Lola Espe at si Anton.
"Hindi ka kaya mahihirapan? Tandaan mo nasa first trimester pa ang pagbubuntis mo," puno mg pag-aalala ang boses ni Aling Idad.
"Naku hindi naman po. Kaya ko po. Tsaka para naman makaipon ako dahil kapag nanganak na ako eh di na ako makakapagtrabaho," sagot ko na nakangiti.
"Ano ba ang kaya mong gawin? Baka pwede kang ipasok ng tsong Edgar mo sa banko sa bayan."
"Kahit ano po. Accountancy po ang natapos ko."
"Tamang tama.  Baka pwede ka nga sa banko," nakangiting saad ni Mang Edgar. "Mabait naman ang manager ng banko. Sigurado akong makakausap ko siya para maipasok ka."
"Naku maraming maraming salamat po. Napakarami niyo na hong naitulong sa akin.."
"Wag mong bilangin hija. Tandaan mo, pamilya tayo.."
Tumawa ako at ang mga bata. Pagkatapos ng agahan, sinamahan ko si Lola Espe sa paglakad lakad sa may malawak na hardin sa likod ng mansiyon. Puno ng ibat ibang bulaklal ang hardin. At dahil Nobyembre na, napakagandang tingnan ang ibat ibang kulay ng mga dahlia. Nasabi ni Lola Espe na iyon daw ang paboritong bulaklak ni Aling Idad kaya iyon ang pinakarami sa hardin. Pagkatapos naming maglakad sa hardin ay dinala naman niya ako sa may taniman ng gulay sa likurang banda ng hardin.
"Nagbubulaklak na ang mga petsay. Pwede na pala sila sa susunod na linggo. Alam mo, sina Mercy at Anita ang palaging nagdidilig nito kaya naman kahit hindi umuulan eh maganda pa rin ang dahon nila," pagkukuwento niya.
"Ang ganda naman pala talaga ng pamilya ninyo. Sana buhay din ang lola ko para may nag-aalaga sa akin at natutuwa sa mga ginagawa ko.."
"Bakit, saan ba ang lola mo?"
"Namatay na ho sila ng lolo ko noong 9 years old ako. Sila nga ho ang nag-alaga sa akin mula pagkabata pa lang. Namatay nga sila sa dahil sa akin. Nagkasakit ako noon ng isang linggo. Winter sa Canada at masama ang panahon pero pinilit pa din nila na lumabas para bumili ng gamot ko..." Bigla akong nalungkot nang maalala ang lolo at lola ko. "Pero dahil sa bagsik ng panahon inabutan sila ng snow storm sa daan kaya sila tinabunan ng snow at dalawang araw ang lumipas bago sila natagpuan.."
Malungkot na niyakap ako ni Lola Espe nang makitang pumatak ang aking luha.
"Di mo naman iyon kasalanan, Roni. Tandaan mo lang na naging tagabantay mo na sila.."
Mapait akong ngumiti kay Lola tsaka pinunasan ang aking luha. Sina Lolo at Lola kasi ang tumayong magulang ko mula pa noong tatlong taong gulang pa ako. Dinala nila ako sa Canada dahil walang nag-aalaga sa akin ng husto at noon ay napakasakitin ko. Di nila matiis naman na iwan lang ako sa isang yaya. Hindi kasi ako maalagaan noon ni Papa dahil sa negosyo niya.
"Sorry ho. Naalala ko lang po kasi sila.."
"Okey lang anak.. Halika tara sa ubasan. Pipitas tayo ng ubas dahil siguradong marami nang hinog doon.."
Natuwa ako nang makarating sa malawak na ubasan. Tinuruan ako ni Lola na pumitas ng ubas. Napakatamis ng mga iyon kaya nanguha kami ng marami.
Kinagabihan, nag barbecue sina Anton at Gilmar, ang kanyang kapatid sa likod ng bahay habang tumulong  naman ako kina Nanay Idad at Gisel na magluto ng pansit at puto. Nagkaroon din ng videoke at sayawan.

A Mother's LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang