Bagong Mundo

585 9 0
                                    

Kahit walong taon na kaming magkaibigan ni Shara, ngayon lang ako nakapunta sa bahay niya. Alam kong di iyon kalakihan at kagara gaya ng mansiyon namin pero di ko rin naisip na ganun pala kasikip sa kanila. Two-storey iyon at apat silang nakatira kasama ang kapatid niyang kolehiyala at ang dalawa niyang pinsan na nagtatrabaho sa isang fastfood chain. Nasa kanilang probinsya ang iba pa nolang kapamilya. Masikip ang kalsada papunta sa bahay niya. Puno pa ng mga batang walang tshirt ang kalsada na busy sa paghahabulan at walang pakialam sa paligid. Puno din ng mga matatabang lalaki ang mga kanto na pawang lasing. Natakot ako nang papasok pa lang kami ni Shara kasi para nila akong kakainin ng buhay sa lagkit ng tingin nila.
"Wag mong pansinin  ang mga tao diyan sa labas. Mga wala lang magawa sa buhay mga iyan. Pero di naman sila nangangain ng buhay."
Napatingin ako kay Shara dahil para niyang nabasa ang nasa isip ko.
"Sigurado ka?"
Natawa si Shara,"Relax Roni. Ako nga na sampung taon na sa lugar na ito eh buhay pa rin."
Sabagay, tama si Shara. Kung siya nakaya niyang mabuhay dito, kakayanin ko din para sa baby ko.
"Halika. Dinala ko na sa taas ang mga gamit mo. Doon ka muna sa kuwarto ni Ada. Magsasama na lang sila ni Shella sa iisang kuwarto. Ikaw na ang bahalang mag ayos doon kung ayaw mo ng ayos."
"Shara, pwede naman ako kahit sa sala lang eh. Nakaabala pa ako. Baka magalit si Shella kung kailangan pa nilang mag share ng pjnsan niya sa iisang kuwarto," nahihiyang sabi ko.
Tumawa ulit si Shara,"Ano ka ba Roni. Buntis ka kaya dapat alagaan mo ang baby mo sa pamamagitan ng pag-aalaga sa sarili mo. Tsaka pansamantala lang naman eh. Kumg magiging okey na ang lahat babalik din si Ada sa room niya. Kailangan mo lang talaga bilisan para makuha ang loob ni Four."
Kumindat si Shara. Naalala ko, ano na ang gagawin ko. Paano ako makakalapit lay Four? Siguradong nagkalat na siya ng warning sa mga empleyado niya para hindi ako papasukin kahit sa compound lang ng kaniyang building. Huminga ako ng malalim. Mula sa loob ay naririnig ko ang ingay ng tao sa labas. Mga batang naglalaro, mga aleng naglalako, mga mamang nag-iinoman at mga kabataang nagkukuwentuhan. Nais kong makita ang paligid kaya lumabas ako sa terrace at nakita ko ang mukha ng mundo na hindi ko nasilayan ni minsan noon. Napangiti ako sa nakikita ko. Kahit marumi at mabaho ang paligid, puno naman ito ng buhay, ng saya, ng lungkot, ng takot at lahat na ng pwede mong maramdam. Yakap man ng kahirapan ang buong paligid, di maikakaila ang kakaibang buhay na naroon.
"At least nakikita nila ang tunay na mundo at ang tunay na kalagayan ng isat isa."
Isang ale ang nakita kong may hawak na dalawang basket ng siguro ay binibenta niya. Payat ang ale at may panyo sa kanyamg balikat. Mayamaya, dalawang bata ang sumalubong sa kanya. Isang lalaki at isang babae. Nagmano muna ang dalawa na sigurado akong mga anak niya bago kinuha ang basket na dala niya. Ngumiti ang ale at sumabay sa dalawang bata sa paglakad. Napangiti ako.
"Sana ganyan din kami nina kuya at mama.. Kahit mahirap ang buhay, basta masaya kami at nagtutulungan," di ko namalayang napaluha pala ako sa naisip ko. Sinundan ko sila ng tingin habang naglalakad sa mataong kalsada. Nang di sinasadyang mapatingin sa gawi ko ang ale tsaka ngumiti. Ngumiti din ako sa kanya.
Pumasok na ako sa loob nang mapagod ang paa ko sa kakatayo.
"Ang init pala dito," nang bigla kong maisip at tinanggal ko ang aking suot na blouse. Noon ko nasa bago akong mundo at bagong yugto ng aking buhay.

A Mother's LoveWhere stories live. Discover now