And They Met Again

616 12 0
                                    

Nakahanda na ang lahat para sa pagdating ng general manager. Sa katunayan kasi ay satellite branch lang ang companya ng isang national company na isa sa pinakakilala sa bansa. Kabilang transportation- air land amd water at marketing business ang companya. Nagkaroon muna ng maikling programa sa compound para ipakilala ang GM.
"Ladies and gentlemen, we proudly present to you the General Manager of Alcala Group of Companies Mr. Lord Gabriel Alcala IV..." Umugong ang malakas na palakpakan nang kumaway sa mga empleyado ang isang matangkad na lalaki. Nasa loob kasi ako kaya nakatalikod siya sa akin. Pumalakpak na din ako. Matapos ang mainit na pagtanggap, tuloy sa kani kanilang trabaho ang mga tao. Bumalik na din ako sa opisina ko. Si Sir Waren ang nag escort sa mga bisita sa loob ng building.
Napatingin ako sa orasan nang maisip na wala pa ang anak ko. Dati rati eh alas tres ng hapon nasa opisina ko na iyon. Pero alas tres e kinse na ay wala pa rin siya. Tumawag ako sa driver niya.
"Papunta pa lang po kami maam. Malapit na po."
Huminga ako ng malalim matapos ibaba ang telepono. Akala ko nawala na ang batang iyon. Itinuloy ko ang ginagawa ko.
**************************
( Third Person's Point of View )

Kapapasaok pa lamang ni Trev nang mapansin niya ang kumpulan ng mga tao. Tumakbo siya palapit sa elevator nang makabangga ang isang lalaki.
"Trev.." Tawag ni Sir Warren sa bata.
Natapon ang hawak ni Trev na mga papel dahil sa pagbangga nito.
"Naku. Im sorry mister.." Saad ni Trev sabay luhod para pulutin ang nagkalat na papel.
"Who is this boy?"
"Anak siya ng Manager ng Finance Department sir.."
"Why do you allow him playing within the building?"
"Oh sir di ho siya naglalaro. Pinupuntahan niya ang kanyang ina sa office nito. Hinahayaan namin siya dahil naiintindihan namin ang kalagayn ng mag-ina"
"Why is that?" Tanong ulit ng mama kay Sir Warren habang malagkit na tinitingnan ang bata.
"She is a single mother and he comes here to spend the rest of the say with his mom."
"Im sorry again sir."
"Its okey. Wait. Where is your mothers office, child?"
"3rd floor sir.."
"Samahan ko lang siya Sir Warren. A child should not go alone in places as wide as this. How old are you?"
"Four sir.."
"Too young. I'll escort you to your mother. I'll see you sir later.." Paalam ng lalaking naka itim na polo.
"But Im used to go alone by myself."
"Not this time."
Ngumiti si Trev.
"Im sorry sir again."
"Don't worry about that child. Call me Four instead of Sir.."
"Im Trev, Mr. Four.."
"What about Tito Four?" Natatawang hiling ni Four.
Tumango si Trev.
"Where is your dad?"
"Mommy said he is working far away. But he will come home someday.."
"Ohh.. Okay."
Tinuro ni Trev ang opisina ng kanyang mommy.
"This is it?"
"Yeah. Come, I'll introduce you to her."
**************************
( Four's Point of View )

Ngumiti si Trev nang buhatin ko siya paglabas namin ng elevator. Ewan ko lang pero biglang bumilis ang pintig ng aking puso nang makita ko ang batang iyon. Lalo na nang mapagmasdan ko ang kanyang mukha. Parang kilalang kilala ko siya, parang gusto ko siyang mayakap.. Nagulat ako sa damdaming iyon.
"Mommy, I met a new friend.." Nagulat ako nang mamukhaan ang babae sa likod ng mesa. Kahit maraming taon ang nagdaan, alam ko na siya iyon. Ngayon ko lang napansin na maganda pala siya. Parang nasentro sa kanya ang aking mundo. Tumayo siya at halatang nagulat din. Tumakbo sa kanya si Trev at niyakap niya ang bata. Noon ko narealize ang usang bagay...
"Four.." Kinakabahang saad niya. Noon ko napatunayang tama ang hinala ko. Siya nga si Roni.
"Ibig bang sabihin nito totoo ang sinabi niya noon.. Anak ko si Trev.."
Lumipat ang tingin ko kay Trev.

A Mother's LoveWhere stories live. Discover now