Decision

571 12 0
                                    

Napailing ako nang maalala ang sinabi ni Shara kanina. Hinding-hindi ako magpapakababa para hanapin ang lalaking iyon. Nangako ako sa sarili ko na hindi na kami magkikita kahit kailan.
'Pero paano mo bubuhayin ang anak mo? Ano kaya ang sasabihin sa iyo ng iyong papa kung sakali. More disappointment?'
Huminga ako ng malalim tsaka naghubad na para maligo.
"Anong desisyon mo na Roni?" Usisa sa akin ni Shara nang sunduin niya ako kinabukasan. Sasamahan kasi niya akong magpa check up dahil hindi daw ako dapat magdadrive.
"Hindi ko hahagilapin ang lalaking iyon. Tama na ang minsang nagpakakbaba ako nang ialay ko and sarili ko sa kanya."
"Eh anong gagawin mo sa batang yan. Wag mong sabihing palalakihin mo siya nang walang ama? Eh anong sasabihin mo sa pamilya mo? Na naglasing ka at nakipag one night stand sa isang lalaking di mo alam kahit pangalan lang?"
Yumuko ako. Tama si Shara. Pero kahit papaano naman may respeto pa rin ako sa sarili ko.
"Hindi ko ipapaalam kay papa. Kapag lalaki na ang tiyan ko, aalis ako at manganganak sa ibang lugar. Sa lugar na di niya makikita. Tutal iyon naman ang gusto nila, ang mawala ako sa mundo nila."
"Pero paano ang bata? Saan ka kukuha nang ipapakain mo diyan. Mahirap maging single mom Roni."
"Alam ko. Magtatrabaho naman ako eh para hindi kami magutom. Kapag nagiging obvious na ang pagbubuntis ko ay lalayo na ako dito."
"Saan ka pupunta?"
Tumingin ako kay Shara.
"Dyan mo ako tutulungan. Di ba may pamilya ka sa probinsya? Baka naman pwede mo akong maihahanapan ng pwedeng matuluyan. Magbabayad naman ako ng renta."
Malalim na  buntunghininga ang naging sagot ni Shara. Hinintay ko siyang magsalita.
"Sige--" napangiti ako sa kanya. Sabi ko na nga ba, hindi ako matitiis ng babaeng ito.
"Oopss. Pero sa isang konsisyon Roni."
Kinabahan ako bigla. Tumingin ako sa kanya habang seryosong nakatingin sa daan.
"Harapin mo si Four."
Kumunot ang aking noo sa sagot niya. Sinong Four?
"Tinanong ko si Angie. Kapatid pala ni Ted ang lalaking nakasama mo nang gabing iyon. Pero wag kang mag alala dahil hindi ko naman sinabi ang kalagayan mo."
"Pero Shara--"
"Trust me on this Roni. Okay, lets do it like this. Ipapaalam mo kay Four ang kalagayan mo at sabihin mong siya ang ama. Kung gusto ka niyang panagutan, eh di maganda. Pero kung hindi, itatago kita at tutulungan ka sa pagpapalaki sa bata."
Natahimik ako sa suhestyon ni Shara. Nag-isip ako ng malalim. Tinimbang ang bawat posibilidad.
Kung magpapakilala ako sa Four na iyon, may posibilidad na lumaking may ama ang anak ko o di naman kaya ay ireject ng kanyang ama.
"Wag kang mag-alala Roni. Kaya namang ibigay ni Four ang buhay na nakasanayan mo. Mayaman siya at may sariling negosyo. Hindi kayo magugutom sa kanya."
"Pero paano kung may girlfriend na sya o di naman kayay asawa?"
Ngumiti sa akin si Shara.
"Asawa? Wala. Girlfriend. Siguro. Pero hindi naman kasalanang mang-agaw ng boyfriend, Roni. Isa pa, obligasyon naman niyang buhayin ang batang yan kasi sya ang gawa nyan in the first place and that says that he also enjoyed the action then let him enjoy the consequences too."
Alam kong hindi ito tamang oras pero nagawa ko pa ring tumawa sa sinabi ni Shara. Napaisip ako. Tama si Shara. Inenjoy  niya ang nangyari kaya nararapat lamang na eenjoy din niya ang resulta.
"Well, I guess it might worth a chance."

A Mother's LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora