5 Years Later

617 10 0
                                    

"Mommy!" Napangiti ako pagdilat ng aking mata nang tumalon sa akin ang aking anak. Tiningnan ko ang oras, 4:39 pa lang sa umaga pero gising na gising na naman ang bata. Maagang gumigising si Trev, ang aking tatlong gulang na anak , at kinukulit ako para gumising na dahil may work pa daw ako. Pero sa totoo lang, maaga niya akong ginigising para maglaro kami bago ako pumasok sa trabaho. Kaya naman ngayon, nakaupo siya sa may tiyanan ko hababg nakahiga ako.
"Aray anak. Mabigat ka," natatawang sabi ko nang bigla siyang tumalon talon sa tiyan ko. Tumawa siya pero hininto niya rin ang pagtalon.
"Ang bigat mo anak.." Natatawang sabi ko sa kanya. Humagukgik ang napacute kong anak.
"I eat a lot kasi Mommy. Para tumaba ako sabi ni Lola.."
Ngumiti ako. Sina Lola Espe at Nanay Idad na ang nakilala niyang lola. Sa katunayan, ang buong pamilya Alerta na ang nakilala niyamg pamilya. Mula kasi nang nagpunta ako dito four years ago, di na ako bumalik sa Manila. Bakit pa ako babalik eh maayos naman ang kalagayan namin ng anak ko dito at hindi din naman nila ako hinahanap.
Five years ago, nag apply ako sa banko na pinagtatrabahuan ni tatay Edgar ngunit di ako natanggap. Overqualified daw kaya nirecommend nila ako sa pinakamalaking companya sa siyudad ng Cabanatuan. Tinanggap ako bilang supervisor ng finance department. Nakalimutan ko na ang dati kong buhay dahil sa maayos na kinalabasan ng pagpunta ko dito. Maayos na trabaho, mapagmahal na anak at pamilya.
"Ma'am nagpatawag po ng emergency meeting si Sir Waren," saad ng sekretary ko. Tumango ako.
Tinapos ko lang ang ginagawa ko bago umakyat sa 5th floor ng building kung saan ang office ni Sir Waren ang manager ng companya.
"I would like to inform everybody that next month, the General Manager of the company will be playing us a visit," napatingin ako kay Sir Waren. "Actually it is more like an assessment than a visit. That is why I would like everyone to prepare all things needed, all that needs to be fixed let us fix them already and we have to show them that we are doing a good job here. Did everybody understand?"
Nagkaroon ng mahinang usapan at bulungan.
"Opo sir.." Malakas na sagot ng naroon.
Kaya naman tiningnan ko ang mga kailangang tapuain at gawin. Napaka haba ng isang buwan para maghanda kung tutuusin pero sa dami ng kailangang ihanda, siguradong kulang iyon.
"Mommy," napalingon ako nang marinig ang boses ng anak ko. At kagaya ng dati hinatid siya ni Mang Cardo, ang isa sa mga security guard sa pinapasukan ni Trev na skul. Si Mang Cardo kasi ang pinagbilinan ko kay Trev na magdala sa office kapag dismissal na. Kaya naman tuwing alas tres ng hapon, nasa opisina ko na ang anak ko. Mabait naman si Trev. Hindi siya nangingialam sa gamit sa opsina o kayay nagkakalat sa building. Kapag nandito siya ay lumalabas lang kaunti tapos babalik din naman kaagad.
"Hai honey. How is school?" Tanong ko habang iniaayos ang papel sa mesa ko.
"It is okey mommy. I had a good time.. Maam said we will be having a school party on Friday so you must be there, mommy."
Ibinaba ko ang binabasa ko at tumingin sa kanya.
"Whats the party for, honey?"
"Children's day mom."
"Okey honey. I will be there."
Hindi na siya muli pang umimik kaya binalik ko ang atensyon ko sa ginagawa ko. Tumayo siya at lumapit sa glass wall kung saan matatanaw ang nasa labas.
"Mommy, where is my daddy?"
Nagulat ako sa tanong na iyo  nng anak ko. Natahimik ako habang nag-iisip ng tamang isasagot. Ano ang sasabihin ko? Na wala siyang daddy kasi ayaw nito sa amin?
"Maam said kasi that we should bring our mommy and daddy. Why does Ariel have a daddy and I dont? Also the other kids in school they all have a daddy."
Napaluha ako sa sinabi niya pero agad ko din iyong pinunas. Tumayo ako at lapit sa kanya.
"Honey, you have a daddy. Wala lang siya dito kasi busy siya sa work. Pero don't worry, baby. He will come one day and you can bring him in any children's day."
Ngumiti siya.
"You promise?"
"I promise"

A Mother's LoveWhere stories live. Discover now