Second Encounter

560 8 0
                                    

I looked at my watch once again.
"5:12 pm. He might be on his way by now," I said as I fixed myself.
Im standing near a post here at the basement waiting for Four. Hindi ako nasamahan ngayon ni Shara dahil nagreport siya sa trabaho kaya mag-isa ko lang sa madilim at nakakatakot na lugar na ito.
Sunod sunod na yapak ng taong paparating ang narinig ko. Agad akong sumilip sa kinatataguan ko para makita kung sino iyon. Kinabahan ako nang makita kong si Four nga. Lumapit siya sa isang itim na kotse at inilabas ang kanyang susi. Doon ako lumabas at lumapit sa kanya bago pa siya nakapasok sa kotse niya.
"Kailangan nating mag-usap," mabilis kong tinulak ang pinto nang kotse na nabuksan na niya.
Napasinghap siya sa gulat sa ginawa ko.
"Damn it miss! Do you plan to kill me?"
Tumahimik muna ako ng ilang sandali para mapalipas ang kanyang gulat.
"Ikaw na naman? Didnt I made myself clear to you the first time you showed in my building?"
Umiling ako.
"At niliwanag ko din sa yo na di ako susuko."
Naningkit ang kanyang mga mata.
"Kailangan talaga kita lalo na ngayon. Pinaresign na ako sa trabaho dahil di ako nakapasok ng dalawang lingo dahil sa pagbubuntis ko. Lumayas na din ako sa bahay namin at nakikitira pansamantala sa aking kaibigan."
"So? Why would I care?"
"Kailangan dahil anak mo tong nandito sa tiyan ko. At anumang mangyari sa akin mangyayari din sa kanya . Hahayaan mo bang may mangyaring masama sa anak mo?"
Tumingin siya sa akin na para bang may sinabi akong nakakatawa.
"You are being unreasonable miss. I don't know you so how would I have got you pregnant?"
"Alam ko. Naiintindihan ko kung bakit di mo ako naaalala kasi lasing ka noon-"
"Then that is your problem," tumaas na ang boses niya,"You knew that I was drunk but you still flirted with me and gave your body like a cheap prostitute!"
Nagulat ako sa sibabi niya. Kung nasa normal sana akong kalagayan, umiyak ako at pinagsisigawan sana siya. Pero hindi, kailangan kong lunukin lahat ng masasama niyang salita dahil kailangan ko siyang makuha. Ako ang may kailangan sa kanya.
"Lasing din kasi ako noon kaya di ko rin alam ang ginagawa ko."
Tumingin ulit siya sa akin. Sandaling katahimikan ang naghari.
"Then it is your fault getting too drunk and surrendering yourself to me! It was your fault because that was my house and I can do everything I want to do."
Yumuko ako sa hiya. Wala akong masabi, gusto kong umalis at limutin na lang ang lahat.
"Ganun na lang yon? Susuko ka na? Kaya mo pa yan Roni. He took his price with your virginity, now make him share with the challenge.."
"Hindi iyon tamang rason para takasan mo na lang ang iyong responsibilidad bilang ama. Isa lang naman ang hihilingin ko eh, bigyan mo kami ng maayos na matitirhan at makakain. Hindi ko naman hinihingi na pakasalan mo ako dahil nabuntis mo ako."
Nakita kong nagbago ang emosyo  ng kanyang mata. Kung kanina ay inis at galit ngayon naman ay kyuryusidad.

A Mother's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon