Pagsisisi

630 13 0
                                    

"You work here?"  Iyon ang naisip kong sabihin nang walang sumunod na nagsalita. Tumango siya.
"Mommy, I met him downstairs with sir Warren. Tapos sinamahan niya ako paakyat dito. Don't you think he is too kind.."
"He is honey.." Binaling niya sa akin ang kanyang tingin tsaka ibinalik din kay Trev.
"Can I talk with your friend, honey?"
"Yeah sure mom.." Tumalikod si Trev at umupo sa swivel chair sa likod ng mesa. Tiningnan naman ako ni Roni na parang gustong sabihing sundan mo ako nang tinungo niya ang pinto. Dinala niya ako sa labas ng opisina.
"What are you doing here?" May bahid ng kapangyarihan ang kanyang boses. Hindi na siya ang dating Roni na alam ko. Yung yuko sa akin, ang babaeng nagmamakaawa sa akin, ang taong kailangan ako.. Noon
"Hindi mo ba ako nakita kanina sa welcome program?"
Napataas ang kilay niya.
"Ibig sabihin ikaw ang General Manager?"
Tumango ako. Akala ko magbabago ang ekspresyon ng mukha niya pero lalo iyong naging mas makapangyarihan.
"Ganun ba. Wag kang mag-alala, tinupAd ko ang pangako ko noon tutuparin ko iyon habang buhay. Hindi kita guguluhin. Nakita mo namang maayos ang buhay namin ni Trev. Kaya ko siyang buhayin."
Nanlumo ako sa sinabi niya. Tama siya. Nangako siya noon na hindi na magpapakita sa akin at tinupad niya iyon.  Pero hinayaan ko iyon dahil akala ko hindi ko anak ang dinadala niya. Pero ngayon, napakalaking pagkakamali ang ginawa ko. Anak ko si Trev.
"But you rejected them. You rejected him.."
"Roni.."
"Sana lang hindi mo din ako guguluhin."
"Pero Roni-" hinila ko siya sa braso nang timalikod sa akin.
"Bakit?"
"Look, Im sorry. Alam ko malaki ang kasalanan ko sa inyo ni Trev pero please naman.."
"Anong gusto mo? Na bigyan ka ng karapatan bilang ama ni Trev? Oh come on Four, after you have rejected us? You don't have the right because you threw it away from the first time I offered it to you.."
Yumuko ako.  Tama nan siya. Wala akong karapatang manghabol dahil tinapon ko iyon noong binigay niya. Ang sama ko naman palang tao. Ang sama kong ama. Nilampasan niya ako at pumasok sa loob. Buti na lang at hindi niya nakita ang pagpatak ng aking luha. Ayaw kong magmukhang mahina sa  harap niya. Ngayon, naiintindihan ko ang nararamdaman niya nung inilapit niya sa akin ang anak namin pero tinanggihan ko lang. Hiyang hiya ako sa sarili dahil inisip kong isa siyang gold digger noon. Pero ngayon alam ko nang totoo ang sinabi niyang para sa anak namin ang ginawa niya. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung paano at saan may nangyari sa amin. Kahit kasi anong pilit ko ay hindi ko maalala kung saan ko siya unang nakilala. Huminga ako ng malalim tsaka lumapit sa pinto. Nakaupo pa rin si Trev sa swivel chair nakita ko naman si Roni na may kausap sa cellphone biti at nakatayo sa may glass wall at nakatalikod sa amin.
"Im gonna leave now. It was nice meeting you Trev.." Humarap sa amin si Roni At napatingin sa bata nang tumayo ito at lumapit sa akin.
"Already? But where are you going?"
"Work"
Napabuntong hininga  si Trev.
"Pasensya ka na lang anak. Kung hindi ko sana tinanggihan ang tulong na hiningi noon ng mama mo. Pero wag kang mag alala, ipaglalaban kita.."
Pinangako ko sa sarili ko na ipaglalaban ko si Trev. Alam kong may kasalanan ako at pinagsisisihan ko iyon. Pero anak ko pa rin siya at gagawin ko ang lahat para sa kanya.

A Mother's LoveWhere stories live. Discover now