New Home

569 10 0
                                    

Huminga ako ng malalim pagbaba ko ng bus na sinakyan ko mula Manila papunta dito sa Cabanatuan. Napalinga ako sa paligid. Maganda pala dito. Ngumiti ako at inisip na siguradong mag-eenjoy ako sa pamumuhay dito.
"Saan na kaya ang susundo sa akin?" Nagtatakang tanong ko sa aking sarili. Sabi kasi ni Shara susunduin ako ng kanyamg pinsan. Sinabi na raw niya dito ang oras ng biyahe ko kaya siguradong andito at hinihintay ako. Pero hindi ko alam ang itsura niya. Sa paglinga-linga ko, isang lalaki ang lumapit sa akin.
"Hai ikaw ba si Roni Monteverde?" Nahihiyang tanong niya. Tumango ako. Maitim ang lalaki pero maskulado ang pangangatawan. Halatan babad sa araw at mabigat na gawain.
"Ako pala si Anton. Pinsan ni Shara. Nandun ang sasakyan. Saan ang bag mo?"
Ngumiti ako sa kanya bago ituro ang kinarooonan ng aking maleta.
"Iyan lang?" Parang nagulat na tanong ni Anton. Tumingnin ako sa kanya ng may pagtataka at sa akin maleta.
"Bakit?"
"Sabi kasi ni Shara magtatagal ka ng isang taon o higit pa. Bakit iisa lang ang maleta mo?"
"Ah. Oo yan lang ang nadala ko nang umalis ako sa bahay namin. Tsaka mahirap din kasing magbyahe ng malayo na nag-iisa ka at marami kang dala tapos buntis pa.."
"Oo nga naman. Sige ako na ang bahala dito."
Lumakad ako papunta sa kanyang jeep habang pinuntahan naman niya ang aking maleta.
"Ang ganda pala dito sa inyo no. Para lang siyang isang probinsya sa Texas."
"Maganda talaga dito sa amin. Lalo na doon sa villa ng pamilya. Sigurado akong mag eenjoy ka dito," nakangitimg sagot ni Anton.
"Alam ba ng buong pamilya niyo ang pagdating ko dito?" Nahihiyang tanong ko.
"Oo naman. Mula pa noon, lagi ka nang kinukuwento ni Shara. Gustong gusto ka nga makita ng lola namin kasi sabi ni Shara maganda ka daw at mabait.." Lumipad angtingin ko kay Anton na nakafocus naman sa kalsada ang atensyon habang nagkukuwento.
"Lagi niyang hinihiling kay Shara na iuwi ka dito kahit minsan lang kung magbakasyon  siya pero hindi napagbigyan ni Shara si lola. Sabi niya busy ka daw lagi."
Muntik na akong napatawa sa kadaldalan ni Anton.
"Ganun ba. Wala namang sinabi sa akin si Shara na gusto pala ako makita ng lola niyo para gumawa ako ng paraan.."
"Di na bale. Tutal andito ka na din naman at magtatagal pa. Kaya nga sobrang excited ng buong pamilya eh."
Ngumiti ako habang pinipigilan ang pagpatak ng aking luha. Ang swerte naman ni Shara sa kaniyang pamilya.
Mahigit isang oras ang tinakbo ng jeep. Hininto niya iyon sa harap ng isang malaking bahay apat na palapag ang lumang bahay pero napakaganda pa rin. Para iyong isang bahay ng marangyang Espanyol.
"Ito ang family home namin. Espanyol kasi ang lolo namin. Hiniling niya na panatilihin ang orihinal na disenyo ng bahay kaya hanggang ngayon ay ganyan pa rin iyan kagaya noong bago pa lang siyang tayo."
"Ang ganda naman.."
"Mabuti naman nagustuhan mo. Nag-alala kasi si Lola na baka daw modernong disenyo ang gusto mo.." May pag aalangan sa boses ni Anton.
"Are you crazy? The house is beautiful why wouldn't I like it?" Nasabi ko sa gitna ng di masukat na katuwaan. Ngumiti sa akin si Anton.
"Sorry. Masyado lang akong natuwa sa ganda ng bahay. Di ako makapaniwala. Dito ba ako titira?"
Tumango si Anton kaya naman lalong nanlaki ang aking mga mata. Napasinghap ako at tumingin sa kanya.
"Tara muna sa loob at hinihintay ka nila."
Lalo akong nagulat nang nakapasok na kami. Napakaganda ng lugar. Kung andito lang si Shara malamang nasabunutan ko siya ng dalawang beses dahil di niya sinabi na ganito pala kaganda ang bahay nila. Pumasok kami sa ikalawang palapag kung saan may maraming tao.
"Andito na siya.." Tawag ni Anton sa atensyon ng lahat. Nagkagulo naman sila papunta sa akin.
"Isa isa lang masasakal niyo ang bisita. Tandaan niyo buntis iyan.." Natatawang paalala ni Anton sa lahat. Ngumiti ako sa init ng pagtanggap nila sa akin sa kanilang bahay. Mayroon silang ihinandang maraming pagkain sa mesa.
"Kain muna tayo. Malamang napagod si Roni sa mahabang biyahe." Anyaya ni Mang Edgar, ang tatay ni Shara.
"Ate Roni, tikman mo ito ako ang may gawa niyan. Masarap yan," saad ni Anita ang teenager na kapatid ni Anton sabay lagay ng isang hugis pusong nugget sa aking plato.
"Ito naman ate Roni. Ako ang nagluto nitong hipon. Masarap yan sa sawsawang suka na may bawang," segunda naman ng kaedad lang ni Anita na si  Mercy. Pinsan siya ni Shara.
"Oh dahan dahan naman kayo diyan baka mabulunan ang ate Roni niyo," awat sa kanila ni Aling Idad ang nanay ni Shara.
"Okey lang mama, merun naman akong hinandang kalamsi juice para sa kanya," sagot ng bunsong kapatid ni Shara na si Pau dahilan para mapuno ng tawanan ang buong lugar.
Pagkatapos naming kumain, hinatid ako ulit ni Anton sa aking magiging kuwarto sa ikatlong palapag.
"Dito sa kaliwa ang kuwarto nina Mercy at Anita. Sa kanan naman ang kwarto ni ate Grisel. Kung may kailangan ka magsabi ka lang," mabait na paliwanag ni Anton. Tumango ako tsaka nagpasalamat sa kanya. Nabuksan na niya ang pinto at palabas na sana nang muling lumingon.
"Siya nga pala Roni..." Kyuryus na napatingin ako sa kanya.
"Welcome to your new home.."
Isang matamis na ngiti ang iniwan niya bago umalis. Naiwan naman akong nakangiti.
"What a beautiful family.."

A Mother's LoveWhere stories live. Discover now