Disappointment

595 9 0
                                    

Matalim ang tingin sa akin
niFour. Para bang tinitimbang niya kung seryoso ako sa sinabi ko.
"I wont and will never."
"Bakit? Wag mong sabihing pababayaan mo kami ng anak mo!"
Muli niya akong tinapunan ng nakakamatay na tingin.
"How can you assure me that that is really my child at hindi ng kung sino mang hudas diyan?"
This time ako naman ang nagbigay ng matalim na tingin.
"Dahil ikaw lang ang lalaking naka-sex ko. Virgin ako nang may mangyari sa atin gago ka !"
Natameme siya.
"Kahit na. I will never be a father to that child. Now if you dont mind marami pa akong kailangang gawin."
Umupo siya sa naroong swivel chair samantalang nanatili akong nakatayo roon.
"Can you just leave miss ? You are taking up my precious time," inis na sigaw ni Four.
"Aalis ako pero hindi ako susuko."
"Dont try, hindi na kita hahayaang makakapasok pa dito. You are crazy!"
Ewan ko kung bakit nagsilbing challenge sa akin ang mga sinabi niyang mga iyon. Imbes na mainis ako, para pang gusto ko na magpursigi para makiha siya.
"Anong nangyari?" Agad na tanong ni Shara nang datnan ko siya sa lobby.
Umiling lang ako.
"Pero pinangako ko na babalik ako. Akala niya isa lang akong baliw na ginugulo siya. Babalikan ko siya."
Tumango tango ai Shara.
"Tama yan Roni."
**************

"Saan ka galing?" Ang boses ni papa ang bumungad sa akin pag-uwi ko ng bahay. Siya ang nagbukas ng pinto para sa akin.
"May pinuntahan lang po kami ni Shara papa."
"Saan?" Alam kong pilit na tinitimpi ni Papa ang sariling galit.
"Lumabas lang po."
"For Christ sake Veronica Jade! Nagkakaproblema ngayon ang buong department mo dahil dalawang linggo ka nang hindi pumapasok dahil lang lumabas kayo ni Shara! Ano ba ang gusto mong mangyari ha? Ang bumagsak ang buong companya dahil sa kapabayaan mo?"
'And here we are again. Companya na naman.'
"You know what Roni. You will never do good for the company and for this family. You have never been good at anything. And now you are doing  this ? How irresponsible of you!"
Yumuko lang ako para hindi makita ni Papa na nasasaktan ako.
"You better resign Roni than bring the whole company down. I want to see your resignation letter at my table tomorrow."
Tuluyan na akong napaluha sa sinabi ni papa. Kahit matagal ko nang alam nasaktan pa rin ako dahil sa bibig mismo ni Papa nanggaling ang mga salitang iyon.
Kinabukasan, maaga akong pumasok para hakutin lahat ng mga gamit ko. Wala pa si papa nang ilapag ko ang aking resignation letter sa kanyang mesa.
'Goodbye. Maybe I just dont belong to you.'
Isang mapaot na luha ang pumatak sa aking kaliwang mata nang suyudin ko ang aking opisina sa pinakahuling pagkakataon.
"So you have resigned?" Tanong ni papa na nakaupo sa kanyang dating pwesto sa dining table. Di ako sumagot. Nararamdaman ko ang malagkit na tingin sa akin nina mama at kuya Vin.
"You resigned? But why?" Tanong ni kuya na as usual ay walang alam sa nangyayari dahil naka concentrate lagi sa trabaho.
"Because she's acting immature and inefficient in work. Always." Si papa ang sumagot kay kuya.
"Roni, what is going on with you?" Baling naman sa akin ni Mama.
"So ano na ang gagawin mo ngayon Roni?maglalakwatsa?" Nahimigan ko ang sarcasm sa boses ni papa.
"You are free to do whatever you want. Just dont tell the world that you are my daughter."
Automatikong napalipad ang aking tingin kay papa. Nakayuko siya sa kanyang pagkain.
"Papa-"
"You are useless Roni. Im so disappointed in you."

A Mother's LoveWhere stories live. Discover now