Moments

559 10 0
                                    

Nakatutok ako sa nirereview kong accounts nang may kumatok. Nagtaas ako ng tingin sa secretarya ko.
"Ma'am, Mr. Alcala is here to meet you."
"Papasukin mo."
Nakangiting pumasok sa opisina ko si Four.
"Maaga ka yata. Alas tres pa ang labas ni Trev."
"I want to talk to you, Roni."
"Yeah. Anong pag-uusapan natin?"
Napahinga siya ng malalim.
"I know I've missed a lot. It had been long years. I want to you to help me with our child."
Our child. Parang masarap pakinggan. Oo ngat may kahati ako sa anak ko, pero masaya namang isipin na ang kanyang ama naman iyon.
"Oo naman," nakangiti kong sagot.
"Ako na lang susundo Kay Trev sa school niya. And then we will go out. Susunduin ka na lang namin kapag out ka na."
Tumango lang ako sa kanya. Binalik ko ang tingin ko sa ginagawa ko. Makalipas ang ilang sandali, nakaramdam akong may nanood sa akin. Dahan dahan akong nagtaas ng tingin sa lalaking nasa harap ko.
He was staring at me, watching me. Nakaramdam akong biglang nag-init ang aking pisngi.
"Bakit?"
Ngumiti si Four.
"I'm just looking at the woman I never thought would be the mother of my child."
Oh. I thought the woman you fucked.
Napangiti ako sa aking sarili sa biglang pumasok sa aking isip.
"Why are you smiling?"
Napailing na lang ako.
"Anyway, its already two. I'll go now kasi dadaan pa ako Kay Warren."
Tumango ako ulit. Tsaka hinatid siya ng tingin.
*
Pakiramdam ko ang bagal ng oras nang hapong iyon. Nainip ako sa kakahintay sa paglakad ng oras dahil wala ang anak ko. Kaya naman nang mag alas singko na, agad kong inayos ang gamit ko at nauna nang lumabas. Nasa lobby na ako nang marinig ko ang tawa ng anak ko.
"Mommy," tumakbo siya palapit sa akin kaya naman lumuhod ako at sinalubong siya ng yakap.
"Daddy bought me a new toy, its in the car. Then we rode a horse at the mall."
Napangiti ako nang sunod sunod ang pagkukuwento ni Trev ng mga ginawa nilang mag-ama. Naging madaldal ito. Binuhat ko siya habang palabas kami ng building. Nakasunod lang sa amin si Four na nakangiti.
"Daddy said we are going to eat dinner at Maxie's," napatingin ako kay Four. Ang Maxie's ang pinakamalaking restaurant sa lungsod at pinakakilala dahil sa kanilang masasarap na pagkain.
"Inispoil mo ang anak ko ah."
"Pagspoil na ba ang pagdala sa kanya sa Maxie's," napakindat pa siya kay Trev. Gusting gusto ni Trev ang Maxie's, lagi nga niya akong kinukulit na dalhin siya doon. Hindi ko land siya pinagbibigyan minsan kasi mas pinagtutuunan niya ng pansin ang mga minions kesa kumain na.
"Daddy, you are going to buy me minion toys, right?" Mayamayay hirit ni Trev. Sabi ko nga ba, adik sa minion ang anak kong to eh. Ang cute daw kasi nila at masayang tingnan. Sabi pa nga niya aaralin niya ang salita ng minions para pag magkakalaro sila at magkakaintindihan daw sila.
"I will buy all the minions in the world if you want me to, baby."
"Yes! Mommy don't buy me lots of minions."
"Why is that?" He looked at me.
"He don't like Bob. She says no one is one eyed."
"Maybe mommy is just afraid of one eyed creature, baby."
Tumawa pa ang dalawa. Imbes na magalit ako, napangiti pa ako sa kanilang dalawa. Dati nang masayahin ang anak ko. Pero iba ngayon ang taginting ng kanyan boses at tawa. I like it.
Pagdating namin sa Maxie's, agad na tumalin si Trev sa sea of minions. Minions and Disney kasi ang theme ng kiddy department ng restaurant na ito kaya gustong gusto dito ng anak ko eh.
"Trev, honey come on. Your foods are here," tawag ko sa anak ko. Tumakbo naman ito palapit sa akin.
"Daddy, you should come to my room. There are lots superheroes in there. Everyone actually."
"Oh yeah. You sure my buddy is there?"
"Who is your buddy?"
"Captain America. We went to school together."
"Awww," natatawang react ni Trev.
"He is his favorite," comment ko.
"Mana sa tatay pala tong anak ko eh," kumindat pa sa akin si Four kaya napablush ako ulit.
"Mommy are you sick?"
"Huh, no honey."
"Why is your face hot," lumapit sa akin ang anak ko at kinulong ang aking mukha sa kanyang maliit na palad. Nahagip ng tingin ko si Four na ngiting ngiti sa tabi ni Trev.
"Daddy, you know if mommy is red and hot, I will just kiss her and she is well."
No. No. No. No. Sigaw ko sa utak ko. Alam ko ang iniisip ng anak ko.
"You want daddy to kiss mommy, baby?"
Binigyan ko si Four ng nagbabantang tingin. Napatango si Trev. Ewan ko ba kung anong takbo ng utak ni Four at lumapit sa akin.
"Come on," naiinip na saad ng anak ko.
Finally, hinalikan nga ako ni Four pero mabuti na lang at sa pisngi at dampi lang. Pero lalo akong nagblush doon. Di ko maintindihan itong reaction ng katawan ko. Bakit ba ako laging nagbablush sa lalaking ito. Bago pa ako sitain ng anak ko, agad akong nag-excuse para pumuntang CR.

A Mother's LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin