Marry Me

581 10 0
                                    

"Ano, tatayo ka lang ba dyan o susugod na sa palasyo?" Putol ni Shara sa aking pagmumuni muni. Nakatayo kami kasi sa harap ng Aguiler Tower. Isa sa pinakamagandang towers sa buong lungsod. Ito ang main office ng Aguiler Empire at ayon kay Shara dito namin makikita si Four.
"Hai, we are looking for Mr. Four Aguiler. Where can we please see him?" Tumingin ang receptionist kay Shara. Sinuri sya nito mula ulo hanggang paa.
"Who are you?"
"I am Shara Nikolas. One of his friends. We would like to see him now."
"Do you have an appointment?"
Nagkatinginan kami ni Shara. Pareho naming hindi naisip na big businessman pala ang sadya namin kaya naka-appointment lahat ang kinakaharap.
Ayaw kong masayang ang pagpunta namin doon kaya tinulungan ko si Shara. Agad kong nilabas ang aking I.D at pinakita dito.
'I hope this will work.'
"Hai miss. Could you allow to please know where Four is. We just have an important matter to tell him."
Tumingin siya sa amin matapos suriin ang aking I.D.
"Top floor. Office of the Executive," malumanay ang boses na sagot ng receptionist. Pareho kaming napahinga ng malalim ni Shara. Akala ko hindi niya sasabihin. Mabilis kaming pumanhik ng elevator.
"Okay. This is it Roni. Be strong. Diretsuhin mo na siya para di ka mahirapan."
Tumango ako tsaka humugot ng malalim na hininga. Inayos ko muna ang aking suot bago pumasok. Sinundan ako ng tingin ng mga nandoon. Wala akong pakialam doon dahil sanay na akong sinusundan ng tingin. Sa opisina nga kahit apat na taon ako doon eh araw-araw pa rin nila akong sinusundan ng tingin.
Nang nasa harap na ako ng opisina ni Four, huminga muna ako ng malalim bago lumapit sa secretarya.
"Hai. Pwede bang makausap si Four?"
Mukha namang mabait ang secretarya nya. Sinuyod muna niya ako ng tingin bago tumango.
"Nasa loob po siya maam. Katatapos lang ng meeting niya kanina."
Ngumiti ako. Tama si kuya, I have the aura that makes people say yes to what I ask.
Deretso na akong pumasok sa private office ni Four.
"Who are you?" Tanong sa akin ng isang lalaking nakatayo malapit sa glass wall.
So ito na ba ang ama ng anak ko? Ito na ba iyong lalaking iyon. Ngayon ko siya nasilayan ng husto. Maputi siya, matangkad, well-built ang katawan at napakagwapo.
"Hai. Im Roni-"
"Who the hell are you and how did you come in here without my permission?"
Napaka authoritative ng boses niya. Parang ang papa ko lang.
"Nagpunta ako dito dahil may kailangan akong sabihin sa iyo."
"Then you better start saying it out so you can go!"
Humugot muna ako ng malalim na hininga bilang tapang.
"What--"
"Buntis ako. At ikaw ang ama."
Katahimikan. Nakakabinging katahimikan. Mayamayay nakakainsultong tawa ang pumutol sa katahimikan.
"What? You are pregnant of my child? I don't even know who you are," lihim akong nasaktan sa sinabi niyang iyon. Pinamukha niya sa akin na isa akong napakababang babae.
"Oo. Two months ago. Sa bahay ni Ted. Mag-isa akong nakikiparty nang lumapit ka sa akin at landiin ako hanggang madala mo ako sa kuwarto mo."
Natahimik siya sandali. Tila nag-iisip.
"So that was you. I remember. But you cannot just walk in my life and say that I got you pregnant. There are lots of possibilities."
"Anong possibilities?"
Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay sinuri niya ako mula ulo hanggang paa.
"I will just keep those for myself. What do you need from me?"
Buong tapang akong tumingin sa mga mata niya. Ilang segundo kaming nagkasukatan ng tingin bago ako sumagot.
"Marry me."

A Mother's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon