Daddy's Home

549 11 0
                                    

"Nay.."
Excited na hinila ni Trev ang braso ni Four papasok sa bahay. Sinalubong naman kami ni Nanay.
"Nanay, so Four po.."
Kapansin pansin ang pagtataka sa mukha ni nanay.
"He's my daddy, nanay."
Napatingin sa akin si Nanay. Ngumiti ako ng tipid tsaka ako tumango.
"Ganun ba. Sige iho, dalhin no siya sa loob para magpahinga."
"He will sleep with me tonight, can he Nanay?"
Padang sinusuri ako ni nanay base sa tingin na binigay niya. Napansin siguro ni Four ang kakaibang hanging sa paligid.
"Can I talk with your nanay first, baby?"
"Okay, daddy. I will wait for you in my room."
Matapos humalik sa aking pisngi, tumakbo na pataas si Trev.
"Pwede ba kaming mag-usap ni Four, anak?"
Tahimik akong sumulyap kay Four na medyo nahihiya pa. Tipid akong ngumiti tsaka tumuloy na.
*
Four
I took a deep sigh then followed the old woman that Roni and Trev called nanay. I discovered that we are outside of the house. She sat in a bench under a tree. She signaled me to sit beside her. I did.
"Ikaw pala si Four..."
I waited for more of her words. I held my breath.
"Anong ginagawa mo?"
I was confused for a moment.
"Nang dumating dito sa amin si Roni limang taon na ang nakalipas, ginawa namin ang lahat ng aming makakaya para buuin siya. Sirang sira siya noon. Nahirapan kami pero mabuti na lang at matapang siyang babae kaya natulongan niya ang kanyang sarili. Narinig namin ang tungkol sa iyo, ang ginawa niya para sa iyo."
I bowed my head to hide my embarrassment.
"Iba na siya ngayon, mas matapang, at buo na ang pagkatao. Pero ngayon, nandito ka. Alam naming para kay Trev ito. Pero sana naman isipin mo din si Roni. Ayaw kong makita ang Roni na wasak na wasak na dumating dito noon."
I looked at her serious eyes.
"Sana maintindihan mo ako, Four. Napamahal na sa amin sina Roni at Trev. Sana hindi ka magiging dahilan para masaktan sila lalo na si Roni."
Nabuhay ang kuryusidad sa aking isip. Napamahal. Sino ba ang Nanay na ito na tinatawag ng mag-ina ko.
"Kaya gusto kong malaman..."
"Malinis naman po ang intensyon ko sa anak ko. Alam ko na may kasalanan ako Kay Roni kaya hindi ako gagawa ng kalokohan."
"Sa bata malinaw na iyon sa akin. Ikaw ang tatay niya at walang duda na kabutihan ng bata ang nasa isip mo. Ang iniisip ko at si Roni. Si Trev na lang ang meron siya liban sa amin. Tinalikuran na siya ng mundo niya kay Trev na lang umiikot ang kanyang mundo. Hiling ko lang iho, wag mo naman siyang muling papatayin."
Matapos ang aming pag-uusap, pinayagan na akong akyatin ang aming anak. Puno ng pagtataka and aking isip habang paakyat sa hagdan.
Ngumiti ako nang madatnan sa kuwarto ni Trev ang mag-ina ko. Nakaupo sila sa carpeted floor at naglalaro ng LEGO bricks.
"Hai there," bati ko sa dalawa
"Hai daddy."
"Anong sinabi sa iyo ni Nanay?"
Ngumiti lamang ako kay Roni tsaka bahagyang umiling. Kita sa mukha niya na hindi siya naniniwala pero di siya nagsalita.
"What are you making with that?"
"Robot, daddy. Want to help?"
"May I, baby?"
"Sure," he held me the box of bricks. And then we were making a robot together while Roni was watching.

A Mother's LoveWhere stories live. Discover now