Consequenses 2

634 11 1
                                    

"Roni gising na, alas syete na oh malelate ka na sa trabaho mo," nainis ako nang marinig ang boses ni Nana Trining, ang aking yaya mula pagkabata pa. Sya ang nagsilbing nanay ko dahil sa pagiging busy ni Mama sa trabaho.


"Hmm.." inayos ko ang aking kumot. Ayaw ko pa kasing gumising.


"Roni gising na. Hinihintay ka na ni Vin sa baba," hinila ni Nana ang aking kumot dahilan para masilaw ako sa sinag ng ilaw.


"Paki sabi kay Kuya na mauna na sya. Gusto ko pa matulog."


"Pero Roni..." Wala na akong narinig dahil tuluyan na akong nakatulog.


Sa totoo lang, tatlong araw na akong ganito. Lagi na akong tinatamad gumising sa umaga. Kung pinipilit ko naman ay wala pa rin akong ganang magtrabaho. Pero matindi ang umagang ito. Di lang ako tinatamad gumising, naiinis pa ako sa boses ni Nana Trining. Nanghihina ako at nahihilo. Napakasama ng pakiramdam ko.


"Roni, gising na anak. Dala ko na ang pagkain mo. Kumain--"


"Ano ba Nana. Sinabi ko bang magdala ka ng pagkain! Kung nagugutom ako bababa ako para kumain!"

 
Nanahimik bigla si Nana Trining. Namutla siya sa harap ko pero naroon pa rin ang inis ko. Tahimik syang lumabas ng kuwarto habang naiwan akong nag-iisip.


Ala una na ng umaga nang muli akong nagising. Agad akong bumaba ng silid nang maalala ko si Nana Trining.


Naabutan ko si Nana na naglilinis sa kusina. "Nana, sorry po sa inasal ko kanina.."


Ngumiti si Nana,"Okay lang naman iyon hija. Pero kung may problema ka alam mo namang nandito lamang ako para makinig."


"Alam ko po Nana. Pero wala naman po akong problema. Medyo hindi lang maganda ang pakiramdam ko nitong nagdaang araw."

Biglang bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Nana.


"Bakit, Roni. May sakit ka ba? Gusto mo samahan kita sa doktor?"

"Naku wag na po Nana. Hindi naman ito malala. Pero pangako kapag ganito pa rin ako bukas eh bibisita ako sa doktor."


Tumango si Nana pero nasa mukha niya ang pag-aalala.
*********

"Anong klase ng emergency to Roni?" Usisa agad ni Shara nang pumasok siya sa coffee shop. Nakayuko ako dahil pilit kong pinipigilan ang luhang kanina pa gustong bumuhos.


"Roni---"nag-aalalang tawag sa akin ni Shara nang di ako sumagot.


"Shara, galing ako sa doktor kanina. Apat na araw na kasing masama ang pakiramdam ko.."

"Tapos?" Kinakabahang tanong ni Shara.


"Shara, buntis ako. Nine weeks na. Nagbunga ang gabing iyon.."

Napaawang ang labi ni Shara. Tuluyan namang bumuhos ang aking luha. Pigil sa una pero lumakas nang umabot na sa sukdulan ang pagsisisi ko.


"Roni wag kang umiyak. Kakayanin mo ito. Andito naman ako para sa iyo," lumapit sa akin si Shara at niyakap niya ako ng mahigpit dahilan para lalo akong napaiyak.


"Akong gagawin ko Shara. Sigurado akong masusuklam sa akin sina mama at papa kapag nalaman nilang nabuntis ako na walang boyfriend."

"Wag mo munamg sabihin sa kanila, Roni. Hanapin natin ang ama niyang bata bago mo ipaalam sa pamilya mo ang kalagayan mo."

"Ayaw ko. Shara naman."

Ginagap ni Shara ang aking palad na nakapatong sa mesa.


"Roni, ano bang mas gusto mo ang mawalan ka ng ama at yang anak mo? Kailangan mong gumawa ng desisyon. Magpakatatag ka. Para sa iyo at ng anak mo."

A Mother's LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora