Hit 1

4.8K 47 12
                                    

"Some people want it all but some just, want nothing at all. If it ain't you, baby. If I ain't got you, baby. Some people want diamond rings, but some just, want everything. But everything means nothing, if I ain't got you. Yeaaah. Some people want -- Aray!"

Ang sakit! Sino bang makapal ang mukhang batuhin ako?! Can't they see that I'm having the time of my life here?! Handa na sana akong sapakin ang lapastangang nambato sakin, kaso paglingon ko, anghel ang nakita ko. 

"Sorry, Princess. Sorry." saad ng anghel, I mean, ni Julian.

Papalapit sya sakin habang kamut-kamot ang ulo nya. Gosh! Sa paningin ko, habang naglalakad sya, umuulan ng glitters at hearts.

"Saan ang masakit, Belle? Sorry, 'di ko sinasadya."

He sat beside me. Hinawakan nya ang ulo ko na kanina'y pisil-pisil ko dahil sa pagtama ng kung ano mang bagay na 'yun. Napalitan na ang sakit ng kilig. Ang mga umuulan na puso, sumabog, dumami at nagkalat na ngayon dito sa damuhang kinauupuan namin. 

"Sorry?! Ha?! Julian! E kung ikaw kaya tiradurin ko. Buti sana kung nakakagamot 'yang sorry mo. Naku! I'll tell Granny and Mamita about this. Humanda ka!"

But he just laughed.

At sa pagtawa nyang 'yun, it showed how white his teeth are, how perfect his cheekbone is, and how my heart jump out from my body. Kaya lang, nakakaasar kasi tinawanan nya lang ako.

"Tinirador? I didn't hit you. Ibon nga, hindi ko tinitirador. Ikaw pa kaya? Hurting you is not on my list, Belle."

Oh! Sweet tomatoes! Hindi nga nya ako tinamaan physically, pero puso ko naman ang sumalo ng pana nya. Lagi nya kasing dala ang tirador nya. Hindi para tiradurin ang mga ibon kundi para self-defense. Kung ang isang Knight may sword, ang isang Julian Hernandez daw, tirador ang dala-dala para protektahan ang prinsesa nya. That are his reason.

"If it isn't you, then who? Tsaka ano 'yung tumama na bagay sakin?" tanong ko.

"Ako. Pero di ko sinasadyang tamaan ka sa ulo. It's supposed to be landed at your lap but then, ayun nga. Sa ulo ka tinamaan." paliwanag nya habang may hinahanap sa paligid.

"Asan na ba 'yun? Wait, usog ka nga ng konti, Belle."

Umusog ako. Pagkatapos, bigla nalang syang napangiti.

"Found it!" naibulalas nya.

"What's that?" I asked.

"Necklace?" nakangiting sagot nya.

"Alam kong kwintas 'yan. Pero para saan?"

"Para sa leeg, I guess." then he laughed.

Gusto ko sanang hampasin ng song mag 'tong lalaking 'to kaso sayang ang face. Instead, sinamaan ko nalang siya ng tingin.

The Heart Hitter (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora