Hit 36

1.7K 20 2
                                    

Kasama ko ngayon si Gav. Nagprisinta siya na ihatid ako pauwi pero may dadaanan muna daw kami. Dahil sa mga nangyari, tango lang ang tangi kong naisagot sa kanya. I can't feel anything except the pain in my chest. And I'm thankful na hindi ako tinatanong ni Gav. Nakakagulat nga na sa dinami-rami ng taong makakabangga ko, siya pa. Gulat rin ang mababakas sa mukha niya kanina. Pero may iba pang emosyon akong nakita na hindi ko mapoint-out kung ano.

Hanggang ngayon, tumutulo parin ang luha ko. Naka-unlimited yata ang mga luha ko. Ayaw paawat. Inabutan ako ni Gav ng panyo pero tinanggihan ko. I don't want to stop myself from crying. Gusto ko, mapagod ang mata kong umiyak, by that time, tears will voluntarily stop. Mas mainam 'yun para mailabas ang nararamdaman ko. Naiinis nga ako kung bakit hindi ko magawang magalit kay Julian. Sakit - 'yan ang nararamdaman ko. Iniisip ko na iiwanan niya ulit ako. Pero iwinawaksi ko ang alalahanin na 'yun. I already let Julian in my life again dahil naniniwala akong hindi na niya ako iiwan. Kaya kapag sumisiksik sa utak ko ang tungkol sa pag-iwan niya sa'kin, nag-iisip nalang ako ng mga pangyayari na kung saan masaya kami. But heck! It didn't work. Mas lalo akong naiiyak at bumabaha ulit sa utak ko ang mga nangyari kanina sa condo ni Julian.

"Bakit ayaw paawat ng mga luha mo?" Nilingon ko si Gav. Nakatitig siya sa'kin at may malungkot na ngiti sa mukha niya. Nakahinto na pala ang sasakyan.

"Wipe your tears, Belle. Isipin pa lang ng mga tao diyan sa Café na pinaiyak kita." Dagdag niya. Paano nagagawang maging kalmado ni Gav sa sitwasyon ko?

Hindi na lamang ako umimik. Kinuha ko ang panyo sa bag ko at pinunasan ang mga luha ko. Saka ko nilingon ang lugar na pinaghintuan namin. May nakalagay na King's Café sa labas ng establishment.

"Don't tell me we're going to eat there. Kasi kung oo, 'wag nalang. I don't have the appetite to eat. Ihatid mo nalang ako." Sabi ko kay Gav.

Imbes na paandarin ulit ang makina ng sasakyan at sundin ang gusto ko, lumabas si Gav at umikot para pagbuksan ako. Nakahilig ang ulo niya at nakahawak sa pintuan ng kotse habang hinihintay ang desisyon ko. Ang tigas naman ng ulo ng Gav na 'to. Huminga ako ng malalim bago lumabas ng sasakyan. Pagbibigyan ko nalang siya dahil mahirap tanggihan ang lalaking makulit. Napangiti siya at isinara ang pinto. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papasok ng King's Café. Ang daming customer sa loob ng café at halos ang mga babae dito ay nakatingin sa'min. O kay Gavin? Agaw-atensyon naman kasi ang kagwapuhan ni Gav, e - parang si Julian. S.hit! Kahit banggitin lang ang pangalan niya sa isip ko, naluluha na 'ko. 'Wag muna kayong tumulo mga luha. Please? Makiayon muna kayo sa mga nangyayari dahil ayokong gumawa ng eksena rito.

Nagpalinga-linga si Gav para maghanap ng mapupwestuhan at nang may makita siyang hindi okupadong pwesto, tinuro niya ito gamit ang nguso niya. Pinapapapunta na niya ako du'n dahil oorder pa raw siya.

"Gav. 'Yung kamay ko." Sabi ko sa kaniya dahil hawak niya parin ang kamay ko.

"Sorry." Nahihiya na ngumiti siya at napakamot sa ulo niya.

Nanghihina akong napaupo sa itinuro na pwesto ni Gav. Ipinatong ko ang mga braso ko sa mesa at inihilig dito ang ulo ko. Para kasing ang bigat-bigat ng pakiramdam ko, pati na ang ulo ko. Sa tuwing naiisip ko ang insidente kanina sa condo ni Julian, nadadagdagan ang bigat na nararamdaman ko. Bakit nangyayari sa'kin 'to - sa'min ni Julian? Napabuntong-hininga ulit ako para 'di lumabas 'tong mga luhang atat tumulo.

The Heart Hitter (Completed)Where stories live. Discover now