Hit 7

3K 43 15
                                    

Janine's POV

"You okay, hija?" Agad na tanong sakin ni Granny pagkapasok niya sa loob ng sasakyan.

"Oo naman, Granny." Ngumiti ako. Ayoko namang pag-alalahanin si Granny. Pero sa totoo lang, nagdadalawang-isip ako kung pupunta sa party o hindi.

We're going to Amor's place. Doon gaganapin ang party. Ipapaalam na ni Mamita ang pagbili niya sa coconut farm ng mga Madriaga. Binili narin niya ang isa sa banana farm area ni Granny - which I don't know why. The party will also serve as a welcome party for Julian.

Speaking of Julian. Naalala ko na naman ang nangyari kahapon.

Naalala ko na naman kung paano ako tingnan ng pares ng asul na mga mata na 'yun.

Hindi ko mapigilang manlamig at kabahan, knowing that Julian is back. Malinaw parin ang nakangiting mukha niya - nakakalokong ngiti - sa utak ko. Goodness! Umiinit na naman ang pisngi ko sa pag-alala sa nakita ko. Dapat isinara ko pala muna ang bintana bago nagtititili. Nakakahiya! Nakita niya ako sa ganoong ayos.

But I just badly need air at that time. 

Pakiramdam ko, kulang pa ang hangin na hinihinga ko. Bigla akong kinapos. Si Julian naman kasi! Hindi pa prepared ang sarili ko sa pagbabalik niya. Pero ang puso ko, ayun, nagpupumiglas. At ang mga cocoon sa tiyan ko, naging paru-paro na. Si Julian ang hudyat ng panggugulo nila sa tiyan ko.

Masyado akong nahulog sa mga mata niya kaya 'di ko namalayang matagal pala akong nakatitig sa kanya. Ang hirap paring umahon mula sa pagkakahulog sa mga titig niya. His effect on me didn't change, kahit konti. At ang nakakainis pa, mukhang nadagdagan ang nararamdaman ko para sa kanya. Just like a certain food pack, may nakalagay na twenty percent more. Parang ganoon. Hindi ko alam na may mas ikakabongga pa pala 'tong nararamdaman ko.

Remember, Isabella Janine, 'wag agad maniniwala. Mahirap ng umasa. Paalala ko sa sarili.

I don't want to keep on avoiding him. Ayoko namang takbo lang ng takbo. I have to stop at harapin na si Julian. Alam ko rin namang darating ang puntong magku-krus ulit ang landas namin. Hindi nga lang talaga ako prepared.

I sighed.

"Isabella, hija. What's wrong?" Nag-aalalang tanong ni Granny.

"Po? Ah. . Ano. . Wala po, Granny. . . Andito na po pala tayo."

Granny looked at me intently. She's making sure if I'm saying the truth or not. Naku! 'Wag naman sanang maramdaman ni Granny na ayokong pumunta sa party na 'to.

Then, she smiled. "Basta kapag may problema ka, hija, Granny will always be at your service."

Natawa ako. "Para naman po kayong crew ng isang fastfood chain niyan, Granny. . Hahaha! Pero, thank you po."

The Heart Hitter (Completed)Where stories live. Discover now