Hit 38

1.7K 21 0
                                    

Tahimik si Julian habang nagda-drive. Kung minsan ay napapasimangot siya. Nangyari narin ito dati - noong galing kaming D' Leonore papuntang fashion show. Kung saan, hindi natuloy ang 'berdeng' plano ni Julian sa'kin. Though, this time, it's different. He strongly disagree of meeting Gav's mom. Pero kahit gaano pa kalakas ang pag-ayaw niya, sa huli, pumayag rin siya. Wala naman sigurong masama kung gusto lang makipagkita at makipag-usap ng Mama ni Gav sa'kin.

"I just want to talk to you, hija. Gusto kong personal na humingi ng pasensya sa inakto ko nu'ng huli tayong magkita."

Iyan ang mga sinabi ni Tita Grace - Gav's mom - nang tumawag siya. Naalala ko pa kung paano nangunot ang noo ni Julian at kung paano halos magkasalubong na ang kanyang kilay dahil sa narinig niya. Kaagad kong kinuwento sa kanya ang tungkol sa insidente na kung saan bumisita si Tita Grace sa bahay at kung paano niya pinagpipilitan sa'kin ang anak niya - si Gav. Kaya matigas ang pag-hindi niya na huwag sundin ang nais ni Tita Grace.

Huminto kami sa parking lot ng isang kilalang mall. Si Julian kasi ang nagsuggest ng lugar kung saan kami magkikita ni Tita Grace. Isang matao at pampublikong lugar ay ligtas mula sa mga taong may masasamang balak - that was Julian's reason on why he chose a café in shopping mall kaysa sa binigay na lugar ni Tita Grace. Sinamaan ko siya ng tingin nang mga oras na 'yun. Parang sinasabi niya kasing ang sama-sama ni Tita Grace. But I can't blame my Julian. He's just being protective. Baka daw kasi magtagumpay ang Mama ni Gav na kunin ako mula sa kanya. Kinurot ko nga ang pisngi niya para magising siya sa katotohanang sa kanya lang ako forever and forever. I even remember our hot activity before Gav's mom called. Julian was more passionate - I mean, every time we make love, he gets more and more unstoppable, insatiable. Mas lalo kong nararamdaman ang pagmamahal niya tuwing nagiging isa kami. S.hit! Nagsisimula na namang uminit ang pakiramdam ko.

"Belle?" Napalingon ako sa may kanan ko. Nakabukas na pala ang pinto ng kotse at naghihintay na ang nakalahad na kamay ni Julian para tanggapin ko. Medyo nakakunot ang noo niya pero nakapinta naman sa kanyang labi ang isang - well, sexy smile. Napalunok ako. Saka ko inabot ang kamay niya pero sa isang iglap, namalayan ko nalang ang sarili ko na nakasandal sa nakasaradong pinto ng kotse habang ang mga braso ni Julian ay nakapulupot sa bewang ko.

"Your mind is somewhere else. Remember something hot and sexy?" Nakangising tanong ni Julian.

Pamumula ng pisngi lang ang tangi kong naisagot. Masyado bang halata ang pagkukulay berde ng utak ko? O nararamdaman din ni Julian ang intensity sa pagitan naming dalawa?

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at binigyan ako ng isang nakakalambot ng tuhod na halik. "I'll take you home again. Huwag mo nalang ituloy ang pakikipagkita sa Mama ni Gav." Pangungumbinsi niya na may kasamang pagnguso ng kanyang mapupula at magical na labi.

Napabuntong-hininga ako. Nag-aalala si Julian, alam ko. Pero para mas malinawan si Tita Grace - na kay Julian lang ako - kailangan naming mag-usap. Si Tita Grace narin naman ang nagreach-out para ituwid ang inasal niya noong nagkita kami.

"You can have me 'til forever, Julian. Pero sa ngayon..." Ipinulupot ko ang mga braso ko sa kanyang batok. "Kailangan kong kausapin ang Mama ni Gav. Let's give Tita Grace a chance para marinig ang side niya. And to straight things up. Para matigil narin ang ipinipilit niya."

The Heart Hitter (Completed)Where stories live. Discover now