Hit 40

2K 33 17
                                    

The past six hours was an agony for me. I almost lost her - my love, my life, my princess... my Belle. Kaya mula nang dinala siya dito sa ospital, hindi na ako umalis sa tabi niya. Lagi ko ring hawak ang kamay niya, dahil natatakot akong mawala siya sa paningin ko. But d.amn! I can still feel the pain in my chest whenever I remember that I almost lost my Belle.

I'm glad that I and Gav successfully close the deal with the British Clients. Tatawagan ko si Belle dahil hindi ako nakatanggap ng reply mula sa kanya. I asked her if how is she doing with Gav's mom, pero natapos nalang ang meeting at lahat, still no reply from her. And to think, it's almost two hours ago since I left her with Gav's mother. Kaya hindi ko maiwasang hindi mag-alala. I was about to call Belle when my phone rings. I can't help but smile nang makita ko ang pangalan ng tumatawag. After two rings, I answered the call.

"Hello, my princess." Nakangiting bati ko kay Belle sa kabilang linya. I feel relieved 'cause she called. Ngunit kaagad din itong napalitan ng pag-aalala nang hindi siya kaagad sumagot. Bumalik ang kaba na nararamdaman ko mula pa kanina. Something's wrong. And my guess was right when she suddenly said:

"Cancel the wedding. Ayoko na. Let's stop this--"

I cut her off. "Whoa! Anong biro 'yan, princess? Stop joking, Belle. Hindi nakakatawa. Sandali, asan ka ba? Susunduin na kita. Andyan ka pa ba sa Café? Sabi ko na nga ba. It will do no good talking to that woman..."

I started to get uneasy. I'm pacing back and forth, trying to shake the fear that beginning to rush all over me.

"Belle?..." I called her. Ang matagal na pagsagot niya ay lalong nakakadagdag ng kaba sa akin.

"I realize that I don't really love you. Na matagal na pa lang nawala ang nararamdaman ko sa'yo... I'm sorry, Julian."

Oo at hinihintay kong magsalita si Belle pero hindi ito ang inaasahan kong marinig mula sa kanya. How can she said that? We're okay - everything is okay. So why is she saying all those hurtful words? No. Something is really wrong. May nangyayari at natatakot ako sa mga naiisip kong dahilan kung bakit sinasabi ito ni Belle.

"Hindi ako naniniwala sa'yo. I know you love me... I love you, Belle. Wait - Where are y--"

"Belle?... Belle?! Fvck!" She ended the call.

I tried calling her again but her phone is already out of reached. I kicked my car's tire dahil sa frustration. Sh.t! I feel something bad is happening. At ang mas ikinakatakot ko ay ang kalagayan ngayon ni Belle. Alam kong hindi totoo ang mga sinabi niya. I know her very well that I can figure out if she's lying or not.

Tumunog muli ang phone ko. I was hoping that it was Belle who's calling and she'll say that everything was just a prank. Pero gano'n na lamang ang pagkadismaya ko nang makita ang pangalan ng tumatawag. Kahit nagtataka, sinagot ko nalang ang tawag.

"Gav." I said.

"Get inside your car." Kaagad na utos niya sa'kin.

The Heart Hitter (Completed)Where stories live. Discover now