Hit 33

2.1K 20 2
                                    

Mausoleum de Ferrera

Iyan ang nakasulat sa itaas na bahagi ng mausoleum na nasa harap namin. Napatingin ako kay Julian nang pisilin niya ang kamay ko na hawak niya. Nagtatanong ang mga titig niya. Ngumiti ako para ipakita sa kaniya na okay lang ako. Siya kasi ang nag-suggest na puntahan sina Mom at Dad. Sa kanila muna daw siya mamamanhikan bago kay Granny. Nang mapansin kong masyado ng nakapako ang mga titig niya sa'kin, ako na mismo ang naghatak sa kaniya papasok ng mausoleum.

"Good morning, Lolo." Bati ko kay Lolo Antonio, ang namayapang asawa ni Granny. Tumingin ako sa mga katabing puntod nito. Huminga ako ng malalim 'tapos ay ngumiti.

"Good morning, Mom, Dad." Bati ko. Binitawan naman ni Julian ang kamay ko para ilagay ang dala naming bulaklak sa puntod ng mga magulang ko at ni Lolo.

"Good morning din, Mom, Dad. And Lolo Antonio." Bumati rin siya sa kanila. Nakiki-mom at dad na rin?

Hinawakan niya ulit ang kamay ko at itinaas ito. Ipinapakita niya ang singsing na suot namin. "We're engaged. At gusto ko po na sa inyo unang hingin ang kamay ni Belle kahit pa matagal ko ng nakuha." Sabi niya saka marahang tumawa.

Hawak parin niya ang kamay ko kahit ibinaba na niya ito. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya at naghihintay ng iba pa niyang sasabihin. "I know you all see how much I love Belle. At wala po dapat kayong ipangamba. I promise right infront of you - Lolo Antonio, Mommy Janet, and Daddy Isaac, that I, Julian Drew Hernandez, will take care of Isabella Janine Ferrera. I will always be at her side, in sickness and in health, for richer or for poorer. I will stay faithful and forever hers. I already gave her my all and will still gave her everything, just to make her happy. And I will never stop loving her - never."

Lumapad ang ngiti ko at nagbubunyi na naman ang mga kilig hormones sa katawan ko. He's making a vow infront of the important people in my life. They may not here, but the way Julian talked to them, parang totoo at buhay na buhay sila sa harapan namin. Lolo Antonio died when I was 6 years old. While Mom and Dad died almost 14 years ago in a plane crash. That was supposed to be their second honeymoon since they want to spend more time with each other. But unfortunately, nangyari nga ang 'di inaasahan. Sa una, mahirap tanggapin but with Granny, Julian and his parents, Mamita, and my friends, I didn't feel alone.

"May idadagdag pa ako." Tumingin sa'kin si Julian at ngumisi. And with a very seductive voice, he said, "I also promise to keep you warm. Day and night. Anytime. Anywhere."

Uminit ang pisngi ko dahil sa dinagdag na pangako ni Julian. Kinurot ko ang tagiliran niya pero mas lalong lumawak ang ngiti niya. "Ewan ko sa'yo, Julian! Luntian na naman 'yang utak mo." Inirapan ko siya.

"Why? Ayaw mo? Kagabi nga, halos -- Aray naman, prinsesa ko." Kunwari pa siyang nasaktan dahil sa kurot.

Nang akmang kukurutin ko uli siya, hinuli na niya ang kamay ko at hinapit ako palapit sa kaniya. Mahigpit niya akong niyakap. Dinig na dinig ko ang tibok ng puso niya.

"Mahal na mahal kita, Belle." Sabi niya saka hinagkan ang ulo ko.

The Heart Hitter (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu