Hit 23

1.9K 17 6
                                    

Mga ilang minuto din ang lumipas bago ko napagpasyahang sundan si Julian pero nakita ako ni Nanay Clara kaya siya nalang ang tinanong ko kung nakita niya ba si Julian. Sinabi ni Nay Clara na nakita niya itong umalis. Pero hindi nakalampas kay Nay Clara ang pamumula ng mga mata ko. Dinahilan ko nalang na napuwing ako saka nagpaalam na dito lang ako sa garden swing para hintayin si Julian. Baka hinatid niya pa si Amanda. Pero mukhang hindi naman umalis si Julian dahil nasa garahe ang kotse niya. Pero nakapatay ang lahat ng ilaw ng kwarto niya. Malalaman ko naman kung nakauwi na si Julian dahil ang swing na kinauupuan ko ay nakaharap sa dalawang bahay - sa mga Hernandez at mga Ferrera.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko dahil nagsisimula na namang mamuo ang mga luha ko. Alam ko na hindi ko na mababawi lahat ng mga sinabi ko kay Julian. At alam ko rin na labis ko siyang nasaktan dahil pinagdudahan ko ang pagmamahal niya sa'kin. Hindi ko lang talaga mapigilan ang pagragasa ng bitterness at takot sa puso ko.

Marahan kong sinasayad ang mga paa ko sa bermuda grass sa bawat galaw ng swing. Pilit ko munang inaaliw ang sarili ko. Dito kasi kami madalas tumambay noon ni Julian maliban sa nipa hut na malapit sa lake. Napabuntong-hininga ako at napapikit.

"Marshmallows..." Napadilat ako. Bumungad sa'kin ang nakangiting mukha ni Gavin. "... Kapalit ng isang ngiti from you."

"Gav..." Tumayo ako at niyakap siya. Gavin hugged me back. Malayo si Granny para sabihan ko ng mga nangyayari. Sina Lei at Emmie, busy sa mga buhay pag-ibig nila. Buti nalang at dumating si Gav. Kahit hindi ko man masabi sa kanya ang mga pinagdadaanan ko, sana kahit papaano, it will help me feel a little better.

Kumunot ang noo niya nang makita ang itsura ko. "Are you okay?... Umiiyak ka ba?"

"H-hindi, ha. Ano kasi... May maliit lang na insect na pumasok sa mata ko. P-pero okay na ako." Kinuha ko ang marshmallow na hawak niya para malihis ang usapan, pero agad niyang itinaas ang kamay niya.

"Ngiti ka muna." Napanguso ako. "Sayang naman 'tong choco-flavored marshmallow na dala ko kung hindi mo matitikman... I just need a smile from you. 'Yun lang."

I sighed - again - at binigyan siya ng isang totoong ngiti. Magkapatid nga sila ni Julian, they're too hard to resist. Unti-unting bumaba ang kamay niya na may hawak nu'ng marshmallows. And I took advantage of it, agad kong hinablot ang marshmallows at bumalik sa swing na kinauupuan ko. Napapailing naman si Gav na umupo sa katabing swing.

Hindi ko alam kung bakit parang may nagbago kay Gav. Not physically, it's something na hindi ko mapin-point. And it all started when he came back from London. Kagaya nalang ng nangyari last week, nu'ng nakita niya ako na lumabas sa kwarto ni Julian, he seemed mad at that time. Ni hindi nga niya ako pinansin.

"Gav?..." Tumingin ako sa kaniya. Nakatingin na pala siya sa'kin. "Galit ka ba?"

Umiwas siya ng tingin at marahang umiling. "Hindi ako galit sa'yo, Belle... Galit ako sa sarili ko."

The Heart Hitter (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora