Hit 20

2.1K 14 10
                                    

"Magandang umaga po, Nay Clara!" Bati ko sa kaniya. Ngumiti sakin si Nanay.

"Si Gavin po pala? Hindi ko man lang napasalamatan ang yabang na 'yun. Binuhat niya pa ako paakyat sa kwarto." Tanong ko saka kumuha nang toasted bread. Paggising ko kanina, nasa sarili kong kwarto na ako. Hindi ko man lang namalayan kagabi na nakalutang na pala ako.

Tumigil si Nanay Clara sa ginagawa niya at hinarap ako. "Nasa sentro si Gavin, hija. Pero siya? Nagbuhat sa'yo papuntang kwarto mo? Naku, hindi! Si Julian, siya ang nagdala sa'yo sa kwarto mo. Hindi mo ba talaga alam?"

Umiling ako. Si Julian? Paanong nangyari 'yun? E si Gav ang kasama ko kagabi?

Narinig ko ang pagdating ng isang sasakyan at ang pagbusina nito. "Si Julian na siguro 'yan, hija. Pinagbilin niya kasing kumain ka raw muna bago ka niya sunduin. May pupuntahan daw kayo."

Nangunot ang noo ko. Saan na naman? Ah, sa farm siguro. Sinabi ko kay Nanay Clara na sa Cat's Eye nalang ako kakain, tutal nagtext naman si Lei na magkikita kami mamaya doon. May pag-uusapan daw kaming mahalaga.

-----

Nagtatatakbo papunta sakin ang mga bata ng foundation nina Granny at Mamita. Nasa AmorCruise's Sports Complex kami ngayon. Sinalubong nila ako ng mga ngiti at mahihigpit na yakap. Hinahanap ko si Julian. Hindi siya ang sumundo sakin kundi ang isa sa mga driver nila.

"Ate Belle!" Tawag ng isang bata sakin. Lumawak ang ngiti ko nang makilala ko kung sino.

"Carter!" I hugged him at pinanggigilan ang pisngi niya.

"Halika na po! Inaantay na kayo ni Kuyang pogi." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta ng field.

Nakatalikod si Julian. Ang sexy lang ng likod! Uminit bigla ang pisngi ko dahil sa isiping 'yun. He's busy arranging the arrows sa isang cylinder. Tinawag siya ni Carter. Ngumiti siya nang makita ako pero bigla ring kumunot ang noo niya.

"Kumain ka ba?" Tanong niya agad sa akin.

"Ha? Oo... Oo, nag-almusal ako." Sagot ko.

Tinitigan niya ako. It was like he's making sure if I'm lying or not. Nanunuot ang mga titig niya. Nakakainit ng pisngi. Alam kong nararamdaman niya na hindi totoo ang sagot ko.

"Oo na! I didn't eat that much. Nagtoasted at gatas lang ako. Pero... Pero kakain naman ako mamaya sa Cat's Eye." Sabi ko.

Wait. Why I'm so defensive? E ano naman ngayon kung magalit siya dahil hindi ako nag-almusal? Bakit nga ba?

Ngumiti siya at pinisil ang ilong ko. "Ang defensive naman ng prinsesa ko."

Hinarap niya ang mga bata pagkatapos. "Hi, kids! Ngayon, tuturuan ko kayo ng Archery. Para naman mainvolve kayo sa mga sports. Alam niyo ba kung anong klaseng sport ang Archery? 'Yung may bow and arrow?"

The Heart Hitter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon