Hit 5

2.8K 40 8
                                    

I woke up with the feeling of something heavy was on my stomach. I was about to shake it off when I realized it's just my pet cat, Liksi, sleeping peacefully. Maingat ko siyang inilipat sa kanyang customized bed na nasa paanan lang ng kama ko. Pagkalagay ko sa kanyang higaan, he jumped back to me.

Liksi keeps on saying, "Meow." It seems like he misses me.

"Saan ka ba nagpunta kagabi? Namiss kita pero hindi kita mahanap dito. Gumala ka na naman, no?" Tanong ko kay Liksi kahit pa alam kong 'meow' lang ang isasagot niya.

"Anong oras na ba, Liksi?. . " Nakatulog na pala 'tong pusang 'to. Napuyat kagabi? Tumingin ako sa orasan sa bedside table ko.

It's already ten minutes after ten. What?!

Ang sarap naman kasi ng inihanda ni Nanay Clara kagabi. Napasarap din pati ang kwentuhan namin. Tsaka ang sarap din kasi sa pakiramdam na nakauwi ulit ako dito at nakita si Granny. Tama lang din pala na umuwi agad ako kahit pa mukhang hindi nasurpresa si Granny. Ibinalik ko ulit si Liksi sa higaan niya. This time, tulog na tulog na siya. I lightly squeezed Liksi's fat cheeks. Di parin natinag ang pusang 'to. Naggala talaga 'to kagabi.

Liksi is an orange, fat, stray cat. That blue-eyed guy found Liksi near the Cat's Eye HQ and was a kitten at that time, na ngayon, halos 'di na magkasya sa higaan niya. Ang sabi ng blue-eyed na lalaking 'yun, naawa daw siya kaya inuwi niya at naisipang ibigay sakin. We even call the cat, baby, dahil sa sobrang liit niya at sabi ng blue-eyed guy na 'yun, kunwari daw baby namin. Palipat-lipat pa nga ng bahay si Liksi dati, kina Mamita o kaya dito. Ngayon, dito na talaga siya samin namamalagi.

I sighed. I haven't done my morning rituals yet 'tapos biglang maaalala ko ang lalaking 'yun. Now, tell me. How can I forget him if the things, the places, the people, even this cat, all has to do with that blue-eyed guy?

Argh! Nakakarindi na 'yang blue-eyed guy na 'yan. Kung sasabihin ko naman ang pangalan niya, baka marinig niya at maisipang umuwi dito.

"That's what you want, right? Ang bumalik siya." Sabi ng puso ko.

See? Iniisip ko tuloy na nagsasalita ang puso ko. Hayy. I think, I need to take a bath. Ililigo ko nalang 'tong nararamdaman at iniisip ko.

Papasok na sana ako sa banyo nang biglang tumunog ang phone ko.

"Hello?" Sagot ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag pero unregistered number lang ang nakita ko.

"Hello? Sino 'to?" Tanong ko ulit.

Dumaan ang sampung segundo hanggang sa umabot ng limang taon, wala paring sumasagot sa kabilang linya. Loko lang 'yung limang taon. Pero 'yung walang sumasagot sa kabilang linya, e nakakakaba na. At nakakainis! Tapos na ang April's fool at nasa 'ber' month na ngayon, di yata makamoved-on 'tong nasa kabilang linya.

"Ano?. . Nganga nalang?. ." And then I ended the call.

May mga tao talagang walang magawa sa buhay. Tapos nandadamay pa. E kung tumulong nalang kaya sila sa pagreresolba ng problema ng bansa. Nakakadagdag lang sila sa sakit ng ulo. Teka, bakit napunta na ako sa problema ng bansa? 

The Heart Hitter (Completed)Where stories live. Discover now