Hit 29

2K 19 2
                                    

Ang bilis ng panahon. Ilang oras nalang at magbabagong taon na. A new year's party is being held here in Amor's Place. Nasa stage ngayon si Julian, having a talk tungkol sa farm na pinamahala sa kaniya ni Mamita and it's updates. Gavin was there, too. Nahuli ko pa siyang nakatingin sa'kin kanina, umiwas na lang ako ng tingin at ibinalik ang atensyon ko kay Julian.

Pumalakpak ang mga tao dito sa Amor's Place nang matapos ang maikling speech ni Julian, pumalakpak narin ako. Si Tito Andrew naman ngayon ang may hawak ng microphone.

"... Julian will also takeover the new branch of Hernandez Shipping Lines here in the Philippines. We will soon begin to open new branches in Visayas, and in some parts in Mindanao. But Julian will have his main office here in AmorCruise, as he requested. And I know, he don't want to leave this place. Nandito daw ang nagmamay-ari ng puso niya. Right, son?" Nakangiting sabi ni Tito Andrew saka tumingin kay Julian. Tumango si Julian sa kaniyang ama pagkatapos ay tumingin sa'kin at kumindat. Uminit tuloy bigla ang pisngi ko.

"Taken na? Hmp! 'Yung kuya na lang, mukhang single pa, e."

"I agree. Mamaya lapitan natin. K?"

Narinig kong sabi at humagikgik pa ang mga babaeng malapit sa table na kinapupwestuhan ko. Napapailing na lamang ako. Kung titignan kasi sina Gavin at Julian, masasabi mong magkapatid nga sila, konti man ang makikitang resemblance sa dalawa, pero ang epekto nila sa mga babae, parehong-pareho. I guess, I'm exempted to that group of girls na parehong nahuhumaling sa dalawa dahil si Julian lang naman ang kinahuhumalingan ko. Napatuwid ako ng upo nang may sinabi si Tito Andrew tungkol kay Gav.

"... And I'm happy to introduce to all of you, my other son, Gavin Hernandez. Since he's now part of the family, si Gav ang siyang mamahala sa Manila branch at sa bagong bukas na HSL branch sa Singapore."

May mga narinig akong bulong-bulungan pero nasasapawan ito ng malalakas na palakpak. Ang mga nagbubulong-bulungan na iyon marahil ay ang mga hindi kakilala ng mga Hernandez, 'yung mga taong pumunta lang dito para makipagsocialize, ni wala nga yatang alam kung para saan nga ba 'tong party na ito. Hay! Kaya ayokong pumunta sa mga ganitong event, unless kasama ko sina Mamita. Mas mage-enjoy pa ako sa Bailehan.

Si Gavin naman ngayon ang may hawak ng microphone. Ngumiti muna siya bago nagsalita. "Good evening, everyone. I just want to thank all of you for coming here. Gusto ko ring pasalamatan sina Tita Jackie at Mamita dahil sa pagtanggap nila sa akin ng buong-buo. And of course, kay Julian. Nagkaroon bigla ako ng isang li'l brother."

Nilingon ni Gav si Julian. Tumango lang ang huli. Bumalik ang tingin ni Gav sa mga tao dito, hanggang sa dumako ang tingin niya sa pwesto namin ni Granny. "At pati narin kina Granny at Belle. Salamat sa pagtanggap sa'kin nang walang tanung-tanong. Kasama ko kayo habang inaayos pa ang lahat sa akin. Again, thank you."

Ngumiti ako kay Gav. Nang tingnan ko naman si Julian, nakanguso siya at halos magdikit na ang mga kilay niya. Napakagat-labi ako para pigilan ang pagtawa. Mukhang bata si Julian na natalo sa isang kiddy game. Pero hindi parin nawawala ang kagwapuhan niya.

Nagpatuloy si Gav. "Sa lahat ng mga nangyari, may mga natutunan ako. That I may have a messed up past, masasabi ko naman na ito ang humubog sa'kin sa kung ano ako ngayon. There are things... and people that were part of my past that I still want to keep. Though, may mga kailangan akong bitawan. Letting go is not a sign of being a coward, it just show how brave you are to let go of the things who means alot to you. At alam ko na hindi ako mahihirapan mag-adjust sa mga nangyayari dahil kasama ko ang buong Hernandez."

The Heart Hitter (Completed)Where stories live. Discover now