Hit 26

1.9K 21 5
                                    

It's been two days since Julian and I were officialy together. Dalawang araw ko naring hindi nakikita si Gav. Kung maaari, huwag muna siyang magpakita sa'kin. Pero may parte sa'kin na gusto siyang makausap at ayusin ang lahat. As I said, Gav is a part of my family, of my life. Kaya ko siyang patawarin. Hindi naman ako ganoong kasamang tao na kahit pagpapatawad, hindi ko maibigay.

"Are you okay, prinsesa ko?" Untag sa'kin ni Julian. Napatingin ako sa kaniya.

Umiling ako at ngumiti sa kaniya. Bumaba na siya sa kotse at umikot para pagbuksan ako. Galing kami sa Pomelo Farm. Kinukulit niya kasi akong bisitahin ang mga suha doon. Binigyan niya kasi ng mga pangalan ang ilan sa mga puno ng suha doon. At para siyang bata na inaalala isa-isa ang mga pangalan na ibinigay niya sa mga puno. At nakakatuwa dahil naaalala niya pa.

"Ang lakas mong kumain ng suha." Sabi ko kay Julian pagkababa ko ng kotse.

"Iba kasi ang pomelo dito kaysa sa mga nabibili ko sa London." Aniya at inakbayan ako.

"Naglilihi ka siguro?" Biro ko sa kaniya.

"We didn't do it yet tapos naglilihi agad? Or..." Inilapit niya ang mukha niya sa may bandang leeg ko at bumulong, "... We can do it right now, since were the only people here."

Kinurot ko siya sa tagiliran pero tumawa lang ang Julian. Dumaudos ang hawak niya sa bewang ko. "Ang pikon ng prinsesa ko. Baka totohanin ko tuloy ang iniisip ko."

"M-magtigil ka nga, Julian!" Sita ko sa kaniya.

Lalo siyang tumawa nang makita ang pamumula ng pisngi ko. Nauna na akong maglakad sa kaniya papuntang bahay pero napahinto ako nang makita si Gavin na nakaupo sa isa sa mga garden chair. Seryoso siyang nakatingin sa'kin. Kaagad nag-flash sa utak ko ang nangyari noong nakaraang araw. Unti-unting nanlamig ang mga kamay ko.

The next thing I knew, I was behind Julian's back. Humawak ako sa braso niya. Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Kumabog ang dibdib ko nang magsalita si Julian.

"What do you want... Kuya?" Binigyaang-diin ni Julian ang salitang Kuya.

Tumayo si Gav. Imbes na sagutin ang tanong ni Julian, diretso siyang tumingin sa'kin at nagsalita, "Gusto kitang makausap, Belle."

"What for? To say sorry? Tss. After what you did to Belle, do you think hahayaan kitang makalapit sa kaniya?" Napatingin ako kay Julian. I never saw him this mad. His bright, blue eyes looks darker. At kung nakamamatay lang ang mga titig niya, kanina pa nakabulagta si Gav. But again, he didn't answered Julian. Nakatitig pa rin siya sa'kin.

"Please, Belle? Hayaan mo 'kong magpaliwanag. Hayaan mong marinig ang side ko. Please..." Pagsusumamo ni Gav. I bit my lower lip. I can't stand seeing and hearing Gav like this.

Naramdaman ko ang pagtense ng muscle ni Julian. Hinawakan ko ang kamay niya, nawala ang pagkakakuyom nito.

"Julian..." Napatingin siya sa'kin. "Let's hear Gav's side. Pagbigyan natin siya."

The Heart Hitter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon