Hit 14

2.3K 22 4
                                    

"Since, then, you have pledged your mutual vows, I, by virtue of the authority vested in me by the state and the church, declare you to be husband and wife, according to the ordinance of God and the law of the state." Anunsyo ng pari.

How funny, five days ago, umiiyak si Ayen habang kinukwento sakin ang dahilan kung bakit siya biglaang pumunta dito sa AmorCruise. Now, she looked so happy with Louie on her side. Finally, natuloy din ang kasal.

"You may now kiss the bride." Saad ng pari.

Itinaas ni Louie ang veil ni Ayen. Hindi ko alam kung anong nagtulak sakin para tumingin sa kinaroroonan ni Julian. And to my surprised, he's looking at me, too. Hindi na pala nakakagulat. Dahil simula pa kanina, halos ayaw akong lubayan ng dalawang pares ng asul niyang mga mata. But he look so drop dead hot in his white, button-down polo and black fitted jeans.

Ngumuso si Julian. Nanghihingi din yata ng kiss. Ihampas ko kaya 'tong dala kong bulaklak sa sexy lips niya. Sinamaan ko nalang siya ng tingin.

Nagpalakpakan ang mga guests, hudyat na tapos na ang seremonya ng kasal. Next stop, reception. Nakakatawa lang dahil nasa kabilang parte lang nitong Amor's Place gaganapin ang reception. Gusto ko sanang lumapit kina Ayen at Louie pero dinumog na sila ng mga guests. Mamaya nalang siguro.

Papunta na sana ako sa reception nang may biglang humila sakin palayo.

"Julian naman. Bakit ka -- Mark?!"

Akala ko si Julian. Oh, ghad! Anong ginagawa niya dito?

"Mark! Ano ba?! Saan mo ba ako dadalhin?" Pinipilit ko siyang huminto pero tuluy-tuloy parin ang paghila niya sakin.

"We need to talk, Belle." Rason niya.

"Wala na tayong dapat pag-usapan, Mark."

Huminto rin siya. Sa wakas! Pero hindi niya parin ako binibitawan. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso.

"We talked before we end our relationship four years ago. Mark, apat na taon na ang lumipas. Why can't you moved on?"

"Dahil mahal parin kita. Please. Please, Belle. Bumalik ka na sakin." May halo ng pagmamakaawa ang pagkakasabi ni Mark and I hate seeing him like this.

Malayo sa Mark na nakilala ko. Mapagmahal, sweet, responsable, matalino, at gwapo. He has everything what girls are looking for in a guy. Isang taon din bago ko siya sinagot. Si Ayen narin ang nagpush sakin na bigyan si Mark ng chance.

Minahal ko naman si Mark pero andun parin 'yung pakiramdam na hindi ako masaya. Na may kulang. Na kapag pinagpatuloy ko pa, baka mas lalo ko siyang masaktan. Kaya pagkatapos ng mahigit anim na buwan, I broke up with him. Sinabi ko ang mga rason na 'yan sa kaniya. Naging maayos ang usapan namin. Right after we broke up, I found out that he's secretly seeing other girls behind my back. Buti nalang pala talaga, nakipaghiwalay ako sa kanya.

The Heart Hitter (Completed)Where stories live. Discover now