Hit 16

2.4K 24 15
                                    



"Liligawan kita."


Swear! My jaw literally dropped because of what he just said. Seryoso ba siya? At mukha namang nabasa ni Julian ang iniisip ko.


"Seryoso ako, Belle. Kung pwede nga lang kasal agad. . Pero hindi pwede. I want to take things slowly. I don't want you in rush. And as I said, ngayon ang simula ng panliligaw ko. And I don't need any permission from you dahil kahit humindi ka, I will still pursue you. . . Hanggang sa ikaw na mismo ang sumuko."

Then he flashed that sexy smile, trademark na yata niya ang ngiting 'yun. And I don't even know why I just keep my mouth dropped, I mean, shut. The whole time, tahimik lang ako. Ni hindi ko magawang sumagot sa mga sinabi niya.

Di ba, ito naman ang sinabi niya? Na sa pagbalik niya, sisimulan na niyang tamaan ang puso mo?

Oh, yes, I remember what he said on his interview in The Bachelor Mag. So, ngayon na talaga ang simula ng World War III, I mean, panliligaw niya?

Bumaba si Julian ng stage at naglakad palapit sakin. Ghad! Heto na naman ang pakiramdam na parang umuulan ng puso. At parang Red Sea naman ang mga tao dito sa plaza, nahawi sila at binigyang-daan si Julian.

"Nagustuhan mo ba ang harana ko sa'yo? Ahm. . . Sorry, Belle. I know that you don't like crowd attention but I did it for them to know that they have to back-off. . . Boys specifically. At dahil gusto ko, ako lang ang pwedeng tumama ng puso mo." Sabi niya nang makalapit na sakin.


Still, speechless parin ako. Wala akong masabi o hindi ko lang talaga alam kung ano ang sasabihin ko? Bumalik lang sa earth ang utak ko nang magsalita si Emmie. Nasa stage na pala siya at nakapwesto na sa harap ng microphone.



"Astig, Julian! Ikaw na! Ang tamis mo!. . Oh well, dahil tapos na ang sweet act na ginawa ni Julian, simulan na natin ang Bailehan!"

Sumenyas si Emmie sa mga kapatid niya at nagsimula ulit silang tumugtog. The people here were beginning to find their pair. Wala narin sa amin ang atensyon nila. Finally!



"Maaari ko bang maisayaw ang mahal kong prinsesa?"



Napalingon ako kay Julian na ngayon ay nakalahad na ang isang kamay. Yumukod pa talaga siya. I can't help myself from smiling nang makita ko ang reaksyon ni Julian nang tanggapin ko ang kamay niya. Parang bata na nasunod ang hiling.


"Thank you, Belle." Sabi niya.


Hindi na ako nakapalag when he wrapped my arms around his neck. Dumausdos naman ang kamay niya sa bewang ko. He pulled me closer to him. Na sa sobrang lapit, nalalanghap ko na naman ang Julian's scent. Our faces were only inches from each other. Mas lalo kong nakikita ang pagkislap ng dalawang pares na asul na mga mata.


"I want you close to me like this. Pero kung may ikakalapit pa, bakit hindi?" Again, he flashed that sexy smile of him. Lettuce!


"Whatever, Julian!" Nasabi ko nalang.


He laughed but he still holding me close to him. Nangunot naman ang noo ko sa bigla niyang pagtawa.


"Ang dami-dami kong sinabi pero ang famous 'Whatever' mo lang ang narinig ko mula sa'yo." Tumawa ulit siya. Napangiti narin ako. Napansin niya rin pala.


"Parang isang panaginip ang muling mapagbigyan. Tayo'y muling magkasama. Ang dati ay balewala. Nagkita rin ang ating landas. Walang iba. Oh, giliw, muli ika'y pagmasdan. Ang mundo ko'y iyong niyanig. Oh anong ligaya ang ika'y sumama sa akin."

Parang sinadya din ang kanta para sa mga nangyayari. Idagdag pa ang magandang boses ni Emmery.


"This our first dance. And you are my first dance, as well." He said with a smile.


Mybrows furrowed. "Anong ibig mong sabihin?"


Sumeryoso siya. "You are my first dance, Belle. . . Alam kong mahirap paniwalaan pero 'yun ang totoo. Kaya marami rin akong nareject na babae dahil hindi naman sila ang gusto kong makasayaw. Hindi sila si Isabella Janine Ferrera. I even preserved my first dance, my first kiss, my first holding hands, my first date, my heart, my everything. . for you.  And most of all, my . ." Binitin niya ang sasabihin niya at mas lalong inilapit ang mukha niya.

The Heart Hitter (Completed)Where stories live. Discover now