Hit 17

2.3K 21 5
                                    

"Saan ba talaga tayo pupunta?"

I keep on asking him that for almost an hour already. Para na akong sirang plaka dito, paulit-ulit. But he will just answer me with either a smile or he'll say, "Just wait, princess."

He didn't speak or anything. Depende nalang kapag kinukulit ko siya tungkol sa pupuntahan namin. I don't know what's in his mind. Ang tahimik niya. Kaya inaaliw ko nalang ang sarili ko by looking outside. Were not in AmorCruise anymore at ang daan na tinatahak namin ay papuntang south. Hindi ko alam kung ano na naman ang pasabog niya. But whatever it is, sigurado akong magbibigay na naman sakin ito ng 'di normal na pagtibok ng puso.

"We're here." Biglang-sabi ni Julian.

Napatingin ako sa harap. 'Welcome to Sunshine' - it is written on the wooden gate where we stopped. Bumusina si Julian at kusa namang bumukas ang gate.

Pagkapasok ng sasakyan, huminto ulit si Julian. May kinuha siya sa bulsa niya. Napakunot-noo ako nang ilabas niya ang isang panyo, itinupi, sabay-sabing:

"I'll blindfold you first." Hindi na ako nakapagreklamo nang piringan na niya ako.

"Kelangan ba talaga?" Tanong ko.

"Yup. Para surprise." Sagot niya.

"Baka saan mo 'ko dalhin." Ngumuso ako at sumandal sa kinauupuan ako.

"As much as I want to take you in Church, then in heaven pero hindi PA pwede. Next time, maybe." Saad niya. Tumawa siya ng marahan. He really emphasized the word 'PA'.

Much better if I keep my mouth shut. Kung anu-ano kasing lumalabas sa bibig ni Julian na nakakapangilabot. 

Pinaandar na niya ulit ang sasakyan. Alam kong hindi sementado ang dinadaanan namin. Malubak at mabato dahil hindi steady ang sasakyan. Parang paakyat na kami ng Mt. Apo!

Maya-maya pa, naramdaman kong huminto ulit ang sasakyan. Nakababa narin pala si Julian dahil narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kotse sa gilid ko.

"Careful." Paalala niya at inalalayan ako sa pagbaba ng sasakyan.

We walked a few steps before we stopped. Unti-unti niyang tinanggal ang blindfold. At tama nga ang hinala ko, that Julian's surprise will be a jaw-dropping and heart-fluttering surprise.

Right in front of me are sunflowers. Hundreds - No - thousands of sunflowers!

They are looking up at the direction of the sun. Kahit na medyo natatakpan ng mga ulap ang araw, nakatingin parin sila sa taas. At kahit na Ber months na, buhay na buhay parin sila.

"Wow!... Ang ganda." Nausal ko.

"You like it?" Tanong niya.

The Heart Hitter (Completed)Where stories live. Discover now