Hit 15

2.3K 28 8
                                    

Inihinto ni Julian ang sasakyan sa parking area ng Plaza Helena. Nauna siyang bumaba ng sasakyan at pinagbuksan ako. Pagbaba ko, napansin ko agad ang liwanag na galing sa plaza. It looks like a party is being held. Or maybe, just about to begin.


"Anong meron? -- Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ko.


Kanina ko pa kasi napapansin na panay ang tingin niya sakin. Baka hindi na naman niya gusto ang suot ko. O baka may mali sa itsura ko? I'm just wearing a red, knee-length dress. Or maybe, I'm overdressed.


"Napakaganda mo, Belle." Sagot niya saka ngumiti.


Nanindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Parang uminit yata bigla lalo na ang mga pisngi ko.


"E-ewan ko sa'yo. Nagiging makata ka na." Umiwas ako ng tingin.


He chuckled. Pagkatapos ay hinawakan na niya ang kamay ko at nagsimula na kaming maglakad patungong plaza.


"Ano bang meron? Baka kasi overdress ako." Nag-aalalang tanong ko. Who knows? Baka hindi pala ako imbitado sa nagaganap na okasyon doon.


He stopped. Then he looked at me. "Don't worry, princess. You look perfect. As I said, napakaganda mo."


Julian smiled. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko, giving me assurance. And we continue walking towards the plaza.


"Ano ba kasing meron?" Tanong ko ulit sa kanya.


"Bailehan." Sagot niya.


"Bailehan? Really?" Natutuwang saad ko.


Ngumiti lang si Julian bilang sagot. Kaya pala ang mga nakakasabay namin na papuntang plaza, e kagaya namin ni Julian, they're in their casual wears, too. Nakakatuwa naman. Matagal narin akong hindi nakakapunta ng isang bailehan.


Parties in different bars are the trend in Metro. But here in AmorCruise, Bailehan ang uso. Ito 'yung sinaunang sayawan, wala pa ang disco at mga bars. Ang pinagkaiba lang sa Bailehan ngayon, modern songs are played. At imbes na cds or dj's, live ang kakanta ng mga songs.


Tumango si Julian sa dalawang lalaki na nasa entrance at dire-diretso na kaming nakapasok ng Plaza Helena. Para silang mga bouncer ng bars, pero mas approachable sila at friendly. Sila din ang tumatanggap sa mga ticket at nagche-check sa mga papasok ng plaza. Twice or thrice a month ginagawa ang Bailehan. The proceeds will go to Mamita and Granny's foundation. Ang tanong nga lang, who organized this Bailehan?


Tatanungin ko na sana si Julian nang may biglang yumakap sakin. Kasabay nito ang pagbitaw ni Julian sa kamay ko.


"Zeke?" Gulat na sabi ko pagkatapos niyang kumalas sa pagkakayakap sakin.


"Sorry, Belle. Nagulat yata kita. He-he." Sabi ni Zeke habang kamot-kamot ang ulo niya.


"Okay lang. . ." Ngumiti ako. ". .Namiss kitang loko ka."


"Talaga?! Ang. . Ang ibig kong sabihin, mas namiss kita." Halata ang pamumula ng pisngi niya. Really? Ang masungit na si Zeke, nagba-blush? How cute! Mas lalo tuloy lumapad ang ngiti ko.


Sabay kaming napalingon sa taong biglang umubo. And obviously, it was just a fake cough. Gusto lang niyang makuha ang atensyon namin ni Zeke.


"Julian?. . Julian, pare!" Naibulalas ni Zeke nang makilala kung sino. Ngumiti lang si Julian.


"Tuloy ang plano mamaya." Sabi ni Julian.


"Ah! 'Yung sinabi ni Cliff? Oo, napractice na namin." Saad ni Zeke.


Nangunot ang noo ko sa usapan nila. Tumingin sakin si Zeke at ngumiti. Ngiting hindi ko alam kung masaya siya o malungkot. Ang hirap talagang basahin ang tumatakbo sa utak ng lalaking 'to.

The Heart Hitter (Completed)Where stories live. Discover now