Hit 18

2.2K 19 7
                                    

"It's been a year since the last time I saw you, hija. And now, mas lalo kang gumanda. I think it runs in the Ferrera blood." Marahang tumawa si Mr. Makirena.

I just smiled at him. Were having a lunch here in Cat's Eye - me, Julian, Mr. Makirena and his son. Patapos narin kami sa lunch meeting namin.

"How's Cressida, anyway? I missed chatting with her. Ang lakas ng sense of humor ng Granny mo. And proven na 'yun dahil siya lagi ang kameeting ko dito sa Cat's Eye." Tanong ni Mr. Makirena.

"Granny's doing good. In fact, magbabakasyon sila ni Mamita sa London." Sagot ko.

"Good to hear that. ." Bumaling siya kay Julian. "Speaking of Helena. Kamusta na nga pala siya, hijo?"

Tumingin ako kay Julian na katabi ko lang. He's looking intently at Patrick, Mr. Makirena's son. While Patrick is looking at him, too. Ang pagkakaiba nga lang, parang may mali sa paraan ng pagtitig ni Patrick kay Julian. What's wrong with these two? 

Obviously, he's mind is somewhere. He's not paying attention sa conversation namin ni Mr. Makirena. Well, simula pa naman kanina, wala sa pinag-uusapan namin ang atensyon niya. Lagi siyang nakatingin kay Patrick. Iniisip ko nga, tigilan ko nalang kaya ang pagtulong sa lalaking 'to? Mukhang kaya naman niyang patakbuhin ang new venture na ito ni Mamita kahit wala ako.

Siniko ko siya nang mapansing hindi siya sumasagot sa tanong ni Mr. Makirena. Siniko ko ulit siya. This time, nilakasan ko na. Buti naman at nakaramdam na kaya napatingin na siya sakin.

"What is it, princess?" Mahina lang ang pagkakasabi niya.

"Mr. Makirena is asking if how's Mamita." Bulong ko sa kaniya.

Bumaling siya kay Mr. Makirena na nag-aantay ng sagot niya. "Oh! I'm sorry. Si Mamita?... She's fine. In fact, she will have her vacation in London with Granny."

Napangiwi ako. Inulit niya lang ang sinagot ko kay Mr. Makirena kanina. Ang pinagkaiba lang, he said it in english. Halata tuloy na hindi siya nakikinig. But to my surprise, Mr. Makirena laughed out loud.

Bumalik ang composure niya nang mapansing seryoso kaming nakatingin sa kanya. Nagtataka siguro sa naging reaksyon namin.

"I'm sorry, Julian. I- I just can't help it. Ganyan na ganyan kasi ang sagot ni Belle sakin kanina. No wonder, kayo ang nagkatuluyan. So... Kelan magkakaapo sa tuhod sina Helena at Cressida?"

Napangiwi ulit ako dahil sa tanong ni Mr. Makirena. Pero si Julian, ang lapad ng ngiti. Nagulat pa ako nang hawakan niya ang kamay ko, sabay sabing, "We're planning on that, Mr. Macarena."

I bit my lower lip to stop myself from smiling. It's Makirena, NOT Macarena! Ghad! Ginawa niyang sayaw ang apelyido ni Mr. Makirena. Tumingin siya sakin pagkatapos ay tinapunan ng tingin si Patrick. Julian even smirked at him. What is his problem?!

"That's good news! Congratulations in advance for the both of you." Nakangiting saad ni Mr. Makirena.

The Heart Hitter (Completed)Where stories live. Discover now