Hit 39

1.7K 30 2
                                    

"Mark?" Iyan lang ang tanging lumabas mula sa bibig ko.

Matagal ko ring nakasama si Mark. He was even a part of my past, of my life. Akala ko, kilalang-kilala ko na siya. Ngunit mali ako. Maling-mali. Dahil may mga bagay na hindi mo malalaman kung hindi kusang ipapaalam sa'yo o kung hindi mo tutuklasin.

"Surprise!" Nakangising tanong sa akin ni Mark. Kinuha niya ang isang upuan at inilapit sa'kin. Umupo siya rito. Tinititigan niya ako na parang sinusuri ang buong mukha ko.

"You look more beautiful, Belle." Tinabig ko ang kamay niya na akmang hahawakan ang mukha ko. "Oww. Pakipot? I like that."

Masama ang titig ko sa kanya. Kung pwede lang na lamunin siya ng lupa kasama sina Amanda at si Tita Grace - na hindi ko inakalang ina niya - kanina pa siguro nangyari. Ngunit hindi man lang naapektuhan si Mark sa paraan ng pagtitig ko. Ngumiti lang siya, isang ngiting malayo sa binibigay niyang ngiti sa akin noong magkasama pa kami.

"Leave now, Mark. Take her with you. Naiirita ako tuwing nakikita ko ang babaeng 'yan. Kaya umalis na kayo. I have to go and get my Julian." Sabi ni Amanda. Bakas sa mukha niya ang saya at pagkairita. Saya dahil makukuha na niya si Julian - kung maaangkin nga niya ng buo. At pagkairita, siguro dahil ako ang sinisisi niya kung bakit hindi mapunta-punta sa kanya si Julian.

"And before I forget, I have to take that thing away from you." Dagdag ni Amanda. Hindi ko alam kung ano 'yung 'thing' na tinutukoy niya.

Marahas niyang hinawakan ang kamay ko at walang sabi-sabing tinanggal ang singsing na suot ko. Hindi na ako nakaayaw dahil hinawakan ni Mark ang kamay ko para pigilan ako. Wala na akong nagawa kundi tingnan si Amanda na isinusuot ang singsing na kinuha niya mula sa akin. It's the ring that Julian gave me. And it means alot to me. Ang mga bagay na bigay sa'kin ni Julian ay mahalaga sa akin. Napayuko na lamang ako at pilit na kinukumbinsi ang sarili na matatapos din 'to.

"This ring looks perfect in my finger." Narinig kong sabi ni Amanda. "Nakuha ko na ang gusto ko. You can now go with that woman, Mark."

"Wait. He can't go just like that... Belle haven't decided yet. Wala pa si Gavin. This is unfair." Bakas sa boses ni Tita Grace ang hindi pagsang-ayon.

Tumayo si Mark at hinarap ang kanyang ina. "Bakit? Kailan ba kayo naging fair? I am your son, too. But you chose to be with Gavin, most of the time." Binigyang-diin ni Mark ang huli niyang sinabi saka bumalik sa pagkakaupo sa silya na nasa harap ko.

Galit ang mababanaag sa kanyang mukha. Nagulat nalang ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at marahas niya akong hinila para tumayo. Nagpumiglas ako ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Mark. Ano ba? Bitiwan mo 'ko! Mark!"

"You will come with me. Or else, that fvckin' Julian will die. Mamili ka, Belle." Lumingon siya kay Amanda at tumango. Ngumisi si Amanda at inilabas ang kanyang phone at may tinawagan. Seryoso at puno ng diin ang pagtitig ni Mark sa akin nang muli niya akong tingnan. At sa mga sinabi niya, alam kong wala na akong takas.

Mas pipiliin ko na ako ang mawala. Huwag lang si Julian.

The Heart Hitter (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ