Hit 30

2.2K 24 2
                                    

We've been travelling for almost three hours already. Malapit narin naming marating ang D' Leonore base sa mga nadadaanan naming mga puno ng palmera. Hindi namin namamalayan ang oras dahil napupuno ng kwentuhan at asaran ang buong van. Ang driver nina Cliff ang nagmamaneho. Nasa front seat si Rio, sa likod nito ay sina Lei at Cliff, samantalang nasa likod naman nila sina Emmery at 'yung lalaking nakalimutan ko kung ano'ng pangalan, basta siya 'yung lalaking nagtanong tungkol kay Emmery. Habang kami naman ni Julian ay nasa pinaka-backseat. Nakahilig ako sa balikat niya habang hawak-hawak niya ang kamay ko at ang isang kamay niya ay nasa bewang ko. Kanina, pinaglalaruan niya ang palad ko - drawing shapes or writing our names on it. Kaya masasabi ko na walang dull moments during the trip.

Nakarating din kami sa D' Leonore at kaagad kaming inasikaso ng mga staff nito. I've been here once, noong sinama din ako nila Cliff, Lei, at Emmery para daw sumaya ako, that was when Julian left. Naging masaya naman ako nu'ng unang punta ko dito at alam ko na mas masaya ngayon ang pagbabalik ko dito sa D' Leonore dahil kasama ko na si Julian. Napangiti ako nang makitang may Amusement Park narin pala silang dinagdag dito. Kunsabagay, when I went here before, hindi pa masyadong nadedevelop ang lugar. Since past 6am narin nang makarating kami, napagpasyahan naming magbreakfast muna. PDA kung PDA sina Cliff at Lei, habang sina Emmie at 'yung kasama niyang lalaki, nag-aasaran pero mapapansing kinikilig ang Emmery.

"Prinsesa ko, open your mouth." Paglingon ko kay Julian, akmang susubuan na niya ako kaya pinigilan ko.

"Julian?!" Nagsisi ako nang pigilan ko siya, lumungkot kasi bigla ang mukha niya.

"Sorry, Belle. I just want to take care of you pero mukhang ayaw mo." Mahinang sabi ni Julian. Hindi siya nakatingin sa'kin kundi sa kutsarang hawak niya na nasa plato. He's pouting like a little child.

"Julian..." Tawag ko sa kaniya. Kaagad ko siyang binigyan ng mabilis na halik nang lingonin niya ako. Nagulat siya at namumula ang kaniyang pisngi. "Sige na, bok. If that's what you want... Naku! Kung hindi lang kita mahal."

Umaliwalas ang mukha ni Julian pero sa halip na subuan ulit ako, ang magical lips na naman niya ang nasa labi ko. "There. Busog na ako." Sabi niya habang may malapad na ngiti sa mukha niya.

"Damn! I feel so out-of-place!" Napalingon kaming lahat kay Rio na kunwaring naiinis.

"Bakit ka kasi nagpapaka-bakla? Wala ka tuloy buhay-pag-ibig!" Pang-aasar ni Emmery.

"Then, I have to go. Maghahanap ako ng buhay pag-ibig!" Tumayo si Rio pero bago siya umalis, kinurot niya pa ang tagiliran ni Emmery.

"Siguraduhin mong lalake, Rio-bruha, ha? At hindi babae. Baka mapaghalataang nagpapanggap ka lang!" Sigaw ni Emmery kay Rio. Tinaas ni Rio ang kaniyang middle finger at tatawa-tawang umalis.

Natawa kaming lahat sa inasal ng dalawa. Paglingon ko naman kay Julian, sinalubong niya ulit ako ng isang malutong na halik.

"That's my dessert, prinsesa ko."

Sumilay na naman ang seksing ngiti sa magical lips ni Julian. Hindi kaya malaspag ang labi ko nito? Hay! Adik sa halik!

The Heart Hitter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon