Hit 28

1.9K 16 7
                                    

Two days ago, dumating sina Granny and the day after, ginanap naman sa Amor's place ang Christmas party para sa mga trabahador ng farm. Taon-taon namin 'yun ginagawa, and it was Granny's idea. It was like were giving back the hardships of our workers, at kahit kaunti, mapasaya naman namin sila. Kanina'y galing kami sa simbahan para dumalo sa huling simbang gabi. Ngayon nama'y tsini-check ko ang mga inihanda namin para sa Noche Buena mamaya. May nakaset-up na mahabang mesa sa harap ng bahay nina Mamita since hindi pwede sa harap ng bahay namin dahil nandoon ang garden set pati na ang swing. Nang masiguro ko na okay na ang lahat, at sinabi rin ng kasambahay nina Mamita na may mga tinatapos pang lutuin sa loob, I decided to sit in one of the chairs.

"Belle?" Napalingon ako sa tumawag sa'kin.

"Tita Jackie. Ah. May kailangan po ba kayo?" Tanong ko.

"Wala naman." Umupo siya sa silyang nasa harapan ko at inabot sa'kin ang isang basong tubig. "Kanina ka pa kasi pabalik-balik dito at ako ang napapagod sa ginagawa mo. Okay ka lang ba?"

"Opo, Tita. Okay lang po ako. Tsaka, minsan lang naman po ang okasyon na 'to, minsan lang din po tayo kumpleto." Sabi ko.

Ngumiti si Tita Jackie. Unang tingin pa lang, makikita mo na ang pagkakahawig nila ni Julian, para siyang female version nito. Kay Tita Jackie namana ni Julian ang asul na mga mata. Bilib din ako kay Tita, dahil kahit hindi siya pure Pinoy, ang tatas niyang magsalita ng tagalog lalo na't iilan lang ang Pilipino na nakakasalamuha niya.

"Alam mo ba, hija, kung ano ang dahilan kung bakit hindi kaagad nakabalik si Julian dito?" Out of the blue, natanong ni Tita. Umiling ako.

"Tutal, tapos narin naman kayong magkwento ni Julian noong isang araw. I guess, ako naman ang magkukwento." Ani Tita.

Umayos ako ng upo at inihanda ang sarili ko sa maaaring malaman mula kay Tita Jackie. Inaalog niya ang pomelo juice niya na may ice cubes.

"I'm sure, naalala mo pa noong 18th birthday mo na pinadalhan ka ng video message ni Julian na kung saan, nangako siyang darating sa college graduation mo." Sabi ni Tita. Tumango ulit ako.

"Babalik na dapat siya noon, pero may mga nangyari. Nalaman namin ang tungkol kay Gavin. Noong una, hindi kami naniwala but after some tests and legal stuffs, napatunayang anak siya ni Andrew. That time, hindi ko kaagad natanggap ang katotohanan na may naging anak sa ibang babae si Andrew, na may nauna sa buhay niya. At kailangan ko si Julian nang mga panahong 'yun. Nagkataon din na may mga bagong bukas na branch sa Europe ang kompanya at may bago ring kakumpetensya ang HSL na pilit kinukuha ang mga kliyente namin at nagawang makipagsabayan sa'min. Fortunately, Julian settled everything, and in the end, tuluyang nalagpasan ng HSL ang kakumpetensya nito. Then, Gavin came. Nang dumating siya, tinanggap namin siya ng buong puso and as if he was a sign for Julian, para bumalik dito." Kwento ni Tita Jackie.

Uminom muna siya ng juice na hawak niya saka nagpatuloy.

"Honestly, mas nasaktan ako nang makita kong nahihirapan si Julian. I know he doesn't want to go there, in London, 'cause he don't want to leave you. Hindi ko nga alam kung paano niya nagawang patakbuhin ang kompanya, na ikaw ang laman ng isip niya. He even went home drunk, that was the time when everything messed up. From the Gavin issue to the company's problem. But what broke my heart was when Julian cried, saying that he again hurt you. Hindi daw niya natupad ang pangako niya. He was frustrated dahil hindi ka niya makontak at wala siyang magawa para makausap ka lang. But when I told him na kaya ko na, and he saw everything went back to normal, he soon booked a flight going back here. And looking at my son right now, I can tell that he's happy and inlove. And he already found the missing part of his life. At ikaw 'yun, hija. At gusto kong magpasalamat dahil binigyan mo siya ng pagkakataong mahalin ka muli... Wait, bakit ang drama ko na?"

The Heart Hitter (Completed)Where stories live. Discover now