Prologue

32.3K 1K 243
                                    


"Auster." Tawag sa akin ni daddy while I was picking baby breaths in my mom's unclattered garden.

Nakangiti ito habang umaksyong palapitin ako sa kanya.

I placed the flowers in my mom's flower basket at madaling tumakbo papunta kay dad.

"So, this is auster brave huh?" Ang narinig kong salita mula sa malalim na boses ng taong kausap ni daddy.

Medyo nakaramdam ako ng takot dahil kahit pa nakangiti ito ay di maiaalis sa mukha at tindig nito ang pagkastrikto.

I clutch on to my dad's right leg dahil sa kaba ngunit tinawanan lang nila ako ni dad kaya napasimangot ako.

Iginiya naman ako ni dad paharap sa kanila.

"Auster this is Mr. Kazuma. At sya naman ay si Ryuuji, anak ni Mr. Kazuma. Say hi to them. Magkasing edad lang kayo ni Ryuuji kaya bakit di mo sya yayaing maglaro sa garden habang naguusap kami ng daddy nya." Malumanay at nakangiting saad ni dad.

Humarap ako sa matandang kazuma at ngumiti sabay bati narin dito. Kita ko parin ang ngiti sa mukha nitong medyo may katapangan pero alam ko namang may sinseridad sa likod ng kanyang ngiti.

Matapos kong tumingala upang batiin ang matandang Kazuma ay hinarap ko naman ang anak nitong kaedaran ko lang. Medyo nakatayo ang buhok nitong maiksi at naka superman na t-shirt, short at snickers.

Nakapamulsa ito at kapansinpansin ang tila naiinip nitong itsura.

"Hi! Ako si auster brave castero, pero you can call me au au. I'm 7 years old." Nakangiti kong pagpapakilala dito sabay lahad ng aking kamay sa harap nito.

Kita kong kumunot ang noo nito.

"Hindi ko sya kaedad. 9 years old na ako." Masungit nitong sabi sabay irap sa akin na di man lang tinanggap ang aking kamay.

"Ryuuji!" Pagalit na turan ng tatay nya kaya naman napilitan itong tanggapin ang kamay ko at nakipag shake hands kahit pa nakasimangot itong nakabaling sa kaliwa ang mukha.

Sa unang pagkakataon ay tila nakaramdam ako ng kakaibang sensasyon ng maglapat ang aming kamay.

Hinigpitan ko ang kapit dito sabay hila sa kanya papunta sa garden ni mommy.

"Sandali nga! Bakit mo ba ako hinihila?" Masungit nitong tanong nang makapasok kami sa bulwagan ng hardin na nasisinagan ng init ng araw na tumatama sa makukulay na talulot ng mga bulaklak.

"Halika, samahan mo akong mamitas ng mga bulaklak na dadalhin namin sa puntod ng lolo at lola ko." Nakangiti ko syang hinarap.

Nabigla ako ng itulak ako nito dahilan para mapaupo ako sa lupa. Hindi naman ako gaanong nasaktan ngunit ikinakunot ito ng aking noo.

"Bakit mo ako tinulak?" Tanong ko dito habang tumatayo at pinagpagan ang aking pangupo.

"Dahil ayoko sumama sayo." Masungit nyang tugon.

"Bakit naman? Masaya mamitas ng mga bulaklak ryu." Nagtataka kong saad.

"Kasi ayoko sa mga batang makulit at malamya kumilos. Kaya ayoko sayo." Masungit parin nitong saad saka nakapamulsang pumasok sa hardin.

Nagkibit balikat nalang ako at hinayaan nalang sya. Bahala sya kung ayaw nya basta ako mamimitas ako ng mga magagandang bulaklak ni mama.

___

Habang patuloy na namimitas ng tulips na nakahilera sa loob ng hardin namin ay kita kong tila ba humahagikhik si ryuuji sa may center aisle ng garden kung saan may nakatanim na puno ng manga.

The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon