Chapter 46

6.7K 364 113
                                    

Brave's pov

Ilang araw narin ang nakalipas and things are getting better for me.

I am now on my way to the Rivande corp at nabigla ako ng pagpasok ko dito ay isang malaking tarpaulin ng picture ni Tiara ang nakatayo sa may front desk.

Agad kong nilapitan ang receptionist upang tanunging kung anong meron.

"Care to explain about this?" Taas kilay kong tanong dito. Kakagaling ko lang sa ilang araw na pahinga at itang pagmumukha agad ang mababanaag ko pagpasok sa kumpanya ko.

"Ahm, sir kasi po bilin po yan ni Mr. Rivande kahapon." Tila takot na paliwanag ng babae sa akin.

Napahawak nalang ako ng aking noo.

"You know I am now the new owner of this company. Alam nyo na tapos na ang pamamahala ng Rivande sa kumpanyang ito! I am currently rebranding everything kaya kung pwede lang bago pa ako magsising ipatanggal kayo ay alisin nyo ang litrato ng babaeng yan!" Pigil kong bulyaw dito na kinanginig ng babaeng kaharap ko.

This is utter insult to my face. Inilagay nila sa mismong bungad ng kumpanya ang pagmumukha ng babaeng sumira sa buhay ko.

"Mr. Castero, wag mo syang pagalitan." Sabat ng boses ng isang matanda sa aking likod na kinalingon ko. "Ako ang humiling sa kanila na kung pwede sana kahit ilang araw lang, bago namin ilibing si Tiara ay maipaalam kahit papano sa mga tao dito sa kumpanya na itinayo ito at itinaguyod para sa magiging kinabukasan ng anak ko." Saad ng matandang Rivande na sya ngayong maluha-luha habang nagsasalita.

Tila naman nabigla ako sa narinig dito.

"A-anong ibig mong sabihin?" Nauutal kong tanong pabalik. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko sa mga sinabi nito.

"Ang kinabukasan ni Tiara, ni hindi ko man lang ipinadama sa kanya ang pagiging ama ko." Umiiyak nitong sagot.

"Sana ay mapagbigyan mo ako Mr. Castero, kahit ilang araw lang at pagkatapos ay ako mismo ang magtatanggal ng litratong yan." Muling pakiusap nito sa akin.

Wala na akong nagawa pa kundi ang tumango nalang.

Nakayuko itong nagpasalamat sa akin ngunit hindi ko magawang bumigkas ng kahit na anong salita.

Dumeretso ako sa parking lot at inutusan ang driver kong ipagmaneho ako sa kumpanya ko kung nasaan kasalukuyang nagtatrabaho ngayon si Color.

Nang makarating ay agad akong umakyat sa office ni Color at dito nadatnan ko itong mejo busy sa mga binabasa nitong mga papeles.

Napaangat ito ng tingin at nabigla ng makita ako.

"Oh ang bilis naman? Akala ko ba ay kakausapin mo ang mga board para sa rebranding?" Nagtataka nitong tanong habang binababa ang salamin sa mata.

Hindi ko alam kung bakit pero tumulo nalang ang mga luha ko at nagsimula na akong humagulhol.

"Besh?" Nagtataka nitong tanong at agad akong nilapitan at niyakap.

"Anong nangyari? Sabihin mo sa akin Au." Saad nito habang nakayaap at hinahaplos ang aking likod.

Dito ay tuluyan na akong ngumawa at niyakap ito pabalik.

Umiyak lang ako ng umiyak ng halos ilang minuto bago ako kumalma.

Nasa couch kami at magkatabi habang inaalo parin ako ni Color.

"Ano ba talaga ang nangyari? Sabihin mo sakin besh." Ang malumanay nitong tanong.

"S-si Tiara, nagpakamatay daw." Halos utal kong sagot dito na syaring napatakip sa bibig si Color.

The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)Where stories live. Discover now