Chapter 6

15.6K 713 75
                                    

Pre AN:

Hi guys! First of all, pasensya sa sobrang tagal na update guys aside sa halos lamunin ako ng issue sa fb ay halos maubos ang natitira kong inspirasyon sa pagsusulat. Anyways, I wanna announce that another author will be joining our humble writing collaboration under dangerous man series. Si Iamjaelopez will be writing the story of a casanova hunk in 'The casanova's nightmare'. Hope na susuportahan nyo parin kami in this series together with YusTimmy who is currently writing the life of an insolent rich guy sa 'The insolent hunk'. Stay tuned guys dahil pitong hunks ang ilalabas namin sa collaboration na ito and we will definitely satisfy your craving for some hot bachelors and intensify your imagination in their romantic desire for love. Anyways, I have said plenty enough kaya eto na ang update. Enjoy!


I would like to dedicate this chapter to my asawa na si rusty_rosknowell! I love you pa! Thanks sa suporta at pag-iintind sakin! Belated happy motmot satin hehehe. 😘😘

Auster's pov

Hindi ako mapakali dito sa hospital na pinagdalhan namin kay tita bless. Buti nalang at tinulungan ako ng mga tambay na kakilala lang din namin ni tita na nagiinuman sa labas.

Hindi ko alam kung anong nangyari kay tita pero sinisigurado kog gagawin ko ang lahat maialis lang sa panganib ang buhay ni tita bless.

Panay parin ang buhos lang luha ko nang lumabas ang doctor mula sa tinatapigan ng kurtina na pinaglagyan kay tita bless.

"Ikaw ba ang kasama ng pasyente?" Tanong nito.

"O-opo doctor. Ako nalang po ang natitirang kamag-anak ni tita. Ano ho ba ang nangyari sa kanya?" Lumuluha kong tanong dito.

"Kumalma ka dahil hindi makakabuti kung pati ikaw na tanging masasandalan ng pasyente ay magpapakita ng kahinaan." Saad nito. Kinabahan ako sa bungad nito sa akin ngunit alam kong tama sya. Hindi ako dapat magpakita ng kahinaan ngayon dapat ay nagpapakatatag ako para sa aming dalawa ni tita.

"Doc please deretsohin nyo ako." Saad ko dito habang patuloy na lumuluha. Iba kasi ang nararamdaman ko sa kondisyon ni tita.

"Inatake sa puso ang tita mo. Acute myocardial infarction sa kanyang left ventricles. 1/4 ng kanyang left ventricle ay hindi na nasusuplayan ng dugo kaya naman bumigay ang puso nya. Mabuti na lamang at naidala nyo sya dito sa hospital agad upang maagapan pansamantala ang kanyang kondisyon. Totally damage na ang kaliwang ibabang bahagi ng kanyang puso at sa ngayon ay kritikal ang lagay ng iyong tita." Saad nito na halos ikalumo ko ng sobra.

Napatakip nalang ako ng aking bibig habang humahagulhol.

"Doc paano ho yun nangyari? Doc gawin nyo ho ang lahat please. Isalba nyo ho ang buhay ng tita ko. Sya nalang ang natitirang pamilya ko doc." Humahagulhol kong pagmamakaawa sa kanya.

"We intend to do so kaso nga lang ang tangi naming magagawa sa kanya ngayon ay ang bigyan sya ng gamot na magpapadilate ng iba pang ugat sa puso nya upang masuplayan ang mga bahagi ng puso nya na nananatiling functional. The only procedure na makakapagsalba sa puso ng tita mo ay ang arterial bypass surgery. Kailangang magawa ito sa lalong madaling panahon." Seryoso nitong saad sa akin.

"Doc please gawin nyo ho ang lahat. Isalba nyo po si tita maawa kayo." Hindi ko alam ang itsura ko ngayong nagmamakaawa sa doctor na ito ngunit hindi ko na inintindi pa ang itsura ko. Ang mahalaga ay ang kalagayan ni tita bless ngayon.

The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)Where stories live. Discover now