Chapter 21

11K 500 72
                                    

A fresh 1yr and 2 months satin mahal. ❤❤

Auster's pov

Halos matuod ako sa kinatatayuan ko matapos nitong magtanong sa akin.

Napansin siguro nito ang panginginig ko kaya napabuntong hininga ang matanda at tila kumalma ang kanyang expression.

"Out of the way." saad nito saka mabilis na pumasok sa loob ng condo.

Binangga lang ako nito at naiwan akong nakatayo. Sumunod dito ang magandang babae at naiwan kami ni manong Vlad na nakatitig sa isa't isa.

"Au, ok ka lang ba?" pagtatanong ni manong sabay tapik sa aking balikat na nagpabalik sa akin sa katinuan.

"ahh opo manong." saad ko sabay sarado ng pintuan.

Agad kong sinundan sila at nakitang prenteng nakaupo ang babae habang nakatayo at nakapameywang naman ang matanda na nakatayo at si manong na nakatayo lang din sa sulok.

"ahh ehhh sir Kazuma, maupo muna kayo at maghahanda ako ng makakain nyo." hindi ako pinansin nito at tumalikod lang. Nakita ko namang inirapan ako babae kaya umalis nalang ako at bumalik sa kusina.

Itinukod ko ang dalawang kamay sa center table at huminga ng malalim. Hindi ko ineexpect ang pagpunta ng tatay ni Uji dito. Pero kailangan kong pakalmahin ang sarili ko upang maiwasang maging palpak sa harap nito.

Agad kong binuksan ang ref at kumuha ng packed na club sandwich na binili ko incase magutom si Uji ay may ready made sandwich syang makakain.

Inilagay ko ang mga ito sa platito at naghanda ng tatlong basong juice. Inilagay ko ang mga ito sa isang serving tray at maingat na dinala sa sala.

"kumain ho muna kayo." saad ko ng mailagay ang tray sa center table ng sala. As usual ay inirapan lang ako ng babaeng nakadekwatro. Sayang lang at maganda sana ito pero tila may attitude si ateng.

Lumingon sa akin ang matandang Kazuma na kasalukuyang nakatanaw sa labas ng glass wall ng condo.

"I heard that Ryuu bought you for an amount that exceeded your worth." saad nito at tuluyan nang humarap sa akin.

Napayuko nalang ako sa sinabi nito dahil tama nga naman sya. Ang perang inilaan sa akin ni Uji ay sobrang higit pa sa dapat na presyo ko. Sino nga ba naman ako para paggastusan ng ganoon kalaking pera.

"Huh, minsan talaga hindi nagiisip ang anak kong iyon. Wasting money to someone as useless as you. Ni kahit ang sandwich na inooffer mo ay galing pa sa paketeng panigurado ay pinaglumaan na sa shelf ng grocery store. What a useless idiot you are. Do you think na ang mga katulad naming tao ay kakain ng ganyang klase ng sandwich?" pagmamaliit nito sa akin ng harap harapan. Halos sumikip ang dibdib ko at tila gusto ko nang mawala sa kinatatayuan ko ngayon.

"I want you to go back to the kitchen and stay there. Ayokong makita ang pagmumukha mo." matalim na utos nito.

Lumapit sa akin si manong Vlad at inakay ako papunta sa kitchen.

"Pagpasensyahan mo na ang matanda. Marahil ay may personal na problema lang na idudulog ito kaya ganun ito magsalita." ang pagpapagaan nya sa loob ko ng makarating kami sa kitchen.

Lumingon ako dito at inilabas ang pilit na ngiti.

"opo naman wala naman sa akin yun eh. Ako pa? Lahat na nga ng pang-iinsulto eh nadaanan ko na. Sisiw lang sakin yun." ang nakangiti kong tugon dito. Pero ang mga pesteng luha ko pinapahiya ako.

Niyakap lang ako nito kaya napasubsob ako sa dibdib nya.

"ang buhay ng tao ay walang katumbas na halaga, lagi mong tandaan yan. Andito lang kami at pahahalagahan ka namin nina kuya at boss." wala na akong ibang nagawa pa kundi ang umiyak sa polo nito habang ginagantihan ko ito ng yakap.

The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)Where stories live. Discover now